27

89 17 2
                                    

Messenger

ROBYNHOOD 2021
June 9, 2021 | 9:50 PM

--

Estes:

Me. My favorite color is black because... this is the only thing that understands me. When I'm in the dark, walang taong nananakit sa akin, walang taong minumura at sinasaktan ako gamit ang salita nila. 

When I'm in the darkness of nothingness, feeling ko ang kalma ng lahat, pakiramdam ko ay yumayakap sa akin ang dilim at siya ang nagiging sandalan ko kapag pakiramdam ko, wala na akong makakapitan.

Nasanay ako sa dilim. Nasanay ako na umiyak sa dilim. Kaya siguro, nasanay na rin akong mag isa kasi kapag nasa dilim ako o nasa isang sulok lang, ang kalma-kalma ko, hindi ko na naiisip na mag isa lang pala ako.

Iyong kadiliman na ayaw ng iba... iyon iyong isang bagay na sumalo sa akin at yumayakap sa akin sa tuwing nadadapa ako.

Araxxie:

So, darkness is your comfort zone?

Estes:

Absolutely.

Araxxie:

Ayaw mo sa maliwanag?

Estes:

Ayoko. I hate it.

Araxxie:

Bakit? Ano bang naiisip mo kapag nasa liwanag ka?

Estes:

Pakiramdam ko, ang daming taong nakatingin sa bawat galaw ko. Pakiramdam ko, unting pagkakamali ko lang ay huhusgahan na nila ang buong pagkatao ko. Pakiramdam ko, sa simpleng pagkakaiba-iba namin, lalaitin na nila ako ng pino.

Ayoko sa liwanag kasi pakiramdam ko, kitang-kita nila ang pagkakamali ko at akala mo, sila ang na-agrabyado kung makatapon sa akin ng mga salita. Pero kapag gumagawa ako ng tama, para silang mga bulag ngunit dilat ang mga mata. 

Virtual Threads (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon