Jann's POV
Nandito ako ngayon sa kama ko at nakahiga. Iniisip yung sinabi nila na may gusto rin sakin si gelo.
Hindi ko nga maintindihan sarili ko ee. Diba dapat makaramdam ako ng saya? Pero bakit parang may kaba, lito at lungkot ang nararamdaman ko?
*beep* (tunog yan ng phone ni jann)
Kinuha ko nalang ang phone ko at chineck kung sino ang nagtext.
4 text message recieve. For sure, yung apat kina lian. Pero yung isa, baka kay gelo. Katext ko kasi sya gabi-gabi.
-------
From Lian:
girl, okay ka lang? Nag-aya ka agad umuwi nung sinabi namin sayo yun.
-------Hayy. Kilala talaga ako ni Lian. Alam nya nararamdaman ko. Siya kasi pinakaclose ko sa kanilang tatlo.
-----
From Jade:
Yieee. Kinikilig na yan. Haha. Oh, may lovelife ka na rin. Ako nalang wala :3
-----Hahaha. Natawa naman daw ako sa kanya. XD
-----
From Anika:
this is it girl! Yung crush mo may crush rin sayo. Wag mo na syang masyadong isipin baka hindi ka nyan makakain at makatulog. Hahahaha.
------Baliw talaga to. Tss. XD and lastly,
------
From Kuya ko Gelo:
hi ate ko :) kamusta?
----Ewan ko ba. Wala ako sa mood ngayon. Nilapag ko nalang ulit yung phone ko sa side table.
Ganito kasi yung nangyari kanina sa 7-11.
-flashback-
"may gusto rin sayo si gelo" lakas loob na sinabi ni lian.
"tse! Wag nyo nga akong niloloko. Haha" i fake a laugh pero sa totoo lang, may part sakin na umaasa, nalilito at kinakabahan. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"totoo yun. Hindi mo ba napapansin yung pang-aasar namin sayo kanina." sabi ni anika na nakatingin sakin ng diretso na para bang pinipilit nya akong paniwalaan sya.
"kaya ka nga kami congrats ng congrats ee" dagdag pa ni dada.
Tinignan ko silang lahat. Lahat sila nag-nod at nakangiti ng malapad. They look so happy for me. But tge question is, am i happy?
"yieee. Deep inside kinikilig nayan!" pang aasar ni jericho at austin.
Kumuha rin si austin ng ilang sticks sa kinakain nya at nagform ng mga letters.
G E L O
"tara uwi na tayo" sabi ko nalang. Hindi ko kasi alam irereact ko. Para bang nawalan ako ng mood makipag-usap at ang gusto ko nalang ay humiga sa kama.
"bakit naman? Mamaya pa. Kilig ka lang ee" panunukso pa rin ni dada.
"tss" yun nalang nasabi ko.
-end of flashback-
Diba dapat masaya ako ngayon? Kasi gusto ako ng taong gusto ko. Pero bakit ganito?
Tsaka para kasing hindi ako naniniwala sa sinasabi nila. Parang... Ewan ko.. Hindi ko maintindihan nararamdaman ko.
*beep*
From kuya ko Gelo:
bakit ate ko? Hindi ka nagreply :( busy ka?
-----To kuya ko Gelo:
sorry may iniisip lang kasi.
-----