037

60 15 42
                                    

Zoe's POV

"Taenang seen yan!" gigil kong binitawan ang phone ko. Ang pasuspense lang kasi nitong si Jem eh, ayaw pang sabihin kung sino!

"Are you fine? Sino nangpipikon sayo?" he chuckled but I remained silent while in the fume of rage.

"Eh si Jem kasi, sabi niya may masasaktan daw kapag nagcon-" napatahimik ako nang marealize ko kung saan papunta ang sasabihin ko.

Natahimik kaming dalawa and I can feel the awkwardness of the atmosphere. Tong bibig ko na to kasi, napakapahamak!

I decided to divert the conversation nang makitang parang pamilyar na tong dinadaanan namin. "I think malapit na tayo," sabi ko. He nodded as a response.

After that, the silence continued. I can't help but bite my nails as I could feel the anxiety consuming my body. I glanced at him. He looks good today, he's wearing a flannel with a shirt inside and khaki shorts.

"Do you have someone you liked?"

"HUH?!?!" agad akong napatakip sa bibig ko. Di ko mapigilang mapasigaw dahil sa gulat. Out of the blue, bigla-bigla nalang siyang nagtatanong ng ganito.

"I'm sorry for surprising you," he said. I just remained silent and just crouched, thinking about how to answer his question.

Minutes had passed pero nanatili kaming tahimik. I could only hear the car's engine, beeps, and the sound of the car screeching.

"Were here," he announced. Nanatili akong nakaupo.

"Zoe?" napakuyom nalang ako at tsaka huminga ng malalim, "Yes, I liked someone..." mahina kong sabi pero alam kong narinig niya iyon, I can't see him in the eyes, ayokong makita niya ang namumula kong mukha.

Silence. Once again, silence dominates the atmosphere.

I looked straightforward and smiled. "Let's go, inaantay na nila tayo." Agad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at akmang lalabas na pero napatigil ako nang maramdaman ang hawak niya sa pulsohan ko.

"Can I—Can I ask who?" he even stuttered.

Napatahimik ako, nagdadalawang isip kung sasabihin ba o hindi. Sasabihin ko bang may gusto ako sakanya? Bumitaw ako sa pagkakahawak niya. "S-Secret." Napahawak ako sa pulsohan ko na siyang hinawakan niya kanina, I can smell his scent. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko.

"D-Dalian mo jan, baka mainis na sila satin." I stuttered and hurried walking away. Napapikit nalang ako at napahawak sa puso ko.

Heart, kapit ka lang jan

***

Sienna's POV

"Saan na ba kasi sila?!" naiinis kong tanong.

"Kalma babe," sabi ni Ash habang hinahagod ang likod ko para mapakalma ako. "Baka nagbaby time pa sila."

I scowled. "Baby time?! Ash anong oras na oh! Mahiya naman sila sa naghihintay sa kanila!" napalingon ako kay Jem at Dani na panay scroll sa cellphone.

"Hoy kayong dalawa!" pagsita ni Ash sakanila. "Mas mabuti pa kung umuna na kayo, kami nalang ang mag aantay dito."

"Pero wala pa sila Oli—"

"—Sige." Jem cutted off Dani and dragged her inside. Kita ko ang pilit na pagbitiw ni Dani pero di ata siya pinapayagan ni Jem.

"Will they be okay?" I looked at Ash and he just shrugged his shoulders. I heaved a sigh.

Sana maging okay lang ang dalawang yun.

"Mukhang tong dalawang to ang hindi magiging okay." sabi ni Ash, napatingin din ako at nakita ang dalawang nagbabangayan na si Oliver at Mika.

Pain Behind Words (SOCMED Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon