2: Dimension To Infinity (2)

14 0 0
                                    

EEEEEEEEEEHHHEEEEE?!!!

T___T Lose Streak nanaman ako!! Kung kailan sahuran na ngayon tsaka pa nagka ganitoooo T___T

From 1500 To 1200 real quick!
Grabe nakasama pa yata yung pag ga-grind ko.

Grrrr! Kailangan kong makakuha ng incentive T___T Kahit pagiging scholar sa axie na 'to sana naman may mapatunayan manlang ako.

*Deep siiiiigghhhhhh...* 😞

Makalabas nga muna para makakain..

...

Paglabas ko sa sala papunta sa kainan naalala ko nanaman yung mga panahong sabay sabay pa kaming kumakain lahat..

T__T Ngayon heto ako nagsasandok mag-isa. *Bell Of Defeated*

Habang nagsasandok ako ng kakainin ko, naalala ko na aalis nga pala ako bukas para i-withdraw yung pera sa bangko na kasasahod ko palang.

So eto tamang kain lang ako..

Pagkatapos kong kumain at maghugas ng plato:

*Yawn*... Inaantok nanaman ako... Siguro oras na para matulog.. Pero bago yun magpapaalam muna ako kina mama at papa na aalis ako bukas.

...

Kumuha muna ako ng facemask malapit sa kwarto nila mama na nakasara ang pintuan. Bubuksan ko sana pero na curious ako na baka mayroon nanaman silang pinag-uusapan kaya sinubukan ko munang makinig:

Papa: Si Rielle ayan tiwala ako sa bata na yan, malayo ang mararating. Biruin mo magkakaroon ako ng anak na Engineer. Sila nalang ni Mika inaasahan ko. Dapat nga maaral na rin ni Mika ang business natin. Sila nalang inaasahan ko. Si Ruko hindi ko alam nasa isip at kung ano talaga gusto. Si Joe at Liam hindi na ako aasa pa dahil kinakalaban ako, akala nila alam na nila lahat.

Mama: Kausapin mo naman kasi mga anak nating lalake, parang hindi mo naman kasi close yung mga yon kaya magkakalayo ang mga loob niyo.

Papa: Hayyy, basta hindi na ako aasa. Hindi uunlad yang dalawang yan pag ganyan. At kay Rima wala naman akong maaasahan diyan.

...

"Wala naman akong maaasahan diyan.."

...

"Wala naman akong maaasahan diyan.."

...

Dahan dahan akong bumalik sa kwarto ko at sinara ang pinto...

... :))

Hppp!!!

Nagtakip ako ng unan sa mukha sabay sumigaw ng pabulong para di masyadong rinig.

Hindi hindi hindi hindi ako iiyak kasi totoo naman yon totoo naman yon totoo yon Rimaaaaa..

...
...
...

Pero...

Mas gusto ko pa yatang marinig na hindi na ako inaasahan...

Kaysa walang saaking maaasahan...

...
...

*sob..*

*sobs....* 🥺

Kinuha ko ang phone ko at nakalimutan ko na nakabukas pa rin ang Axie Infinity app...

Kaya lalo akong na bell of defeat mode...

Oo na,

Wala na 'kong pag-asaaaa 😭😭😭😭 Eeeeheee doushiteeeee????

Nag mala Japanese mode na tuloy ako sa kadramahan ko.

...

*Dukdok na habang nag sosob* Come to think of it... T___T

...

27 Years old na 'ko,

Pero wala pa rin akong naipag mamalaki sa pamilya namin.

Wala pa rin akong ambag...

Wala manlang akong maitulong...

Ni hindi ko kayang maglakas loob na mag volunteer na makatulong manlang dito kahit papaano...

Hindi ko naranasan na maramdaman yung pakiramdam ng mga magaganda...

Pero wala lang 'to T____T

Hindi naman big deal sa akin 'to...

Tanggap ko kung ano ako...

Pero bakit kahit anong tanggap ko,

Hindi naman ako matanggap ng ibang tao..?

...
...

*Echoes Flashback*

Tita Bhie: Ay, Kasali ka pala??

Tita Nie: Ang Ganda ng Panganay at Bunso! Mana sa Tita!!!

Mama: Ano ba 'tong drawing mo na 'to?? Naglalagay ka ng basura.

Classmates: Tao ka ba?? Bakit ang panget mo?? *Laughs Laughs Laughs*

"Mag sex tayo, mahal mo ako 'di ba?"

"Nasisira na talaga ulo mo, diyan ka na, wala ka sa ayos kausap"

"Siya?!! Oo Siya!! Magnanakaw!! Magnanakaw!! Malikot ang kamay!!"

"Kabayo~ *Laughs*"

"Bakit mag isa lang siyang kumakain? Ang wirdo niya..."

"Oo nga ii.."

"Siya ba yung mabaho?? Grabe... Confirm.. Layuan niyo.."

"Wala po yang alam gawin anak po ng businessman yan.. Mayaman!"

"Wag kang tumugtog! Ang ingay mo!!"

...
...

:')

Ligawin ang mga kapatid kong babae...

Never akong napansin or na appreciate...

Wala akong lovelife...
Wala akong kaibigan...
Walang nanligaw...
Walang masayang school life...
Walang career...
Walang pera...

...
...

Walang kwenta...

...
...

Mag-isa lang ako... Mag-isa nalang akong niloloko ang sarili ko...

Hindi ko nalang talaga matanggap...

Na ganito nalang talaga yung mangyayari sa buhay ko...

...
...

'Di ko namalayan na natuluan ko na pala ng luha ang screen ng phone ko...

...H....huh? Waaaa *Dali-daling pinunasan*

...
...

*Opens Axie Infinity app on its own*
*Sabay tunog ng opening theme*

🎶🎵🎶🎵🎶~~ Tununun Tu tu nunun~
Tununun Tu tu nunuuunn~~

*Eyes widen...*

Hu...huh???? Nag g-ghost touch nanaman yataaaa! *Tries to stop the app pero nag spark yung phone ko dahil naka charge na pala tapos panay luha ko O___O*

...

Bigla nalang lumipad kusa yung phone ko pagka spark ng malakas at napuno ng liwanag ang kwarto ko na nakakasilaw kaya napikit nalang ako

A...AAAAAA SUNOOOGGGG!!! SUNOOOGGG BA TOOOOO?!!! >___< NAKURYENTE BA 'KOOOO?!?!?!

Dahan dahan kong binuksan mata ko at hindi ko alam kung bakit nasa dilim na ako pero may mga liwanag sa paligid ko.. Teka ano 'to?? Christmas light?? Teka nasa kabilang buhay na ba 'ko.. 😶

Aha!!

Nananaginip lang siguro ako!
Oo mag papasko lang kasi kaya ganito ahahaha.... a... WWAAAAAAAAAA!!! TEKAAAA WAAAAAAAA!!!!

...

At ayun sa nagsobrang liwanag nanaman at pakiramdam ko nasa roller coaster na ako na 'di ko malaman kung anong Portal  ba 'tong napapanaginipan ko..

PERO BAKIITTT PARANGGG TOTOOOOO YATAAAAA TALAGAAAAA WAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!?!
😵💫💫💫

Axie Infinity: Blood Pressure Rising (December Edition 🤣)Where stories live. Discover now