TEN

569 31 6
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

LUC

After knocking three times, I stared at Kari when she entered the study room.

I was having overtime paperwork and was chatting with Ianne—Arianne's nickname on Messenger.

"Problem?" I asked her.

Tiningnan niya ang couch at saka alanganing tumingin sa akin.

"Go ahead and sit," I told her calmly. But I wasn't smiling although hindi naman ako galit.

She sat and looked at me. Parang nanginginig ang boses niya nang magsalita. "Hindi ko naman lolokohin si Dave. Mahal ko siya."

Tumaas ang kilay ko. Kailangan ko ba talagang marinig iyon?

"His heart is safe with me."

What do I have to say? "Okay?"

"Okay?" sabi niya rin na parang mas nagtatanong kaysa sa akin. "H-hindi ka na ba galit sa akin?"

Ah, so iyon pala 'yon. Paano ko ba sasagutin iyon? "Hindi naman ako nagalit sa iyo. Nabigla lang ako sa mga nangyari.

Hindi ko inaasahan na bigla akong tatalikuran ni Dave para sa isang babae. Alam mo ba iyong feeling na iniwan ka ng isang babae para sa isang lalaki?"

Alanganing tumango siya, although I knew na hindi naman niya alam ang feeling na sinasabi ko. She was straight.

"Well, gano'n din ang pakiramdam ko. Para sa amin, kayong mga babae ang abnormal for wanting our men.

At itong mga boyfriends namin ay abnormal for wanting women at para kaming sinampal niyon. I hope you understand."

Sunud-sunod ang tango niya.

"Pero okay na iyon. It's time to move on. Bahala kayo ni Dave sa relasyon ninyo and I'll have my own life."

Did I hear her gasped as if she jumped off her own feet? "H-hindi mo ako aalisin sa trabaho?"

My brows rose. I couldn't help it. "Iyan ba ang iniisip mo sa akin?"

"I, errr, h-hindi naman. Pero puwede mo kasing gawin dahil sa ginawa ni Dave." Tumikhim siya. "Namin," parang nakukonsensiya niyang sabi.

I absentmindedly bit my thumb finger while I crossed my arms on my chest. "Ano bang ginawa ninyo? Wala naman kaming relasyon talaga ni Dave kung hindi magkaibigan. Ako lang ang umasa.

He had been faithful to me until he found you. That should be good enough. And technically labas ka do'n.

Kami ang bahala ni Dave do'n, hindi ka kasama. I was wrong in threatening you the last time we talked."

Tinitigan niya ako ng parang hindi siya makapaniwala kasabay ng sunud-sunod na tunog ng YM sa MacBook ko. Napatingin ako sa mga messages ni Ianne.

I have to bath, ang baho ko na, mamaya hindi mo na ako i-kiss kapag nagkita tayo mamayang gabi.

MAID FOR YOU (COMPLETED) MAID SERIES 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon