Ang Pagkikita

194 16 17
                                    

Nagising ako at nakita ko na ang napakaraming tao. Ito na ang Maynila. Sinuot ko na agad ang placard para makilala ako. Bumaba na ako sa bus. May lalaking lumapit sa akin. Siya pala ang driver na magsusundo sa akin. Kaya sinundan ko siya at pinasakay ako sa magara nilang kotse. Pumasok ako sasakyan at sinirado ang pinto nito.

"Kuya, please let's make this fast! Malalate na po ako"

                        May kasama pala kami sa sasakyan. Nang tiningnan ko, isang pamilyar na mukha ang nakita ko.

—--——————————

"Yes, Ma'am! As fast as we could", sagot ni Kuya driver.

Hindi ako mapakali. Ang ganda niya. Hindi ako makapaniwalang kaharap ko na siya.

"YES? What are you looking at?", sabi niya.

"Uhm, kasi po..... diba, artista po kayo? Diba, ikaw si Jenny?", sagot ko.

Ngumiti lang siya at hindi na sumagot. Hindi lang talaga ako makapaniwala na sa dinami-dami ng tao sa Maynila ay mapupunta pa ako sa bahay nila ni Jenny.

"We are already here, Ma'am", ngiting sabi ni Kuya driver.

"Thanks, Kuya. Make sure to come back right away when I text you, okay?", sabi ni Jenny.

"Sure, Ma'am", sagot ni Kuya driver.

Bumaba na ng sasakyan si Jenny at pumunta sa isang napakalaking gusali. Tiningnan ko si Manong driver at nagtanong.

"Kuya, yung totoo? Driver ka ba o English teacher?"

"Excuse me? Driver ako, but I grew up in California. Just kidding. Alam mo kasi, nasasanay na rin akong mag-English kasi sila sir at Jenny, nag-Eenglish rin. Kaya ikaw, masasanay na lang din", sagot niya.

"Kuya, saan ba papunta si Jenny? Ano ba yung gusaling pinuntahan niya?", tanong ko.

"Yun ang NYE-EM-EH network. Doon nagtatrabaho si Jenny bilang artista", sagot niya.w

"NYE-EM-EH?", tanong ko ulit.

"Uu. Atin atin lang ito ha? GMA talaga iyan kaso bungi iyong may-ari ng network kaya naging NYE-EM-EH. Teka nga! Bakit ba ang rami mong tanong? Reporter ka ba?", sagot na Kuya driver.

"Galit agad? Di ba pwedeng magtatanong na muna?", nakangiting sabi ko.

Pauwi na kami sa bahay ng amo namin kaya naman kinakabahan na ako. Hindi kasi ako sanay na may ibang taong pinagsisilbihan. Sina mamang at papang lang ang pinagsisilbihan ko sa amin talaga. Ayan tuloy, namimiss ko na naman sina mamang at papang.

"We're here", nakangiting sabi ni Kuya driver.

Bumaba na kami sa sasakyan at sumalubong sa amin ang isang matipuno at gwapong lalaki. Kahit sa kanyang edad, mukha pa rin siyang bata. Napakaputi, napakakinis, at ang pisngi, mapula-pula. Nang makita niya ako ay bigla siyang napangiti.

"Bakit po, sir? May dumi ba ako sa mukha?", tanong ko.

"Pwede mo nang hubarin ang placard na suot mo? Kilala na kita. Ikaw si Jose, diba?", sagot ni sir.

"Opo, sir. Pasensya na po", sagot ko.

"Tawagin mo nalang akong Sir Mike", sabi ni Sir.

"Sige po.... Sir Mike", sagot ko.

"And I am Lucas", sagot ni Kuya driver.

Napangiti ako. Kahit naman pala masama ang mukha ni Kuya driver ay maganda ang kanyang pangalan. Mas maganda pa kesa sa pangalan ko.

Pinatuloy na agad ako ni Sir Mike sa kanilang mansiyon. Napakalaki. Napakalawak. Mamahalin. Nilagay ko na ang mga gamit ko sa kwarto ko. Maliit lang pero okay na rin. Mas maganda pa ng ito kaysa kwarto ko sa probinsiya. Inilibot nila ako sa bahay at sinabihan kung anu-ano ang mga dapat kong gawin sa bahay.

Hindi na ako nag-alinlangan. Okay lang naman kasi mabait naman pala si Sir Mike. Akala ko masungit siya, mukha lang pala. Pumunta na agad ako sa garden at inalagaan ang mga pananim. Naglinis na rin ako ng swimming pool. Ang laki ng swimming pool nila at ang linis pa. Kinuha ko ang hose para diligan ulit ang mga pananim nila ni Sir Mike nang may biglang nagsalita sa likod..

"Excuse me?", sabi niya.

Nagulat ako kaya naman naituro ko ang hose sa kanya at nabasa siya. Si Jenny! Nabasa ko si Jenny.

"Oh my God", sigaw niya.

"Sorry po, Ma'am. Hindi ko po sinasadya", sabi ko.

Kinuha niya ang hose at binasa naman niya ako. Akala ko magagalit siya pero parang ang saya saya pa niya na binabasa niya ako.

"Ano? Di kaba lalaban?", tanong niya.

"Ha? Ako po, ma'am?", tanong ko sa kanya.

"Hindi, yang nasa likod mo. Siyempre ikaw! Sino pa ba kausap ko?", sagot ni Jenny.

"Ano pong ibig mong sabihin, Ma'am?", tanong ko.

"Kunin mo ang isang hose at labanan mo ako. Simple lang, diba?", sagot niya.

"Ma'am, baka pagalitan kasi ako ni Sir Mike", sabi ko sa kanya.

"Hindi. Huwag ka mag-alala", panigurado ni Jenny.

Kinuha ko ang hose at nagbabasaan kaming dalawa. Halos mukha na kaming mga basang sisiw sa ginagawa namin. Hindi pa nakapagbihis si Jenny kaya kahit ang mamahalin at magandang damit ay nabasa na rin. Tuwang-tuwa si Jenny. Parang ngayon lang siya nakipaglaro sa buong buhay niya. Natigil nalang kami at nagtawanan sa isa't isa.

"Ayos ka pala eh", sabi ni Jenny.

"Bakit? Mukha ba akong masungit, Ma'am Jenny?", tanong ko kay Jenny.

"Hindi naman. Mukha ka lang walang alam. Hahaha", pilyang sagot ni Jenny.

"Aray naman, Ma'am Jenny. Dahan dahan ka naman sa akin", pabiro kong sagot kay Jenny.

"Huwag mo na nga ako tawaging Ma'am, parang magkaedad lang naman tayo eh. Tawagin mo nalang akong Jenny. Dito ka naman lang din magtatrabahl sa bahay namin kaya araw-araw mo na din akong makikita", paliwanag ni Jenny.

"Sige po, Jenny", sagot ko.

"Mauna na ako. Ano nga pala pangalan mo?", tanong ni Jenny.

"Jose po", sagot ko.

"O sige, Jose. Papasok na muna ako. Kailangan ko na kasing magbihis. Basang-basa na ako", sabi ni Jenny.

Hindi ko alam kung bakit nakangiti nalang ako habang tinitingnan si Jenny palayo sa akin. Ang alam ko nagagandahan ako sa kanya. Tama talaga si nanay. Hindi lang siya maganda, mabait pa. Naku! Kung alam lang ni nanay kung sino ang pinapasukan ko dito sa Maynila, siguradong susugod yun dito.

Hindi ko namalayan na habang naglalaro kami ni Jenny sa tubig ay nakatingin na pala si Sir Mike sa aming dalawa. Narinig ko nalang ang boses ni Sir Mike na tinatawag ako.

"Jose!", sigaw ni Sir Mike.

Lumapit ako kay Sir Mike. Alam ko papagalitan ako kasi nagsasayang kami ng tubig.

"Sorry po, Sir Mike. Sorry kung nagsasayang ako ng tubig kanina. Nagkatuwaan lang po kami ni Jenny", paliwanag ko.

"Okay lang 'yon. Magbihis ka muna at bumalik ka dito sa garden. May pag-uusapan tayo. May importante akong sasabihin sa iyo", sabi ni Sir Mike.

Nagtaka ako kung ano ang sasabihin ni Sir Mike at parang sobrang seryoso noya dito kaya kinabahan din ako. Pumunta nalang ako sa kwarto at nagbihis na kaagad.

—————————————

ANO KAYA ANG IMPORTANTENG SASABIHIN NI SIR MIKE KAY JOSE?

Sana po nagustuhan ninyo ang kwento. Huwag niyo po kalimutang ishare ang story at magcomment na rin po. Salamat po.

- Clint Laurenz Hera

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAGING AKINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon