*Strum~ Strum*
Isang taon mahigit na ang nakalipas since nagkaroon ng pandemic.
Kumpara last year 2020, mas magaan na ang pakiramdam ng mga tao pag lumalabas ng bahay dahil karamihan sakanila vaccinated na.
Ako? Eto, hindi naman sana ako matatakot kung wala akong sakit, baka kasi yung vaccine pa ang tumapos sakin dahil bawal daw yung iturok sa may na diagnosed na sakit.
Pero tama na ang kwento! Sa ngayon ano ba ang gagawin ko??
Ah oo, back to reality:
Yung dating pamilya namin na masaya at close na close sa isa't isa, ngayon may kanya kanyang mundo na.
*Sighs*
Ang bilis ng panahon. Gusto ko nalang bumalik sa nakaraan..
My mind: Anong nakaraan eto ba??
Me: WAAAA!
*Flashback*
---
Year 2015 nagpunta kami sa Pampanga para bisitahin ang mga kamag-anak namin at heto na nga ang pangyayari:
Tita Nie: Wow! Kayo ba ang mga anak ni Marsie?! Grabe ikaw ba yung pamangkin namin na si Mika? Ang ganda mo talaga grabeee! Mana sa Tita Nie!
Mika (Ate/Panganay) : Salamat po hehe.
Tita Nie: At ikaw! Ikaw ba yung bunso?? GRABE ANG GANDA MO RIN!! PWEDENG MAG ARTISTA! IRETO KAYA KITA!
Rielle (Bunso) : Ahaha... Salamat po Tita 😅 Ahaha...
Tita Nie: Walang anuman! Hohohohohoho~
---
At ako nandun lang sa sulok at yung tanging isang Tita ko lang ang nakapansin sakin kaya lang...:
Tita Bhie: Oh.. Ikaw ba si Rima??
Rima: A... o... opo *yuko*.. e..ehe...
Tita Bhie: Ay, kasali ka pala??
---
😶...
*End Of Flashback*
Me: *deep long siiiiigghhhhhh*~
T___T Hindi ganung nakaraan ang sinasabi ko.. WAAAAAAA!
Bigla nalang akong nakarinig ng sigawan dahil nandito ako sa kwarto at nag gigitara. Dahan dahan akong sumilip palabas at nakita ko na nagsasagutan na si mama at si kuya Joe. Anim kaming magkakapatid 3 Babae, 3 Lalake.
---
Joe: I've had enough! Lahat nalang ng pagpaparinig mama ginagawa mo!
Mama: Wala naman akong sinasabing masama! Wina warningan lang kita na hinay hinay sa pag gala ninyong mag asawa dahil hindi birong magpaaral ng anak. Alam mo yan dahil may anak ka ri-
Joe: Alam ko! Lahat naman kailangan kong pag paguran! Hindi ko ba deserve na maging masaya dahil hindi ko naman basta basta nakukuha yung mga gusto ko?! hindi katulad ng iba diyan!
Mama: Anong sinasabi mo?!
Joe: Wala! Hindi na 'ko magpapaliwanag! Wala ka namang tiwala diba! Sakanila lang meron!
Mama: Anak, wala akong paborito sainyo. Pantay pantay kayong la-
Joe: Hindi ko nararamdaman. *Walks out*
---
...
Bumalik na ako sa aking kwarto habang nasusundan pa ng ilang bangayan na nagmumula naman kina mama at papa dahil sa ginagawang diskusyunan na ayaw ko ng alamin pa.
*sighs...*
Me: *Looks down* wala manlang akong magawa para sakanila. Pati ako dagdag lang sa problema T___T
AAAAAAAA!! BAKEEETTT AKO PALAMUNEN?!!! T____T
Ate: *Pumasok sa kwarto ko* Anong sinisigaw sigaw mo diyan?
Me: A- 😶 Ahaha... 😅 Sorry... Nanaginip lang..
Ate: Puro ka kasi Tiktok *dumiretso na sa kwarto niya*
Me: Aaa...Hindi ako nag Titiktok! Tsaka anong masama don!? Hmmmp! *pouts*
...
Tama. 😶 Hindi ako inaasahan sa pamilya na 'to... Sumpa na yata ng middle child na hindi ma appreciate T___T
*shakes head!* >/////////<
Tama na ang drama! Gagawa muna ako ng kanta! :)
*After 10 mins*
*Strum Strum~*
TA~ DA~!
Yosh! I popost ko na 'to sa social media. =^^
*Yawn*...
After ko mag post ay nahiga na ako at natulog ng mahimbing.
My mind: Excited na ako bukas, sana maraming makarinig ng kanta ko =^^
...
zzz ...
*Kinabukasan*
---
Yosh! Oras na para gumawa ng gawaing bahay! *Feeling motivated!*
Heto na ang listahan ko for today!
1. Maglaba
2. Maghugas ng plato
3. Maglinis ng bahay
4. Ihanda ang mga vitamins para hindi agad lumala ang sakit ko
5. Magluto
6. MaligoLast but not the least!
Mag Laro ng Axie! Isang Play To Earn Game! 😍
*Doing chores doing chores doing chores*
Habang gumagawa ako ng gawaing bahay i-i-introduce kong muli ang aking sarili~
Hi~ Ako nga pala si Rima Rhythms! 27 Years old. Oo, nung kapanahunan ng kasagsagan ng pandemic, halos na depressed na ako. Bukod sa nagkaroon ako ng progressive disease, walang wala na akong pera. Sinagot nila mama lahat ng hospital bills ma diagnosed lang ang invisible illness ko hanggang sa wala ng natirang pag-asa sakin at sa dinami-rami ng doctor na nagsabing nerbyos lang ang sakit ko at wala akong sakit, na pinaglololoko ko sila -__-" Finally, isang neuropsychiatrist lingap diwa free consultation ang nag diagnosed na mayroon akong Fibromyalgia, isang pang habang-buhay na sakit at wala ng gamot para gumaling pa at kapag nag progress ito dala ng sobrang stress maaaring magkaroon na ako ng neurodegenerative disease at hindi na ako makakilos soon.
Unti-unti ko ng nararamdaman ang pagbabago sa kundisyon ng katawan ko.
Pero kumpara sa last year na ayaw ko nalang bumangon sa higaan at gusto ko nalang mawala,
->*Linis linis back to reality*
*smiles..* Na realized kong gusto ko pang gawin ang mga kaya ko pang gawin at enjoyin ang lahat bago ako kunin ni Lord hahahaha... Haayyy...
Thank you Lord!, Tapos na ako sa lahat ng gawain ko =^^
Axie Infinity Time!
Oh SLP~ Tumaas ka!!
YOU ARE READING
Axie Infinity: Blood Pressure Rising (December Edition 🤣)
RandomI do not own Axie Infinity! I only own my imagination 🤣 Keep reading ~ Thank youuuu~