Third: Day one
Tinignang muli ni Rishlyn ang COR kung nasa tamang room ba siya. Mukhang ito nga ang nasa COR niya. Naglakad siya patungo sa isa pang pinto ng room.
Napapapitik pa siya sa strap ng kaniyang bag habang pumapasok.
New school, new classmates. At hindi na siya mahihirapang magbiro dahil sariling wika na niya ang gagamitin niya. Napapatingin siya sa mga classmates na dumating na. Ang ilan sa kanila ay may naging close na. Ang iba naman ay kaniya-kaniya munang mundo.
Napatigil siya nang may nakaupo na sa silyang balak niyang upuan. Nagbabasa ito at mukhang focus na focus ito sa binabasa.
Napabuntong-hininga na lang siya. Gustong-gusto niyang maupo katabi ang bintana sa pinakahuling upuan sa klase. Kung bakit? Hindi lang naman kasi pagtigin sa bintana, magpahangin, o ayaw makinig sa teacher ang dahilan niya para doon maupo. Nasa pinakadulong upuan iyon sa lahat ng row at kolum ng mga upuan at kitang-kita mo mula rito ang lahat ng classmates mo. Maoobserbahan mo silang lahat. Ganoon? Pero mukhang hindi na mangyayari iyon.
Naupuan na lahat ng silya na malapit sa bintana kaya uupo na lang siya sa katabing silya ng lalaking nagbabasa.
Teka... Siya yung lalaki sa simbahan! Sa isip ni Rishlyn. Classmates pala sila. Kung hindi siya nagkakamali, ang lahat na kabilang sa klaseng ito ay blockmates niya. Edi masaya!
Nilapitan na niya ang upuan katabi ng sa lalaki. Anong klaseng paaralan kaya ang pinapasukan ni Timothy? University kaya? Sa isang elite school?
"Good morning." Napatingin siya sa lalaki nang bumati ito. Nakangiti. Sa kaniya ba ito bumati? Napalingon siya sa likod pero wala namang tao. Malamang ay siya nga.
"Uh. G-Good morning." Ganting bati niya saka ay ngumiti. Naalala niya noong elementary siya ay si Timothy rin ang unang bumabati sa kaniya.
Hindi inalis ng lalaki ang ngiti sa mga labi pero wala na itong sinabi pa at binalik ang atensyon sa binabasa nito. Tuluyan namang umupo si Rishlyn at kinuha ang phone niya. Nagtype siya roon at pinost sa kaniyang fb account.
Nasaan ka na, Timothy? Posted.
Napahalumbaba siya. Narito kaya si Timothy sa paaralang pinapasukan niya o nasa kabilang paaralan? Kung nagkataon man na nasa kabilang paaralan siya ay hindi siya magdadalawang isip na lumipat. Tawagin na siyang linta ng lahat basta makita at makasama na niya ulit si Timothy. Haay, namimiss na talaga niya ito.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo, miss." Napalingon si Rishlyn sa katabing lalaki. Pabigla-bigla naman ito kung magsalita. Uso naman ang kuwit?
"Ah? Nag-a-adjust lang siguro. It has been a long time." Tugon niyang nakangiti. Hindi naman siya masyadong palangiti, maliban na lang kung iniisip niya si Timothy ay talagang mapapangiti siya, pero nakakahawa talaga ang ngiti niya. Parang... si Timothy.
"English accent."
"Ha?"
"Kakauwi mo lang galing ng England. Am I right?"
"Ah, oo." Nakangiti pa rin niyang tugon. Kasi naman, nakangiti pa rin itong katabi niya. Rude naman siguro kung bigla na lang siyng sisimangot. Baka mapagkamalan siya nitong bipolar.
"My name is Keith." Ano ba yan! Napakainosente ng mukha lalo na pag nakangiti. Mapapagkamalan mo naman itong santo, eh. Nilahad nito ang palad para makipagkamay.
BINABASA MO ANG
Memories With Him
RomansaWith Him series: Timothy Keith Buenzalido Rishlyn Lee met Timothy in her childhood days. He was so gentle and sweet. And so, Rishlyn fell in a very young age. But fate has its own plan. That night, she discovered she would leave Timothy. She doesn't...