Dear Forever ko,
TGIF :) hayy nakakapagod mag aral nuh? Pero okay lang sa akin na magpagod ngayon, ang sabi nga ng mga matatanda ,okay lang na pagod ka ngayon para bukas relax relax ka na lang.meron din namang gasgas na gasgas na kasabihang kapag may tiyaga , may nilaga. Kaya nagsusumikap ako e,para din naman sa future natin to Forever ko, pagtutulungan natin yung magiging pamilya natin in the future. Kahit wag ka muna dumating ngayon Forever ko hayaan mo muna na makagraduate ako , malapit na rin naman ako grumaduate ng Electronics Engineering e tapos na rin naman ako mag OJT, pumapasok na lang ako para sa naiwan kong subject na Filipino2, kung sino pang GenEd dun pa ko bumagsak nung 1st year ako ang demanding kasi nung prof ko noon e, may pa acting acting pa dapat sa harap, o kaya naman magtutula ka, ginawa nya kaming highschool. now ko lang kinuha kasi ngayon lang hindi hectic ang schedule ko. konting kembot na lang din naman may profession na ako forever ko. Ilang months na lang ang hihintayin natin pwedeng pwede na :))) hindi ako magsasawang maghintay sayo forever ko, right after ng graduation pwede kana dumating , pero kung naiinip kana at gusto mo na ko makita , ok lang sa akin . Magpapakipot pa ba ako ? Opportunity na yun e LOL! :'>
P.S
Favorite ko kasi yung math at gustung gusto ko talaga maging Engineer kaya kinuha ko to, kung hindi ako bumagsak ng Filipino running for Magna Cumlaude sana ako (sayang nuh?) :( pero alam ko proud ka sa akin kahit hindi ako naging cumlaude , ako din naman proud sayo kasi alam kong mamahalin moko ng forever e :)Umaasa,
Shan
BINABASA MO ANG
Dear Forever Ko
Teen FictionDear Forever ko, Bakit wala ka pa? Asan ka na ba ? Medyo matagal ka pa ba? Nag aantay lang ako sayo ha? Bilis bilisan mo forever ko excited na kasi ako e :) Umaasa, Shan