Chapter 2: "jet ski together"

819 56 25
                                    

Ferdinand's pov

Pagkagising ko ay akmang tatayo na sana ako dahil gabi na at kailangan ko ng umuwi ngunit masakit parin ang aking ulo ,ng biglang bumukas ang pinto at may pumasok na babae.

"gising ka na pala"-sambit nito.tumango lang naman ako.nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang noo ko. Bumilis ang tibok ng aking puso na para bang sasabog hindi ko din alam kong bakit.

"buti naman at hindi ka na masyadong mainit"-sabi nito sa akin. Napa sarap pakinggan ang kanyang mga boses.

"hoy! Ayos ka lang?"-tanong nito saakin. Hindi ko alam na ako'y nakatulala.

"a-ayos la-lang ako"- uutal-utal kung sabi.

"Ito kumain ka na"-sabi nito "upang lumakas at mapabilis ang paggaling mo"- dagdag pa nya. ngunit parang ayaw kong kumain.

"hindi pa ako na gugu-"-naputol ang aking sasabihin nang akma nya akong susubuan.

"ah! "-sabi nito.

"Hindi pa-"-naputol nanaman ang aking sasabihin ng mas inilapit nya pa ito sa aking bibig kaya't wala na akong nagawa at kinain nalang iyon.

"sabi ng kapatid mo ay di ka daw pumupunta ng hospital kapag may sakit ka"-sabi nito sa akin na Ikinagulat ko.

"ah ayaw ko doon palalalain lamang ang aking kalagayan"-sabi ko habang tumatawa at natawa din naman ito.

"nga pala Imelda right? "-tanong ko at tumango ito.

"Salamat pala kanina kung wala ka ay baka nahulog na ako"-sabi ko.

"wala iyon at isa pa kapag may masakit sa iyo dapat humiga kalang at wag kang lalabas"-sabi nito na may pag-aalala.may pumasok sa aking isipan,mabiro ko nga ito.

"Nag-aalala ka ba sa akin?"-tanong ko ng nakangisi.

"ha-ha? hindi ha"-sabi nito sabay iwas ng tingin.

"Talaga ba?"-biro ko ulit."hi-hindi nga "sabi naman nito

" Dyan ka na nga "-sabi nito na para bang naiinis at nahihiya.

Bago pa sya makalabas ng kwarto ay tumingin ito sa akin .

"u-ubusin mo yang iyong pagkain ha?!" tumango nalang ako.

Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko Love at first sight yata to.

KINABUKASAN....

Imelda's pov

Pagkagising ng pagkagising ko bigla kung naalala yung sinabi ni noy na ikakasal na sya sa iba.hindi ko namalayan na lumuluha na pala ang mga mata ko. Pinahiran ko ito at tumingin sa salamin ng biglang pumasok sa aking isipan si ferdinand napangisi ako bigla.

"ay teka at bakit ko naman na isip yun?!" nag ayos na ako ng aking sarili upang bumaba na at mag agahan.

Paglabas ko ay sya ring paglabas ni ferdinand sa kanyang kwarto .mag katabi kasi kami ng kwarto.

"Good morning!"-sabi nya.nagsmile ako sa kanya.

"Good morning din"-sabi ko naman sa kanya. sabay na kaming bumaba para mag-agahan.

"Nika asan si mama at papa?"

"Ayon lumabas silang dalawa magdadate daw"-sabi nito.napangisi nalang ako at umupo.

"Ah si logan?"

"Si logan eh nasa kwarto nya at teka bakit ang tagal mo naman ata nagising"-tanong nito sa akin.

PARADISE (Past or Future) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon