98

37 8 0
                                    

Binaba ko ang cell phone ko nang matanaw ko ang malungkot na mukha ni Mama. Napatayo agad ako. Kanina ko pa napapansin ang pagkabalisa niya ngunit ayaw ko naman siyang tanungin pero ngayon na siya na ang lumapit, baka naman puwede na.

“Ma, what happened?” I asked while guiding her to sit down.

Tumingin siya sa akin gamit ang kanyang mga malulungkot na mga mata. Hindi ko alam kung ano ang dinaramdam niya ngunit ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-lungkot.

“P-Pasensya na, anak.” lumunok siya at pinakatitigan ako ulit. “Magagalit ka kaya kapag sinabi ko sa ’yong ipina-ampon ko ang Ate mo, anak?”

Hindi ako makapagsalita sa kanyang sinambit.

“M-Mama, wala akong maintindihan...”

Umiyak na siya nang tuluyan, “May ate ka, anak. Pero ipina-ampon ko kasi hindi ko kaya ang buhayin siya, halos teenager lang ako no'n kaya hindi pa ako makapag-isip nang maayos. I did something, because I think, that will going to be the best. Anak, m-may ate ka, may ate ka...”

--

Messenger

You
August 18, 2021 | 8:00 PM

--

Linn:

It's so sucks when your friends kept a secret to you but it hits different when it's your mother who did.

Virtual Threads (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon