1 : Babae sa ere

19 2 0
                                    

DISCLAIMER!!

All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or names unless stated. They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all the incidents, places and events are merely invention.

—————————-
Note!!

This story contains mature theme and strong languages that is not suitable for young readers and innocent mind. Read at your own risk

Kung di pa kayo ready mag next story nalang muna kayo..

You may see typo's and grammatical error so sorry na agad. Naka cp lang ako at hirap din maging Bisaya char!

Happy reading sweetheart!!

xoxo

Credits to WalaNaPar  for the image thank you be ❤️

----------------------

Tayo ay naninirahan sa mundong puno nang kababalaghan at katanungan.

Totoo nga kayang merong naninirahan sa mundo ng mga tao na mga nilalang na hindi natin nakikita?

Posible nga ba talaga na pag hindi pa handa mamatay ang isang tao ay nanatili parin ang mga kaluluwa nila sa ating mundo?

Totoo nga bang dumadalaw din ang mga demonyo sa mundo natin?

May mga anghel ba talagang nagbabantay sa atin mula sa kalangitan?

Meron ba talagang tao na nakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng iba?

Totoo nga ba ang THIRD EYE?

Ako si Brianna at mangin ako ay hindi alam pano ko ito maipapaliwanag.

May mga tao na nakakakita ng mga pangyayari sa hinaharap meron tao na marunong mang gamot may mga tao na kaya kausapin ang mga kaluluwa.

Maraming ganyan ang sabi ng mga matatanda regalo daw iyon ng Panginoon sa kanila.

Pero may ilang mga pastor na nagsasabi na kagagawan iyon ng mga demonyo dahil walang mortal ang makakakita sa hinaharap.

Ano ba talaga ang totoo? naguguluhan na rin ako.

Sabi ng iba maniniwala lang sila pag sila mismo ang nakakakita o nakaka experience ng mga ganung bagay.

Pero ako? hindi ko alam kung kailan ito nag simula. Siguro nung bata pa ako mga edad singko o sais.

Hapon na iyon mga bandang alas 3 o alas kwatro. Kulay kahel ang kalangitan maaraw ngunit umaambon.

Sa himapapawid ay nakakita ako ng babaeng magulo ang buhok, pula ang kanyang mga mata wala syang pangil ngunit ang pangit ng hulma ng mga ngipin nya. Para itong ngipin ng mga pating o di kaya peranha.

Wala ring dugo ang mga labi o ngipin nito pero nag halo ang dilaw at itim sa ngipin nya. Ang mga labi nya ay kulay itim rin at biyak biyak at ang buhok nyang mahaba ay magulo na animoy galing sabunutan.

Naka suot sya ng itim na bistida at marumi rin ang kanyang mga paa.

Sariwa pa iyon sa isip ko dahil yun ang unang beses na nakakita ako ng bagay na yon.

Nagtaka naman ako kasi hindi naman sya lumalapit pababa sa akin bagkos ay nakatingin lang na parang buwan sa kalangitan na animoy sinusundan ako kung san ako pupunta at hihinto tuwing titigil ako sa paglalakad.

nakatingin lang ng taimtim ang mapupula nyang mga mata at nung ngumiti sya sa akin na sobrang nakakatakot ay nagsimula akong umiyak. Hindi ako maka alis sa kinatatayuan ko kaya sinampa nalang ako ng kuya sa likod nya habang pilit na sinusubsob ang ulo ko sa leeg nito.

Third eyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon