KABANATA 2

2 1 0
                                    


Pag katapos namin kumain kanina ni ria pumunta kami sa next subject namin hanggang matapos at umuwi na ko,

Para akong zombie maglakad dito sa daan dahil iniisip ko parin yung sinabi ni lola saken at yung panaginip ko paano ko ba to masosolusyunan ang hirap, masyado na ko nasstress kakaisip dito.

Kaya naupo muna ako rito sa may park at nagpalipas ng ilang oras , nakatingin lang ako sa mga batang naglalaro dito sa park at yung iba pa ay kasama ang kanilang mga magulang ,napangiti na lang ako ng mapakla ,

Isa den yan sa problema ko kahit kailan hindi ko naranasan magkameron ng masayang pamilya simula bata ako dahil lagi na lang nag aaway ang mga magulang ko.

Anong oras na pala kailangan ko ng umuwi baka walang kasama dun si lola.

"lola andito na po ako " - saad ko at Dumaretsyo sa kusina dahil baka andun lang siya pero wala asan nayun?

"Lola -  tawag ko muli pero wala talaga siya rito nalibot ko na lahat ng sulok ng bahay saan kaya pumunta si lola

Kaya nag bihis muna ako at bumaba muli, baka andun yun kaila aling linda

"Tao po ate Linda andyan ho ba si lola? -

"ay ikaw pala iha oo andito ang lola nagchichikahan kami hehe sensya na pinagalala kita - saad niya tyaka pinapasok ako

"lola kumain na po ba kayo?

"oo apo kanina pa gusto mo naba umuwi ? -sabi ni lola kakarating ko nga lang eh

"ano kaba te merya mamaya mo na kayo umuwi at kakarating lang neto ng apo mo tyaka hintayin naren natin yung pamangkin ko pauwi na yun - mahabang saad ni ate linda kay lola sinong pamangkin eh lahat naman yata ng pamangkin niya andito na sino naman kaya yun?

"ate linda may pamangkin ka pa pala hindi mo nasabi sakin saan po siya galing? - sabi ko dahil curious talaga ako iba yung nararamdaman ko.

"ay siya yung anak ng pangatlo kong kapatid nasa canada sila at ngayun uuwi sila, sorry hindi ko ata nabanggit sayo yun iha, - oo nga hindi niya nakwento yun, grabe talaga to si aling linda pero kapag kay lola lahat sinasabi napaismid nalang ako dahil sa naiisip ko, 

"oh andito na pala sila - kaya napatingin ako sa may gate nila ate linda pero hindi ko pa gaano makita dahil andito ako sa loob hindi na ko sumunod dahil papasok ren naman sila rito,

"eto iha yung sinasabi ko sayo siya nga pala si kyael , - napalaki yung mata ko nung nakita ko siya shet siya yun hindi ako pwede mag kamali siya yun, parang may kung anong naramdaman ako parang gusto ko umiyak na ewan pero pinipigilan ko lang hanggang may sinabi siya

"you can call me yel - saad niya habang ngumiti ng bahagya saken para akong nabato sa kinauupuan ko ngayun kahit nakaupo lang ako

"a-ahm a-h hi - pucha Ba't bako nauutal hindi ko alam kung bakit yun lang nasabi ko ,

" iho eto nga pala si-

"clara - saad ni yel paano niya nalaman ang pangalan ko?

"oh iho Ba't mo alam mag kakilala ba kayo? -

"maybe in past -bulong niya pero sapat lang na tiyak kong ako lang ang nakarinig nun anong ibig niyang sabihin ang gulo niya!

"ay nako halika na nga nag handa ako ng pagkain dito lika kumain na muna kayo -  tumingin ako kay ate linda at ngumiti

"nako po hindi napo uuwi naren po kami ni lola ate linda salamat nalang po - at tumayo ako ngumiti kay ate linda pag lingon ko banda ron sa may gilid nakita kong nakatingin paren siya saken masyado nakong naiilang sa ginagawa niya .

Doom At Your Service Where stories live. Discover now