Ako si Joselito dela Cruz, Jose for short. Mabait ako at mapagmahal lalung-lalo na sa pamilya pero pilyo din kung minsan. Mataas ang pangarap ko. Gusto kung magtagumpay sa buhay para maiahon ang pamilya namin sa kahirapan. Oo, mahirap kami pero masaya naman kami. Kahit puro gulay at tuyo lang ang ulam namin ay nagagawan naman ni Mamang ng paraan para maging masarap ito sa hapagkainan. Sa paaralan, himdi naman ako matalino pero hindi rin naman ako yung pinakabobo, yung sakto lang. Out of 100 sa exan, nakakakuha naman ako ng 75 o 79, sakto lang naman, diba? Hindi na siguro masama yun kasi hindi naman talaga ako nagbabasa o nagrereview kapag may exam. Nakalimutan ko, graduation pala namin ngayon.
Oo, graduation namin ngayon. Sa awa ng Diyos ay nairaos din nina Mamang at Papang ang aking pag-aaral sa High School. Kitang kita ko sa mukha nila ang sobrang kasiyahan kasi ako ang kauna-unahang anak nila at kauna-unahang apo nila lolo at lola na gumraduate ng High School. Nagulat ako pagkatapos kong maligo kasi parang aattend lang ng kasal sina Mamang at Papang. Nakabarong Tagalog si Papang at nakasuot naman ng gown si Mamang. Nakakapanibago nga kasi nakagel pa si Papang sa buhok at nakasuot pa ng perlas na hikaw si Mamang. Kahit medyo matanda na ay kitang-kita pa naman ang ganda ng mukha nina Mamang at Papang. Sa kanilang dalawa talaga ako nagmana. Excited din naman kasi sila kasi tatanggap ako ng medal ngayon. Oo, tatanggap ako ng medal, ang Loyalty Award. Pano? Mula kindergarten hanggang high school, iisang paaralan lang ang pinasukan ko. Kahit yun lang ang matatanggap ko, proud na proud pa din sila Mamang ta Papang sa akin.
Kakasimula pa lang ng graduation at parang inaantok ako. Ang boring kasi. Nagising na lang ako nang narinig kong ibibigay na ang medal para sa mga tatanggap ng Loyalty Award, Nang marinig ko ang pangalan ko...
"Joselito dela Cruz", tawag ng emcee sa graduation.
Hinahanap ko sila Mamang at Papang. Hindi ko sila makita pero nagtawanan ang mga tao. Bakit kaya? Nang tumingin ako sa entablado, yun naman pala, kasi nauna na sila Mamang at Papang dun. Parang mas excited pa yata sila kesa sa akin. Natawa nalang ako. Nakakatuwa talagang malaman na tanggap ng mga magulang mo kung ano lang kaya mong gawin. Malapit na rin matapos ang graduation kasi kakantahin na namin ang graduation song namin na "Next In Line" ng After Image.
Sa wakas ay natapos din ang graduation at isa-isa nang nagsiuwian lahat ng mga dumalo sa graduation.
"Mamang, Papang, salamat sa lahat. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako makakgraduate nb\g high school", pasasalamat ko sa kanila.
"Beh, gusto namin ng Papang mo na makamit mo ang mga pangarap mo. Hindi namin hahayaan na maging katuylad ka namin ng Papang mo", sagot ni Mamang.
"Tama na muna ang drama! Mas mabuti pa, pumunta na tayo sa restaurant sa kabilang kanto at kumain na tayo", sambit ni Papang.
"Ha? Kakain po tayo?", tanong ko sa kanila.
"Oo, mahalagang okasyon ito anak kaya hindi kami papayag ng Papang mo na hindi tayo kakain ng masarap ngayon", paliwang ni Mamang.
"Huwag kang mag-alala. Naipon namin ng Mamang mo ito para talaga sa graduation mo", sabi ni Papang.
Wala akong nagawa kaya pumunta nalang kami sa restaurant para kumain. Alam ko naman kasing marami din kaming problema sa bahay kaya hindi ako nag-expect na kakain pala kami sa labas nima Mamang at Papang. Nakakatuwa lang malaman na nagagawan pa rin nila ng paraan na maging mas masaya ang okasyong ito.
Habang naglalakad, ayaw ipatanggal ni Mamang ang medal sa leeg ko. Kaya ayun tuloy, tinitingnan ako ng lahat na nakakakita sa akin. Akala tuloy nila, ako yung gumraduate na valedictorian sa klase. Nakakatuwa din na nakakahiya. Halos lahat ng nakikita ko, sinasabing "Congratulations". Feeling ko tuloy ay artista ako.
Nakarating na kami sa mamahaling restaurant na kakainan namin. Nag-order kami ng fried chicken, sinigang na hipon, at grilled pork belly. Mga pagkaing hindi naman namin nakakain sa bahay kasi walang pera para diyan. Habang hinihintay ang pagkain, kinuha ko ang newspaper na nasa mesa namin. Nagbasa ako hanggang sa makarating sa Entertainment section ng newspaper. Nakita ko ang isang di pamilyar na babae.
"Mamang, kilala mo ba ito?", tanong ko kay Mamang.
Kinuha ni Mamang ang newspaper at tiningnan ang larawan ng babae na binanggit ko.
"Hindi mo siya kilala? Sure ka? Siya yata ang pinakasikat na dalaga ngayon sa TV. Siya yung bida ng MariMaria. Naku! Idol na idol ko ang batang ito. Maganda na, mahusay pang umarte, at higit sa lahat, ang bait bait pa", kwento ni Mamang.
"Ano pong pangalan niya?", tanong ko kay Mamang.
"Jenny. Jenny Flores", sagot naman ni Mamang.
Hindi ko maalis sa isip ko si Jenny. Sobrang ganda niya. Sa panaginip ko lang nakikita ang mukhang iyon pero totoo pala siya. Hindi ko tuloy siya maalis sa isip ko nang biglang may tinanong si Papang.
"Anak, ano ba gusto mong kunin sa college?", tanong ni Papang.
"Gusto ko sana po kumuha ng Education kasi po nakikita ko ang sitwasyon natin dito sa probinsya. Kawawa po kasi ang mga bata eh. Ayaw ko pong maging mangmang sila. Gusto ko pong makamit din nila ang mga pangarap nila", serosong sagot ko kay Mamang at Papang.
"Mabuti yun,beh. Alam mo bang pangarap ko din noon na maging teacher kaso lang walang pambayad sina mama at papa sa pag-aaral ko kaya hindi na ako nakapag-aral ng college", kwento ni Mamang.
"Mamang, Papang, may sasabihin sana ako sa inyo", sabi ko.
"Ano iyon, anak?", tanong ni Papang.
"Gusto ko sanang mag-aral sa Maynila", sagot ko.
Dumating na ang mga pagkaing inorder namin at mukhang masarap talaga ito pero naging tahimik nalang sila Mamang at Papang sa sinabi ko habang kumakain kami. Kitang-kita sa mga mata nina Papang at Mamang ang pagkabahala sa sagot ko. Sino ba naman ang hindi mag-aalala eh wala naman kaming kilala sa Maynila. Kung matutuloy ako dun, talagang makikipagsapalaran ako dun. Dapat maging matapang ako. Kahit seryoso ako sa aking iniisip ngayon, hindi pa rin mawala sa isipan ko si Jenny, si Jenny Flores.
---------------------------------------------
Hanggang dito nalang muna tayo ha?
Maliliit lang talaga ang chapters nito kasi short stories lang ang gagawin natin. Simula pa lang ito. Promise ko na magiging mas kaabang abang ang mga susunod na kwento nito.
Please sabihin niyo ang feedback at mga comments niyo. Open din ako sa mga ideas niyo para sa susunod na bahagi ng kwento. Ang chapter two ay gagawin ko at iuupload ko sa Wednesday.
Salamat sa pagbabasa :)
- Clint Laurenz Hera
BINABASA MO ANG
MAGING AKIN
Teen FictionTiyaga. Pangarap. Pagmamahal. Tagumpay. Lahat tayo ay hinahangad na nais nating makamit. Mayroon mga bagay na nagiging rason para ipagpatuloy natin ang buhay. Pangarap, pamilya, kasiyahan, at pagmamahal ay ilan lamang sa mga ito. Pero ano ang kaya m...