Chapter 1
Year 2010
"Hindi pa ba kayo late niyan sa klase?"tanong ni Manong Oscar.Abala parin sila Aloy sa pag pili kung ano ang magandang ipang regalo kay Lola Mina.Ang sabi ko ay mamaya na pag uwe kami dumaan sa tindahan dahil maaga ang Flag Ceremony pero napakatitigas ng ulo.Half day lang kami ngayon dahil araw ng Test huling araw na rin sa paaralan.Dahil mag babakasyon na.Bka daw magastos nila ang perang pinagtapong tapungan namin.Makakaltokan ko naman talaga silang dalawa kung wala kaming maipapang regalo kay Lola.60 years birthday pa naman niya ngayon uuwe ang mga kamag anak namin galing Manila.
Next week pa naman gaganapin ang kaarawan ni Lola dahil aantayin pa ang ibang kamag Anak namin.
Bandang huli ang napili nilang bilhin ay ang mga gamit sa pananahi.Hindi na ako nakigulo sa kanila dahil badoy daw ako pumili.
Binatukan ko sila pag labas namin ng tindahan sabay takbo.Hinabol naman nila ako.
"Mga bading ang babagal niyo tumakbo"binelatan ko pa silang dalawa at nag Loser sign HAHAHA.Si Sandro ay tumigil na dahil wala naman siyang magagawa ang bagal bagal tumakbo.Siguro dahil sa katabaan niya huminto na ako sa pagtakbo at hinantay sila.
"Ang pula pula naman ng pisngi ni Baby Damulag"pinisil ko pa ang pisngi ni Sandro.Mag kapatid sila ni Aloy mas matanda ng isang taon si Sandro ngunit mag kaklase kami.
"Ascella,Hindi talaga kita hahatian sa baon kong Sandwich"pananakot ni Damulag.
"Edi hindi" pareparehas lang naman ang baon namin ngayon dahil si Tita ang nag handa.
Tapos na ang Flag Ceremony nang pag dating namin sa School buti na lang ay kapapasok pa lang ng Guro namin.Kumuha ako ng papel para mag sagot.
*********
"Michelle saan kayo mag babakasyon?"tanong ko sa kaibigan ko habang nakain dito sa ilalim ng puno ng magga.
"Ang sabi ni Daddy isasama niya daw kami sa Palawan doon sa bagong Asawa niya"Mabuti pa siya makakapag bakasyon.Ako lagi na lang sa bahay nagsasawa na ako sa mukha ng mga pinsan ko.
"Ikaw,hindi ka ba mag babakasyon sa ibang lugar? Diba sabi mo pupunta kasa Daddy mo sa Baguio"hiwalay na si mama at papa may bago na ring pamilya ang papa ko si mama naman ay hindi na naghanap ng bago.Sapat na daw kami ni Astra sa kanya.
"Hindi uuwe raw kasi 'yung mga pinsan ko galing Manila dito na daw mag babakasyon"