First Dose

51 11 22
                                    


May boyfriend ako dito sa rp. 3 years na ang relationship namin. Ako naman ay 4th year college na, yes Oo! Nag r-rp pa rin ako kahit graduating na ako sa college this year.

Hindi madali maging college student, pahirapan at kailangan mong isugal ang iyong kalusogan para lang mapagtagumpayan ang iyong nasimulan.

Kaya nakipaghiwalay ako sa kanya, Kasi parang hindi ko na kayang i-handle yung relationship naming dalawa, ayaw kong nahihirapan siya dahil sa akin, ayaw ko rin na pinaghihintay ko siya kung kailan ako mag o-online sa rp account ko. Wala na akong oras para makausap siya at kamustahin. Maybe he deserve someone na andyan palagi para alagaan at pahalagahan siya not in rp but in real world. Walang forever sa RP tandaan n'yo yan!

Ngayong araw ang first dose ko, kabado ako mga bente. At nang ako na ang tuturokan umupo agad ako sa upuan kung saan nandoon naghihintay ang magturok sakin upang mapigilan ang panginginig ng mga tuhod ko.

Hindi ko nakita ang mukha ng magtuturok sa'kin, nakayuko kasi ang ulo ko upang hindi mapatingin sa injection na ituturok sakin. Basta ang alam ko isang Doctor ang nasa gilid ko ngayon!

Kumalma lang ako nang maiturok na sa akin ang injection. Depungal 'di naman pala masakit!

Nang malagyan na ng bulak ang braso ko. Nabigla ako sa sumunod na nangyari! May biglang bumulong sa tenga ko't nanindig ang aking mga balahibo “Babe... Please come back” bulong nito sa akin.

Nag angat ako ng tingin at napagtanto na sobrang pogi pala ang Doctor na 'to. Kaya pala tumitili ang mga babae matapos turokan. Celebrity ba 'to o isang Doctor?

Amoy ko naman ang gamit niyang pabango, isang amoy na hindi masakit sa ilong at hahanap hanapin mo. Ha? Napatulala pa ako sa mukha niya. Pormadong kilay, manipis at mapulang labi, matangos na ilong, magagandang mata na kapag titignan ka niya siguradong maaakit ka! Bahagya pa siyang yumuko kaya't tumatama ang buhok niya sa kaniyang kilay.

Bahagya niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko habang titig na titig sa aking mga mata “Bumalik ka na sa akin please” malambing niyang sabi sa akin napakurap pa ako ng ilang beses dahil baka epekto lang ito ng Pfizer na itinurok sa 'kin ngunit nagkamali ako! Ang lahat na nangyayari ngayon ay totoo. Gusto ko man na labanan ang mga titig niya ngunit hindi ko kaya. Parang may kapangyarihan ang kaniyang mga mata na kapag tumitig ka pabalik siguradong mahuhulog ka't di na makabangon muli. Naks!

Pero ang pinagtataka ko ngayon, bakit niya nasabi ang mga salitang iyon sa akin? Ang bumalik ako sa kanya? Pero wala akong naging ex sa Real world! Pero may isa sa RP.

Teka! sa Rp...

*
*









Magmula noong nangyari ang first dose ko, hindi na muling nagparamdam ang Doctor na laging gumugulo sa isipan ko araw-araw! Hanggang ngayon nagugulohan pa din ako. Sino ba siya? Sino ba siya sa buhay ko?

Iniisa-isa kong tinignan ang mga mukha ng mga tao na katulad ko ay nagpaturok din ng second dose nila ngunit hindi ko talaga siya mahanap!

Kanina habang papunta pa lang ako dito. Naghahalong kaba, excitement at saya ang nararamdaman ko ngunit ito pala ang madadatnan ko hindi man lang siya sumulpot! Siguro pinagtripan lang ako ng Doctor na iyon! Depota siya!

Matapos akong turokan, hindi muna ako pina-uwi. Pinagpahinga muna ako't pinaupo. Kaya habang nagpapahinga ako hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap sa Poging Doctor na iyon. Iginala-gala ko ang aking tingin, baka nasa gilid gilid lang 'yon.

Nasa ganoon akong sitwasyon nang biglang may humarang sa harap ko. Nakaupo ako kaya hindi ko nakilala kung sino ang walangyang papansin na 'to! Ngunit pamilyar sa akin ang amoy niya na para bang matagal ko na itong hinahanap hanap. Hindi ko iyon pinansin dahil abala ako sa paghahanap sa poging doctor!

First dose | One shotWhere stories live. Discover now