Jann's POV
Alam nyo ba kung ano ang pinakamasaya sa lahat? Ito yun ee. Yung nararamdaman ko ngayon. I feel so lucky to have him.
This feeling na mahal ka ng taong mahal mo.
Yung lahat ng kaba na nararamdaman ko nung malaman kong may gusto daw sya sakin. Lahat ng negative na naramdaman ko nun, biglang nawala.
Nawala sa pamamagitan nung tatlong mahiwagang salita na nanggaling sa taong gustong-gusto mong manggaling.
Its like i taste the heaven. Hahaha. Okay, stop the OA. Hahaha
Pero swear, hindi ko maexplain yung saya na nararamdaman ko ngayon :'>
I love you ate ko
Waaaaahh!! Hindi ko mapigilang kiligin kapag naririnig ko yang nga salitang yan. Hindi kasi maalis sa isip ko.
Para bang nahipnotize ako sa mga salitang yan. How much more kung lagi kong naririnig yan mula sa kanya? Hihi
"oyy, ngingiti ka dyang mag isa? Anong nangyari?" tanong ni lian na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala.
Nga pala, nandito kami ngayon sa canteen. Kaming magbabarkada. AT! Katabi ko sya sa left ko :> si lian naman ang right ko. Nandito lang kami nagmemeryenda the after, uuwi na din.
"hmm, confirmed!" bulong ko sa kanyan. Hihi. Mamaya nalang siguro ko sasabihin sa iba. Pagkatapos nalang naming kumain.
"WHAT?! PAANO? WAAAAAHHH!!" oh my gosh. Masisira ear drums ko sa kanya. Biruin mong sumigaw ba naman? Yan tuloy, all eyes on us -.-
"anong nangyari sayo?" sabay sabay na tanong nila kay lian na kasalukuyang nahhiya sa inasta nya. Hahahaha
"waahh. So paano nga nangyari? Kanino mo naconfirm?" mahinahon nang sabj ni lian.
"oyy ano yan? Share naman. Nandito pa kamj ohh" hahaha. Lahat sila naghihintay ng sagot at kwento ko.
"oo na."
"Anong oo na?!!" halos pasigaw na tanong nila. Mainipan naman nitong mga to -.-
"kami na" the hell?! Anong sinasabi nitong si gelo :3
"yieeeee"
"oy anong pinagsasabi mo? Hindi aa" pagdedepensa ko sa sarili ko.
"edi MU." sabi nya ng nakapout. How cuuutee. Haha
"hindi kasi sya maniwala satin kahapon na may gusto si gelo sa kanya." pagsasalita ni lian para saakin. Naks! May spokesperson na ako. Haha
"yun yung confirm?" tanong naman ni dada. Kung kanina ay parang maiinis na sa inip, ngayon naman nakakaloko na ang ngiti.
"ayos yan! Dahil jan, manlilibre si gelo!!" sabi naman ni jericho. Hay naku, patay gutom talaga tong isang to.
"oo nga. Nagugutom na ako ee" isa rin tong si austin -.-
"lagi naman kayong gutom ee" poker face kong sabi. Na agad namang ikinareact nila.
"ikaw. Porke may lablayp kana ngayon aa." pout na sabi nila. Hahaha. Kung hindi ko lang sila kilala, mapagkakamalan ko silang mga bading kapag nagpout. Haha
"teka, so pano mo nakumpirma?" tanong naman ni jade out of nowhere.
Dahil nga nagtanong na si jade tungkol dun, kinwento ko sa kanila yung nangyari.
Simula nung kahapo, yung sa pinalabas ako at kung pano sinabi sakin ni gelo yung three words na yun.
After kong magkwento, yung mga girls, kinikig. Habang yung mga boys naman, nakipagkamay kay gelo habang kinocongratulate nila.
Ang saya pala ng ganito ano? Hahaha. Kung dati, kinikilig lang ako sa mga lovelife ng iba. Ngayon, may sarili na akong lovelife na kakikiligan. Sana lang maging successful. HahaPinagnamasdan ko lang sila ngayong kulitin si gelo na manlibre. Hahaha. Hindi talaga mawawala sa magbabarkada ang ganitong eksena. XD
Tuwing magkakalovelife, monthsarry, at birthdays, hindi mawawala samin ang libre. Haha
************
-2 months later-
Haayyy. Ang bilis nga naman ng panahon. April na at bakasyon ba bamin. 2 months na rin kaming MU. Sa barkada naman, ganun pa rin. Walang pinagbago. Si jade pa rin ang walang lovelife. Wala atang balak yung isang yun ee. Hahaha
Sa loob ng dalawang buwan, ang daming nagbago sa buhay ko. Para bang nagkakulay at gumanda lalo. Lahat ng yun nang dahil kay kuya ko. Si gelo.
Babaguhin sana namin yung tawagan namin kaso wala kaming mapili ee. Masyado ng common. Kuya/ate nalang para unique. Hahaha
Sa loob ng 2 months na yun, mas nakilala pa namin ang isat isa. At sa 2 months na yun, ay walang araw na hindi kami sweet. Kulang na nga lang daw, langgamin kami sa kasweetan namin or baka anay na daw sabi nila dada. Hahaha
Wala kasing araw na hindi kami magkasama tapos wala ring araw na hindi sya bumanat. :'> wala talagang araw na hindi ako kinikilig sa kanya.
Speaking of banat, hayan nanaman syang bumabanat.
"ate ko, hindi na kita mahal"
"anoo?!! B-bakit?" sh*t! Bakit sya ganyan? Biglaan. Napatulala nalang ako sa sinabi nya. Nararamdaman ko na rin na may namumuo ng luha sa mga mata ko.
"shh. Stop crying" gamit ang hinlalaki nya, pinunasan nya ang mga mata kong basa."hindi na kita mahal kasi mahal na mahal na kita"
"nakakainis ka naman ee!" sabi ko sabay hampas sa braso nya. Muntik na akong maniwala dun"akala ko namn totoo na *pout*"
Kasama ko nga pala sya ngayon dito sa bahay. Kilala na rin sya ng mga parents ko. Last months lang sya nagpakilala.
"magagawa ko ba naman yun sa babaeng pinakamamahal ko?" he said it with a smile on his face. Cute
"ikaw kasi ee."
Ganito kami araw araw. Walang sawang banatan at kulitan. How i wish tumagal pa nga kami. How i wish this could be forever
"i love you ate ko"
"i love you too kuya ko"
Kung dati, hindi ako sanay sa mga ganyan. Yung nauutal pa ako bago ko masabi, ngayon, kahit paulit-ulit. Hinding hindi ako magsasawa na sabihin yan sa taong mahal ko.
Sana hindi na matapos to. Sana hanggang dulo na ito. Sana kami na hanggang sa huli.
Sa mga ups and downs na naranasan na namin nitong mga nakaraang buwan, nakayanan namin. Sana sa mga susunod pa.