One-sided love <>

227 7 0
                                    

Pagmamahal? Sabi nila pag nagmahal ka daw magiging masaya ka, mararamdaman mo daw ang tunay na kahulugan ng buhay. Hindi daw kasi tayo mabubuhay ng walang pagmamahal. Pagmamahal sa magulang, kaibigan at sa Diyos. 

Pero isang araw mararamdaman natin ang pagbilis ng tibok ng puso natin sa isang tao. Sa taong hindi natin aakalaing mamahalin pala natin o sa taong hindi natin lubos na kilala, pag kasi puso na natin ang nagmahal hindi na natin yan makokontrol. Nasa sa'yo yan kung puso o utak... Pero madalas puso lagi ang nananalo na madalas ding dahilan ng pagkasawi ng karamihan. 

Mahirap mahalin ang taong mahal tayo pero di natin mahal pero mas mahirap umasa na mamahalin din tayo ng taong mahal natin. 

Yung feeling na tayo na nga yung nagmahal ng sobra, yung nagbigay ng sobra-sobrang atensyon pero bakit...bakit? Bakit tayo parin yung nasasaktan. Sagot? Kasi minahal natin yung taong hindi tayo mahal, yung kaibigan lang pala ang tingin sa atin, yung taong hindi kayang suklian ang pagmamahal mo sa kanya, yung taong walang pakialam sa nararamdaman mo at yung taong may iba ng minamahal. 

Minsan kahit alam na natin ang katotohanang wala tayong pag-asa sa kanila pinagpipilitan pa rin natin kaya tayo nasasaktan. Kasi hindi naman imposible diba? Hindi naman imposibleng baka mamaya, bukas, sa isang Linggo o taon mahal ka na din niya.

Kasi nanghihinayang din tayo diba? Nanghihinayang tayo sa sobra-sobrang pagmamahal natin na hindi naman nila kayang ibalik. 

Pero dadating din sa puntong napapagod na tayo, na ang bigat-bigat na ng ating nararamdaman, yung naiisip na nating sumuko pero kahit ilang beses na nating sabihing "AYOKO NA" mahal pa rin natin sila. 

-

11/29/2014

Hashtag Hugot101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon