Missing him

115 4 4
                                    

Second: Missing him

"Honey, you should eat properly." Ani ng kaniyang ina sa british accent nito habang nilalapag ang kanilang agahan. Siya naman ay nagbiblend ng araw-araw niyang iniinom. Mas gusto niya kasing inumin na lang ito kesa kainin.

"Mum, I am." Aniya. Kumuha siya ng dalawang slice ng bread at sinalin na sa baso ang kanina ay biniblend.

Kakagaling niya lang sa morning jogging niya. Kinaugalian na niya ang pagjajogging araw-araw. In fact, gumagawa pa siya ng ibang exercise bago ang jogging niya. Nitong high school kasi siya ay talaga lumobo siya.  Mula sa pagiging baboy ay naging balyena siya! Kaya naman frustrate na frustrate siya. Paano niya pakikiharapan si Timothy kung kasing laki na siya ng balyena?

Ilang sandali pa ay nagsipuntahan na ang kaniyang ama at ang 8-yr-old na kapatid para sama-sama na silang kumain ng agahan.

Nangunot naman ang noo ng kaniyang ama pagkakita sa kaniyang inumin. "Nak, dapat ay mag-iba ka na ng ibiblend mo. Narito ka na sa Pilipinas at bibihira na lang ang mga iyan dito." Ani ng kaniyang ama. Tama nga ito.

Actually, nahirapan nga siyang maghanap eh pero for the mean time, ito na muna habang magreresearch pa siya ng magiging alternative niya.

"Jackson, kinokonsente mo na naman ang anak mo! Baka mapano na iyan kakadiet. Kita mo nang nangangayayat na." Ani naman ng ina niya. Tinignan naman niya ang sarili. Pinisil ang kaniyang bandang tiyan, braso, at sa singit. Ito ba ang nangangayayat para sa mama niya? May bilbil at taba-taba sa braso at singit?

"Love, pabayaan mo na ang anak mo. She's grown up. She knows what she's doing." Tugon ng ama na kandatungo naman niya. "At isa pa, ipapakilala ko siya sa mga anak ng business partners natin. Ayaw naman niyang ipakilala ko siya na tabachingching pa siya. Cute ka naman pag ganoon, nak."

"Pa!" Cute siya kasi may pipisilin sila! Ang papa naman kasi niya, gusto rin siyang yakapin-yakapin kasi malaman daw kaya nga sinasabi nitong cute siya. "Cute pa siguro, Pa kung tabachingching pa pero kung kasinlaki ka na ng balyena, nakakatacute na yun."

Natawa naman ang kaniyang papa. "Bagong joke ba iyan, nak? Cute at nakakatacute." Anito at tumawa pa.

Nagpatuloy na lang sa pagkain si Rishlyn. Hindi siya nagbiro, sa totoo lang. Siya ang unang natapos sa pagkain dahil siya lang naman ang may maliit na kinakain.

"Magputi ka, nak. Theme color natin iyan ngayon." Ngising anang ng papa niya. Omoo na lang siya kahit ang gusto sana niyang suotin ay itim. Kinurot niya muna sa pisngi ang kapatid na tabachingching na rin bago umalis ng hapagkainan.

Magsisimba sila ngayon at sa loob ng 12 years ay ngayon lang ulit siya makakapunta ng simbahan dito sa Pilipinas. Kakauwi lang nila last week at naging busy sila sa pag-aayos ng mga gamit sa bago nilang tinitirhan.

Haaay! Iba talaga pagnasa Pilipinas ka. Parang napakakulay ng buhay. Hindi naman sa hindi siya naging masaya sa England pero dito kasi naglululutang ang isip niya for the past years.

She's missing him sa bawat araw na lumipas noong namamalagi sila sa England. May iilang kaibigan siya na nakakawala ng pagkamiss niya sa batang lalaki kahit sandali man lang pero iba ang feeling na malapit na lang siya sa iyo. Na kahit anong araw ay pwede silang magkita.

Hindi naman siya matagal maligo pero sa pagpili ng isusuot ay ibang usapan na. Salit-salitan niyang tinapat sa sarili ang mga damit habang nakaharap sa salamin. Ito talaga ang nagkocunsume sa oras niyang mag-ayos. Ang daming considerations. Ang daming dapat isipin kapag pipili ka ng damit.

Bagay ba ito sa pupuntahan? Hindi ba masyadong malaswa? Kita ba ang bilbil niya nito? Slim na ba siya sa suot na ito? Oh my, matatago ba nito ang stretchmarks niya? Ilan lang ito sa mga bagay na isinasaalang-alang niya kapag namimili siya ng susuotin.

Memories With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon