39

60 12 1
                                    

Messenger

ROBYNHOOD 2021
June 10 2021 | 10: 30 AM


--

Estes:

Binabawi ko na ang sinabi ko, hindi mo lang ako basta ginulat, Ara, niyanig mo pa ang katawang lupa ko.

Rigid:

Nabuga ko iyong kape sa gulat, kingina. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman o ang magiging reaksyon ko.

Kerry:

That's why I trust my instincts. : (

Froilan:

Miscarriage? O baka kaya ka na-ganyan ay dahil sa kapabayaan o kaartehan mo?

Cazy:

What? Froilan, your words are too insensitive.

Froilan:

Baka nga kasi ganoon.

Nakunan siya dahil nagpabaya siya o kaya dahil hindi niya inisip ang bata sa tiyan niya at puro na lang sarili niya ang iniisip niya. Malay natin sa babaeng iyan.

Cater:

: (

Yin:

Too insensitive, Froi.

Araxxie:

Ah, hindi. Mali ka, Froi.

Nakunan ako kasi hindi malakas ang kapit ng bata sa aking sinapupunan at mahina rin ang puso ko. Sa totoo lang, kayang-kaya kong ang bata lang ang isipin ko kaso naiisip ko kung mawawala ako ay paano na siya? Ako ang ina niya at karapat-dapat lang na may kilalanin siyang ina kapag lumaki na siya.

Kaya minabuti kong alagaan ang aking sarili at ang anak ko na hindi nanghihingi ng tulong sa kaniyang ama. Kaso, kulang pa rin, e. Binawi pa rin siya sa akin.

Siguro, pahiram lang siya sa akin.  

Virtual Threads (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon