Dumating na ang mga pagkaing inorder namin at mukhang masarap talaga ito pero naging tahimik nalang sila Mamang at Papang sa sinabi ko habang kumakain kami. Kitang-kita sa mga mata nina Papang at Mamang ang pagkabahala sa sagot ko. Sino ba naman ang hindi mag-aalala eh wala naman kaming kilala sa Maynila. Kung matutuloy ako dun, talagang makikipagsapalaran ako dun. Dapat maging matapang ako. Kahit seryoso ako sa aking iniisip ngayon, hindi pa rin mawala sa isipan ko si Jenny, si Jenny Flores.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
"Pa, bigla nakong natigilan nang malaman ko ang plano ng anak natin"
"Ma, malaki na si Jose. Hindi naman natin pwedeng kontrahin ang mga pangarap niya"
"Pero ano mangyayari sa kanya sa Maynila? Sino ang makakatuwang niya dun sa kanyang mga problema?"
"Ma, hindi natin siya pababayaan. Kahit anong mangyari, kahit malayo na siya, alam mong hindi natin siya kayang iwan, diba?"
"Basta ayaw kong tumuloy siya sa Maynila. Hindi ko kaya"
"Ma, ikaw na rin nagsabi na gusto mong makamit ng anak mo ang kanyang mga pangarap. Paano niya makakamit ang kanyang pangarap kung makukulong siya sa mahirap na probinsyang ito? Ma, kilala natin si Jose. Pilyo man iyang batang iyan kung paminsan-minsan pero responsable iyon"
"Pa, ayaw ko lang naman mawalay kay Jose. Siya lang ang anak natin tapos mawawala pa sa piling natin. Kung kaya mo, hindi ko kaya"
"Ma, tulog na muna tayo. Bukas na natin pag-usapan ito. Ayaw kong mag-away tayo dahil dito"
"Sige. Good night, Pa. I love you"
"I love you, too"
Masarap ang tulog ko kagabi. Napakahimbing. Nanaginip din ako. Mayroon na daw akong sariling paaralan at ako rin daw ang principal dito. Nakakatuwa. Nakakatuwang isipin na kahit sa panaginip ay nagkakatotoo ang mga pangarap natin. Kung sa bagay, libre naman ang mangarap.
Pagkagising ko, dumiretso na ako sa kusina para kumain ng umagahan. Madalas itlog at tinapay ang nakahain sa mesa pero ngayon may itlog, may tinapay, at may corned beef rin. Naku! Paborito ko pa naman ang corned beef. Alam na alam kong mabubusog talaga ako sa kakainin kong umagahan ngayon. Nakaupo na ako sa silya at kinuha ang bagong newspaper na nasa mesa. Tiningnan ko ang Entertainment page kaso hindi ko na makita si Jenny. Hays! Hanggang pangarap na nga lang siguro si Jenny. Tumingin ako sa Classified Ads section ng newspaper. Naghanap ako ng pwede kong mapasukang trabaho sa Maynila. Gustung gusto ko talaga makapag-aral ng Maynila.
Manager, call center agent, mekaniko, sales clerk, at driver lang ang nakita ko. Wala naman akong pwedeng mapasukan dito. Teka lang! Meron pang isa na ngayon ko lang nakita. May naghahanap ng hardenero. Stay-in daw at bukod sa sweldo ay may alloowance pa. Naku! Parang ito na yata ang hinihintay ko. Dumating din sila mamang at papang galing sa palengke.
"Mamang, Papang! Tingnan niyo po ito", excited na sigaw ko sa kanila.
"Ano naman iyan, beh?", tanong ni Mamang.
"Mamang, pwede ako pumasok dito para makapag-aral ako ng Maynila", sabi ko.
"Pero, beh. Umupo ka muna dito", sabi na Mamang.
Alam na alam ko at ramdam na ramdam ko na ayaw ni Mamang na lumuwas ako ng Maynila at doon makipagsapalaran. Alam kong natatakot siya kasi walang kaming mga relatives doon kaya alam ko na kung ano ang sasabihin ni Mamang.
"Mamang, alam kong ayaw niyo akong papuntahin ng Maynila kasi natatakot kayo pero ito lang po ang naiisip kong paraan para makamit ko ang mga pangarap ko, para matupad ito. Mamang, Papang, pagkatiwalaan niyo po ako ngayon. Gagawin ko po lahat para mapagtapos ko ang pag-aaral ko. promise ko po iyan sa iyo", paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
MAGING AKIN
Teen FictionTiyaga. Pangarap. Pagmamahal. Tagumpay. Lahat tayo ay hinahangad na nais nating makamit. Mayroon mga bagay na nagiging rason para ipagpatuloy natin ang buhay. Pangarap, pamilya, kasiyahan, at pagmamahal ay ilan lamang sa mga ito. Pero ano ang kaya m...