Akala <>

95 2 0
                                    

May mga taong dadating at papasok sa mga buhay natin. Papasayahin nila tayo, tutulungan, papakiligin at ipaparamdam nilang importante at espesyal tayong tao.

Kapag kailangan natin ng kausap at karamay sila yung nasa tabi natin, kapag malungkot tayo sila yung nagpapasaya sa atin.

Hanggang dumating sa puntong naattached na tayo sa kanila, na hinahanap-hanap natin sila kapag wala sila, na para silang kabute na bigla nalang susulpot sa ating isipan..

Habang tumatagal natin silang nakakasama at nakakausap mas napapalapit yung loob natin sa kanila. Yung tuwing wala tayo sa mood, makita lang natin sila okay na tayo. Yung kapag hindi nila tayo napansin mag-ooverthink agad tayo. Pag naman bumanat siya ng cheesy at pick-up lines hindi natin alam pero kusa tayong napapangiti at kinikilig.

Pero paano kung hindi lang sila sa atin ganon? Paano kung akala lang natin na sa atin lang sila ganon, diba masakit kasi akala natin importante at espesyal tayo sa kanila pero yun pala ganon nila itrato ang lahat.

Bakit tayo nasaktan? Kasi binigyan natin ng meaning ang mga ginagawa at sinasabi nila sa atin. Umasa tayong kaya nila ginagawa yon ay dahil baka gusto nila tayo, hindi mo man maamin sa sarili mo pero yun ang totoo na umasa ka sa mga AKALA MO.

Hanggang dumating yung araw na unti-unti na syang nawawala, lumalayo, umaalis at nang-iiwan.. Sa di mo malamang dahilan, wala man lang paalam, wala man lang paliwanag.

Pero hindi natin siya masisisi dahil unang-una palang hindi siya naging atin. Oo nga't pumasok siya sa buhay natin pero wala tayong karapatang sisihin sila dahil tayo yung umasa.

At ang masaklap pa ay yung saka lang natin naamin sa sarili natin na gusto natin sila kung kelan wala na sila.

Akala mo gusto ka niya, akala mo seryoso siya sa mga banat niya at pagpapakilig niya, akala mo mahalaga ka sa kanya, akala mo hindi siya aalis sa tabi mo, pero yun pala ang lahat ng ito ay hanggang akala lang talaga.

Kung dati siya yung laging kasama at kausap mo. Ngayon, dinadaan-daanan ka nalang niya. Masakit diba? Kasi hindi natin alam yung dahilan, mamaya kaya pala siya lumayo kasi gusto ka niya, pwede din namang sawa na siya sayo...

Madaming pwedeng dahilan, sobrang dami pero hindi natin malalaman ang tamang dahilan kung hindi natin itatanong.

Pero minsan hindi natin makayang itanong dahil takot tayo, takot tayong ma-reject,.. "REJECTION".

Kaya tumatahimik nalang tayo, kahit nasasaktan.

Sinisisi ang sarili, dahil naniwala at umasa sa mga AKALA.

Pinipilit mag move-on at makalimutan ang lahat, pero hindi magawa.

Pinipilit alisin ang nararamdaman para sa kanya, pero di mawala.

Pinipilit siyang kalimutan, pero hindi makaya...

"It was like driving when you know the brake's broken. You know you should stop, but cannot stop."

-

04-03-15

Hashtag Hugot101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon