Jann's POV
Boriiiiiinggg!!
Nakakainis na ah!! Ilang days at weeks nang hindi nagpaparamdam si gelo :(
Hindi na sya pumupunta dito sa bahay. Hindi na sya nagtetext o kahit chat. Wala.
Kasama ko ngayon sina lian, jade at anika. At hindi ko mapigilang umiyak "huhu. Girls, bakit ganun? Hindi na sya nagpaparamdam sakin :("
"baka naman busy lang" sabi ni anika
"o kaya naman nagbabakasyon" sabi naman ni jade
"e bakit ni text hindi sya magparamdam? Girls, natatakot ako *sob*" natatakot ako na baka nagsawa na sya. Na baka may iba na syang mahal.
"sshh.. Wag ka ng umiyak. Magpaparamdam din sya" pagpapatahan nilang tatlo sakin.
Sana nga. Sana.
*************
Ang bilis nga naman ng panahon oh, pasukan na ulit. Guess what? Yung taong hinihintay ko na magparamdam? Wala!
Sa buong bakasyon, nandun lang ako sa bahay. Sa umaga, mapagpanggap na masaya. Pero pagdating ng gabi, walang oras na hindi ako umiiyak.
Gabi-gabi, binabasa ko ang convo namin sa text at chat. Inaalala lahat ng masasayang moments na nangyari sa bawat sulok ng kwarto ko. Ibinabalik ang lahat ng yun. Kahit yun manlang. Nakita at nakausap ko sya. Kahit sa imahinasyon lang :(
Ang sakit. Sobrang sakit. Yung hinihiling ko na taong makakasama ko hanggang sa huli. Yung taong ibinigay ko lahat ng pagmamahal. Yung taong nagpasaya at nagmahal sakin. Sa isang iglap, nawala.
Para syang bula na naglaho. Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta nalang isang araw, paggising ko, nawala na pala.
Ang sakit isipin na kahit manlang 'goodbye' wala.
Talaga nga namang ang bilis ng panahon. Yung taong minsang naging buhay mo, ngayon, wala ng saysay.
At ngayon, pasukan na, first day of class. Makikita mo ulit ang taong yun.
Sa isip ko, hindi ko pa kaya. Na sa isang tingin mo lang ulit sa kanya, mararamdaman mo ulit ang sobrang sakit sa puso. Ang bigat sa pakiramdam.
Sa pag-aalala ng mga nangyari, Hindi ko namalayan na tumulo na pals and luha ko. May nagbigay ng panyo at tinanggap ko naman. Without even knowing kung sino ang nagbigay
"Ramdam kita." Sabi nung nagbigay ng panyo sakin. Isang lalaki na parang ka-age ko lang.
"Huh?" Pagtataka na tanong ko at isinauli ang panyo.
"Hindi na. Gamitin mo muna. Baka umiyak ka pa" sabi nya at kinuha yung kamay ko at nilapag ang panyo. "Ramdam kita. Maski ako nga ee, ganyan din. Hindi pa handa ngayong pasukan." Pagpapatuloy nya
"Thank you" sabi ko "paano mo nalaman?"
"Nakakaiyak naman kasi talaga. Enjoy na enjoy ka pa sa bakasyon tapos malalaman mo nalang, pasukan na pala"
"Hahahhhaa" hindi ko mapigilan ang tumawa. Haha. Akala ko pa namn kilala nya ako at alam ang pinagdadaanan ko.
"Oh? Eh bat ka tumawa?" Ang cute naman nitong lalaking to. Tisoy na nakapout tapos bagay pa sa kanya yung suot nyang v-neck shirt. Ang kyut. Haha
"Jann! Nanjan ka lang pala" sigaw ni lian habang papunta sa tinatayuan ko. Kasama na pala nya ang barkada. Kasama si gelo :(
Ngayon palang. Nagpipigil na ako ng luha na nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Hindi ko pa kayang harapin sya.
Nagkatinginan lang kami pero agad naman nyang binawi. Isa lang nararamdaman ko ngayon e. SAKIT
"Naks. Kompleto agad ah. Haha" pero syempre kailangang magpatatag. Smile nalang kahit deep inside parang winawasak na ang puso mo.
"Syempre naman. Kanina ka pa namin hinahanap kaya" -jericho
"Pa-VIP kasi" -dada
"Wala kang pake dada :P" ayaw kong ipakita na nasasaktan ako ngayon. Ayokong ipakita na mahina ako.
"Wala kang pake kasi hindi ka pa tumatangkad. Hahaha"
"Hindi ka pa din nagbabago no? Mapang-asar ka parin" sabi ko kay dada sabay hampas sa balikat nya with full force. Pero dun sa paghampas ko, feeling ko si gelo yun at nilalabas ko sama ng loob ko.
"Aray! Sadista ka pa din! Gelo oh!" Sa pagbanggit ni dada ng pangalan nya, lahat kami napatingin sa kanya. Naghihintay ng gagawin nya.
Tumingin sya sakin at kay dada. Umaasa ako na may gagawin sya. Na magrereact sya. Pero wala. Tumingin lang sya samin at iniwas rin agad.
Anytime, pwede ng bumagsak amg luha na kanina ko pa pinipigilan. Sa pag iwas ng tingin nyang yun, parang sinasabi nya na wala syang pake. :(
"Tara na. Hahanapin pa natin room natin" pag aaya ni lian. Thank you lian. You're my savior.
Nagsimula na kaming maglibot sa bawat room at hanapin ang pangalan namin nakapaskil sa harap ng bawat room.
At sa kamalas-malasan nga naman, kami lang nahiwalay ni gelo sa barkada AT classmate ko pa sya. Diba? Ang galing.
"Sige, kita kita nalang tayo kapag recess aa" pamamaalam nila samin tsaka na pumasok sa room nila. Una kasing madadaanan ang room nila kaysa samin.
"Sige. Sa canteen na" sabi ko naman tsaka na nagsimulang maglakad kasama si gelo. Awkward nga lang.
Habang naglalakad kami, nakatingin lang ako diretso sa hallway at iniiwasang tignan sya.
"Uhm" ewan. Hindi ko mapigilan ang bibig kong magsalita at kausapin sya. Sh*t
Napatingin naman sya sakin at hinihintay ang sasabihin ko.
"Wala" sinabi ko nalang. Nakakainis! Hindi ko talaga matiis tong lalaking to. Mahal ko pa rin :(
"Jann" sh*t! Sa pagbanggit palang nya ng pangalan ko, gusto ko na syang yakapin. Namiss ko sya ng sobra.
"A-ano y-yun?" Ngayon naman, nauutal na ako. Please, magsorry ka nalang. Sabihin mo na namiss mo ako. :(
"Wala. Ito na pala room natin." Ouch! Umasa ako. Nanamn!
"Ahh.. uhm.. ano.. pwedeng tabi nalang tayo? Tayo lang kasi magkakilala d-dito" pumayag ka please. Kahit ito lang.
"Sige" ang sakit. Para kasing napilitan lang sya. Hindi man lang sya humarap sakin.
Gaya ng dati, ganun pa rin start ng klase. Pakilala lang then break na.
"Tara na. Hinihintay na ata tayo sa canteen" nauna na syang naglakad palabas at hindi manlang ako hinintay. At sa paglalakad namin papuntang canteen, walang nagsasalita saming dalawa. Nasa harap ko sya at nasa likod ako.
Ang sakit sa puso. Ngayon, parang ang barkada nalang nagcoconnect samin. Gusto ko syang tanungin pero hindi ko magawa. Gustong kong linawin ang tungkol saamin.