2: Taga subaybay

4 0 0
                                    


"Mama!"

Hinihingal kung sigaw at napabalikwas ng bangon. Agad naman akong dinaluhan ni Mama at hinawi ang magulo kung buhok.

Nang makita ko si Mama ay napayakap ako sa kanya.  Mangiyak ngiyak ako habang mahigpit na yumayakap sa kanya.

"It's ok Bri, andito si Mama"

Mahinahong sabi ni Mama habang hinahagod ang buhok ko.

Nang inalis ko ang yakap kay Mama ay nakita ko naman ang nag aalalang mukha nito.

"Mama nakita ko po ulit yung babae, yung kinunwento ko sa inyo nung maliit pa ako"

Gulat napa titig ang mama ko sa akin. Noong kinuwento ko iyon dati ay ang sabi lang sa akin ni Mama ay baka nag dedeliheryo lang ako dahil may lagnat ako noon.

"Mang Nestor, ano po ang nangyayari sa anak ko?" Naguguluhan at kinakabahang tanong ni Mama kay Mang Nestor.

Andoon pala si Mang Nestor sa bahay kasama nito si sir Josefa na pamangkin nya.

"Maari ba kitang makausap ng tayo lang hija"

Ani ni Mang Nestor kay Mama. Tumayo naman si Mama pagkuwan.

"Sandali lamang anak" paalam nito sa akin at niyaya ang matanda sa balconahe ng bahay.

Naiwan naman ako doon kasama si Sir Josefa at si Ashley.

"Beshy! Stress ako sayo kala ko sinapian kana!" OA pa na bungad ni Ashley sa akin na may dala pang juice galing kusina. Kaya pinag tirikan ko lang sya ng mata na kinatawa nya.

"Sir bakit ho pala kayo naparito sa amin?" Tanong ko sa guro namin na naka upo sa silya malapit sa sofa kung san ako naka higa kanina.

"Tinawagan ko ang Mama mo na ihahatid ka namin nina Ashley dahil nais rin ni Tiyo na makausap ang mama mo"

Napaligon ako sa gawi ni Mama at Mang Nestor na ngayon ay masinsinang nag uusap. Pa naka naka ay napapa tingin si Mama sa akin at ngumingiti kaya hindi ko tuloy maiwasang ngumiti pabalik sa kanya.

"Brianna, kailan ka simulang nakaka kita ng mga nilalang na hindi nakikita nang pangkaraniwan?"

Tanong sa akin ni Sir Josefa. Umayos naman ako ng upo at lumagok ng juice na binigay ni Ashley.

"Ang pagka alala ko sir ay nag simula iyon noong bata pa ako nung makita ko yung babaeng lumulutang sa ere. Simula nun ay lagi na akong nakakakita. Pero hinahayaan ko lang"

Tumango tango naman ang guro ko sa akin. Nag tatanong pa ito ng mga na experience ko hanggang sa tumunog ang cellphone nito kaya iniwan nyo muna kami para sagutin ang tawag.

"Beshy ok kalang ba?" Nag aalala paring tanong ni Ashley na umakbay pa sa akin.

Tumango lamang ako at nag aalalang tumingin sa kanya.

"Hindi kaba natatakot sa akin Ashley?"

Mahinang tanong ko sa kanya.

"Huh? bakit naman ako matatakot sayo sira!"

Hinampas nya pa ako para gumaan ng konte ang pakiramdam ko.

"Alam mo Bri, mas hindi pa nga ako natatakot pag andyan ka eh kasi feeling ko hindi ako lalapitan ng mga multo pag andyan ka. Alam mo ba yung feeling na parang may nag mamasid sayo para sagipin ka sa trahedya?"

Maka hulugang wika nito. Napaisip naman agad ako.

Lagi akong nakakaramdam na parang may nakamasid sa akin lagi. Na para bang may taga subaybay ako sa bawat kilos ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Third eyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon