Words Of Heart 5

3 0 0
                                    

Note: Before reading this poem, I would like to remind about the caution. I already post this poem at my facebook account but since I deleted that account I decided to post it here. Since every poem I make is meaningful to me.

-------------------------------------------------

Ala-Ala Bago Ang Sakuna

Sa mga ala alang pinagsamahan
Mga ala ala ng nakaraan.
Ala alang hindi ko kakalimutan
Ala ala na nakatatak na sa puso't isipan.

Sa bawat saya.
Sa mga tawa
Sa bawat luha na lumalabas sa aking mga mata
Kasama ko kayo sa pagbuo ng ala ala

Pagkakaibigan na nabuo ng hindi namamalayan.
Pagkakaibigan na naging dahilan ng aking pagtawa.
Pagkakaibigan na naging dahilan ng pagtulo ng luha mula sa mata.
Pagkakaibigan na hindi ko malilimutan hanggang pagtanda.

Mga kaibigan na kasama sa kalokohan.
kaibigan na kasama sa galaan.
Mga kaibigan na kasama sa tawa at luha.
Kaibigang kasama ko bumuo ng pangarap na madadala sa pagtanda.

Sa bawat araw na lumipas.
Mga ala ala'y naglalaro sa isipan.
Mga ngiti at tawa nyong gusto kong masilayan.
Mga kalokohan na bumubuo sa bawat umaga.

Kaunting tiis na lang kaibigan.
Mawawala na ang sakunang ating nararanasan.
Makagagawa ulit tayo ng ala alang ating pagsasaluhan.
Kaunting tiis na lang mga tawang ating pinagasamahan ay atin na ulit mararanasan.

Words Of The HeartWhere stories live. Discover now