Chapter 1: LEOUISSE GUILE'S POV

8 0 0
                                    

Magandang Buhay! Magandang umaga na naman dito sa Pilipinas. Kamusta? Bago ang lahat, ako nga pala Leouisse Guile Daniel, 24 years old and a Filipina- Scottish citizen.  Nakatira ako sa isang maliit na apartment malapit sa work ko dahil my parents are not actually here nan doon sila Scotland. Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang assistant sa isang malaking kompanya na pagmamay-ari ng kaibigan ko. Speaking of kaibigan….

“ Ang tagal naman ng baklang yon! Malapit ng magsimula ang meeting niya! kalokang baklang to!” sabi ko sa isip ko. Ng biglang….

“ Boooooo!”.....

  “ Ay bil*t! Nganu gud kang Bayota ka! “ napasigaw ako sa takot.

“ Opsssssss, sorry ma-friend! Napamura ka tuloy hahahahah!” pigil tawa niyang sabi sa akin.

“ Magtigil ka nga! Nakatingin na sila sa atin! Ikaw lang boss na ganyan sa assistants nila. Kaya keep our relationship low key, Okay?” paggalit na sabi ko sa kanya.

    “ Yes  Momshie!” binabae niyang sabi at kasabay naming pagtawa.
Actually alam nilang bakla ang boss nila kaya okay lang sa kanila ang pinaggagawa  niya. And about  us? Nope! Hindi nila alam.  Ayaw ko kasing malaman nila na we are bestfriends since childhood. Ayaw kung isipin nila na nakuha ko ang posisyon nato dahil magkaibigan kami.

     “ Tara na nga! Naghihintay na si Mr. Perez sa atin! Ikaw lang ang boss na palaging late! Saan kaba nagsusuot pag-gabi ? Playing with boys again?” mahinang kantyaw ko sa kanya habang nasa elevator.

      “ Hoy babaeng ma-bilbil wag ng mag-ingay halikan kita diyan eh!” reklamo niya habang nagbabasa sa contract para kay Mr. Perez.

      “ Ayan ang napapala ng mga taong pag-gabi baby boys ang katabi! Hahahaah!” kantyaw ko ulit. Hindi naman sa makulit ako pero parang ganun na nga! Haaahah!

      Habang tawa ako ng tawa sa likod niya nang biglang hinablot niya ang aking mga kamay at nilapit niya ang kanyang mukha sa akin, sabay sabing “ Sabi ko naman sayo hahalikan talaga kita pag-hindi ka pa tumigil sa kakatabil diyan!” para akong naging bato, hindi ako makagalaw sa pagkabigla. At ako’y natauhan ng bigla niya akong binitawan sabay sabing “ EWWWWWWWW! YIKES! Kediri! Reklamo niya. At sabay naman kaming napatawa sa ginawa niya. 

   Gwapo naman talaga tong baklang tow… pero yun ngalang gwapo rin ang hanap. Hahahaah! Napatawa nalang ako sa isip ko. “ Hayst ang mundo nga naman. Dios ko po lord wag niyo po sanang ubusin ang lahat ng gwapo maging bakla, wala pa po akong jowa!” Sabi ko nalang sa isip ko.

~~~~~ TO BE CONTINUED ~~~~~

Marrying My Gay Bestfriend!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon