Happiness <>

124 4 0
                                    


Masaya ka ba?

Oo?

Weh, Talaga?

Paanong masaya?
Gaanong kasaya?
Anong mga nagpapasaya sayo?

At

Totoo bang masaya ka o pinipilit mo lang maging masaya kahit mahirap?

Tunay bang masaya ka o akala mo lang masaya ka kahit hindi naman pala talaga?

...

HAPPINESS IS A CHOICE. Really a choice? Paano kung paulit-ulit mo ng pinipili maging masaya pero hindi mo talaga magawa, choice parin ba yon?

Madaming mga bagay na pwedeng dahilan ng hindi natin pagiging masaya o ang pagiging malungkot natin, love, insecurities, selfishness etc.

Love, for sure yan ang madalas na dahilan ng pagkalungkot at kasawian ng karamihan..

Sa love kasi hindi natin maiiwasan ang masaktan, "Nasasaktan ka kasi nagmamahal ka."

Kaya naman hindi ka masaya, kasi nga nasasaktan ka. Bakit meron bang taong masaya dahil sa nasasaktan siya?

Bakit nga ba tayo nasasaktan sa Love? Eh diba sabi nila once na nainlove ka dapat lagi kang masaya, kasi kung hindi ka masaya at paulit-ulit ka ng nasasaktan eh hindi na daw love ang tawag don.

Pero hurt and pain is normal especially when it comes to Love. Kasi hindi naman sa lahat ng bagay masaya ka, hindi pwedeng palagi kang masaya, kailangan mo rin malungkot at masaktan para matuto ka.

Break-ups. One-sided love. Unrequited. Leaving moments. Paasa moments. Pafall moments. Hurt-hurt moments. Martyr moments. Taguan ng feelings moments. Bulag-bulagan moments. Pretending moments. Bestfriend-zoned moments. LAHAT NA NG MOMENTS.

It hurts right? Kaya paano ka magiging masaya kung sa sitwasyon mo palang di mo na magawang tumawa. Siguro kaya mo pero sarcastically. Like,

"HAHAHAHA, ANG SAYA-SAYA KO TALAGA SOBRA PA SA SOBRA, BREAK NA KAMI YAY!" #Bitter

"Hindi niya ko kayang mahalin. Hahahaha ang saya naman yay!" #Plastic

"Mahal ko siya pero bestfriend lang ang tingin niya sakin. Ha..ha...ha..hahaha." #Bffzoned

"Hahaha, Niloko niya ko pero mahal ko parin siya hihihihi" #Martyr

Kahit hindi naman masaya sinasabing masaya, niloloko na nga ang ibang tao, niloloko pa ang sarili.

Hahaha outside, huhuhu inside.
Laughing outside, crying inside.
Smiling outside, dying inside.

..
Minsan naman it's all about insecurities.

Minsan hindi tayo maging masaya dahil...

Nalulungkot tayo dahil inggetera/naiingget tayo sa iba.

Nalulungkot tayo dahil naghahangad pa tayo ng iba.

Nalulungkot tayo dahil hindi tayo makontento.

Gets niyo ba? Well, kung hindi ganto lang yan..

Minsan kasi nabubulag tayo sa isang bagay, Kapag nakakita tayo ng isang mamahalin at magandang bagay sa iba, gusto mo meron karin diba? Pero minsan dahil hindi ka magkaroon ng ganon nalulungkot ka. Insecurities.

Kapag single ka, tas nakakita ka ng sweet couples nagiging hopeless romantic ka. Minsan naman bitter, "magbbreak din yan!!!" Bat ka nagkakaganyan? Well, try to ask yourself, bakit nga ba? Simple lang dahil naiingget ka sa kanila. Insecurities again.

Insecurities.... Bakit di nalang kaya tayo ma-kontento sa kung anong meron tayo sa ngayon. Dahil hindi naman pwedeng dahil gusto mo, makukuha mo. Minsan kailangan mong paghirapan, minsan kailangan mong mag-intay at minsan hindi talaga para sa iyo dahil may ibang mas magandang bagay na nilaan ang Diyos para sayo.

...

Selfish ka? Hindi ka talaga magiging masaya.

Kung gusto mo nasayo ang lahat. Kung gusto mo ikaw lang. Kung gusto mo ikaw lagi ang tama.

Hindi ka talaga magiging masaya.

Dahil nagkakasala kana nga, nakakasakit ka pa.

Hindi lahat ng bagay mapapaikot mo, mapapasunod mo at maaangkin mo. Dahil matuto dapat tayong makiramdam sa nararamdaman ng iba, dahil minsan sa pag-iisip at pag-aalala natin sa sarili natin nakakalimutan na nating pwedeng may masaktan sa bawat kilos natin.

Hindi pwedeng sarili lang natin, dapat may pakielam din tayo sa iba.

Dahil kapag may pakielam tayo sa mga bagay at tao sa paligid natin, matututo tayong maging masaya. Bakit?

Kasi kung may pakielam tayo sa iba, papahalagahan din natin sila, that's why seeing them smile will be our happiness.

"We should learn how to value and appreciate things so we'll experience the real happiness."

..

Pero minsan sa dinami-dami ng pwedeng dahilan.. Dumadating yung puntong gulong-gulo na tayo sa kakaisip kung bakit nga ba tayo hindi masaya.. Yung para bang masaya ka pero malungkot ka. Yung parang laging may kulang.. Pero the best solution is to be contented. Kahit mahirap, kailangan nating makuntento dahil ayun yung tama. Be happy and contented.

HOW TO BE HAPPY?
Simple lang dapat marunong kang makuntento, marunong kang tumanggap at magpahalaga. Dapat mo ring mahalin ang sarili mo ng higit pa sa lahat dahil sa oras na umalis ang lahat at nalungkot ka sino ang kasama mo syempre.. ang sarili mo and of course si God. Dapat mo ring tanggapin na hindi sa lahat ng oras masaya ka, dapat mong isaisip na malulungkot ka parin at maraming pwedeng problema ang dumating hindi dahil pahirapan ka kundi para matuto ka.

PERO ANO NGA BA ANG TAMA?

A.) Magpanggap kang masaya kahit malungkot ka para di ma-apektuhan ang iba.

Or

B.) Ang ipakita mo ang tunay na nararamdaman mo para hindi mo maloko ang iba at ang sarili mo?

For me, it's letter B. "Ang ipakita mo ang tunay na nararamdaman mo para hindi mo maloko ang iba at ang sarili mo." BAKIT? Kasi hindi ka dapat takot na ipakita ang tunay na nararamdaman mo. Dahil kung maapektuhan man ang taong nakapalibot sayo, eh ano naman? At kung iwan ka man nila sa ere. Isa lang ang ibig sabihin non.. Hindi ka dapat magtiwala sa kanya/kanila dahil sa oras na nagkakaproblema ka nawawala sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hashtag Hugot101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon