THREE

723 32 0
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

Parang lumaking bigla ang ulo ko. I turned to look at him. Hindi ko mapigil ang bugso ng damdamin. I felt my eyes watered. "You don't get attracted to women."

Tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Pero hindi doon natapos ang sagot niya. "Not always, pero nabanggit ko sa iyo na may ganitong pagkakataon in the past. Both were when I was in high school. And because I couldn't understand myself then ay wala akong ginawa. 

Naging malapit ko pang kaibigan ang isa sa mga babaing iyon nang matagal ding panahon. But because I got attached to one of the male friend so much, who easily got jealous whenever I gave my attention to others especially to women, siya na lang ang hinanap-hanap ko. 

Now that I feel this again for Kari, I want to know where this would lead us. Besides, this is a little intense. I am thinking of her kahit hindi ko siya kasama, another first."

I didn't know what to say to that. Hindi ko maintindihan. Hindi ko gustong intindihin. "Bakit siya? Marami namang iba, better than Rachel or Kari and all the other women that we know. Bakit sa isang mayordoma ko?"

"Hindi ko alam na may ganyan kang pamantayan. I like Kari because of herself and not because of other people," pagtatanggol niya sa babae.

It pained me! "I know that she is intelligent. Pero gano'n pa rin. She only reached second year college at hindi pa natapos, wala man lang maipagmamalaki." 

Napsigok ako. I was not this judgemental I just felt the need to pull Dave from this dream to come back to me. 

"Siya na rin ang nagsabi na sa public school lang naman siya kayang pag-aralin ng papa niya at tamad siyang pumasok sa school at mag-aral ng lesson. Gusto mo ba ng ganyang babae?" I was in rage. Gusto ko nang magwala!

And to top it all, he smiled. Gusto niya pa rin ng gano'ng babae? Hindi pa nagkasya, pinagbantaan pa ako! "I hope you are not taking this against her dahil kapag nalaman ko na hindi mo siya trinato ng maayos simula ngayon ay kukunin ko na siya dito sa ayaw at sa gusto ninyong dalawa."

I fused. "May kontrata siya sa akin!"

"I can buy that contract, you know that. Tapatan mo ng bond."

"I won't do that!"

"Good. Now let's finish what we are doing, I need to go baka naiinip na si Kari."

Anything, anything that could postpone this betrayal! "Hindi pa siya nagpapalam sa akin," mahinang sabi ko. Na para bang wala akong pang-intindi.

Siya pa ang may ganang bumuntong hininga! "Eight to five ang trabaho sa iyo ni Kari, malinis, with one to three hours lunch-break na puwede niyang i-off set at a later time. Sa maraming pagkakataon ay nakikita kong nag-o-overtime siya kahit pa may patay na oras sa tanghali at umaga. Hindi ka niya siningil ng extra sa mga iyon if I remember it right. You told me that. Hindi masamang lumihis paminsan-minsan."

MAID FOR YOU (COMPLETED) MAID SERIES 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon