2 days after
Ferdinand's pov
Dalawang araw na akong iniiwasan ni imelda ngunit isinasawalang bahala ko lamang ito sapagkat alam kong gumagawa ito ng paraan para hindi matuloy ang kasal.Pero minsan ay napapa-isip ako kung hindi ba totoo ang mga sinabi nya.Nawawalan na kasi ako ng pag-asa.nandito kami ngayon kumakain ng hapunan at nakakabulag ang aking nakikita,magkatabi silang dalawa.
Kringg!! Kring!!!
Biglang may tumawag
"Hello? Sino to?"
(ferdinand ako to si gina)
"Gina?" biglang tumingin si imelda sa kinaroroonan ko ,umiwas ako ng tingin
"excuse me" pagpapaalam ko sa kanila at lumabas ng saglit
........
"wag na sige na bye" pagpapaalam ko kay gina.
Bumalik ako sa hapagkainan upang ipagpatuloy ang aking naudlot na pagkain.
"ikaw ferdinand ha! Nagkabalikan na ba kayo ni Gina?" nakangising tanong ni noy
"Ay!! Parang Oo yata!!" singit ni ferlin habang nakatingin kay imelda na nakatuon lang sa pagkain ang atensyon.
"Diba baliw na baliw yun sayo?" singit naman ni logan
"Oo eh!!"tugon ko
"ano pa hinihintay mo ligawan mo ulit" singit din ni nika nagulat ako kaya't napatingin ako sa kanya.Sino ba naman kasing mag-aakalang sasabihin iyon ng cousin ni imelda na botong-boto sa akin.
"mal pa nga tawagan ninyo dati eh!" asar ni noy.
"ay!! Oo nga" sabi ni logan
Ilang minuto pa ay natapos na kaming kumain at kami ni nika ang nagligpit ng aming pinagkainan.
"ferdinand parang wala kana sigurong pag-asa kay imelda" saad nito sa akin nginitian ko lamang ito dahil alam ko naman simula palang noong sinabi ng MC ang pangalan ng fiance ni noy ay,wala na akong pag-asa.
"alam kong sa simula palang ay wala na akong pag-asa ngunit sinubukan ko parin.ang tanga ko diba?" nakatingin kong tanong sa kanya
"atleast sinubukan mo dba! Ginawa mo ang best mo diba!" sabi nito.Oo nga naman ginawa ko naman ang lahat ng aking makakaya
"wag kang mag-alala makakahanap karin ng iba" sabi nya kaya't tumango ako
Hindi ko alam kong makakahanap pa ba ako ng katulad nya.pumunta na ako sa kwarto ko .
ito parin hirap makatulog sa kakaisip sa kanya ngunit iba ang iniisip nya.
Naisipan kong lumabas muna at magpahangin ngunit nakita ko si imelda at noy na nakaupo sa ilalim ng mangga kaya't nagtago ako at sumilip
"akala ko nga eh!! Galit ka sa akin at ayaw mo magpakasal" sabi ni noy
"no,hindi ako galit it's just nasaktan lang ako sa desisyon mo!" sabi ni imelda na nakangiti
So ako,akala nya ba hindi ako nasasaktan sa desisyon nya!
"tandaan mo imelda mahal na mahal kita" sabi ni noy
"mahal din kita noy!" sabi ni imelda
Akala ko ba ay hahanap sya ng paraan?
Naghihintay lang pala ako sa wala!
Pagkasabi ni imelda non ay umalis na ako at nagtungo sa kwarto
Kinabukasan
Imelda's pov
BINABASA MO ANG
PARADISE (Past or Future)
Romansasino kaya ang totoong tinitibok ng puso ni Imelda? who will she choose? the past or the future?. This is NOT based on true events mga imahinasyon ko lamang po ang mga isusulat ko.Sana po ay suportahan ninyo ako sapagkat first time ko po gumawa ng st...