SeMin: My Boyish (Part 2 - END)

508 37 8
                                    

Kinaumagahan.

Maagang pumasok si Minzy, katulad ng dati nadatnan niya si Sehun sa school ground pero , nakita niyang may iba tong kasama.

Babaeng maganda, makinis, at maputi.

Napangiti siya, mukhang nagbabago na ang snob niyang bestfriend ah?

Nakita niyang nakangiti si Sehun, pero nakita rin niya, kung paano biglang halikan ng babae ang pisngi ni Sehun.

Ang ngiti sa mukha niya biglang nawala.

Suddenly nakaramdam siya ng paninikip sa dibdib kaya agad siyang napahawak sa chest niya.

Hindi niya alam kung bakit pero nainis siya bigla.

Naisip niya na baka hindi na siya mahalaga kay Sehun.

Nung araw na iyon,lagi niyang iniiwasan si Sehun. Nung araw na iyon. Parehong nasasaktan ang puso nila.

Kapag kakausapin naman siya ni Sehun kung hindi iihi may inuutos ang teacher ang excuse niya.

Alam ni Sehun na may mali.

Kaya hindi siya sumusuko, Nung gabi ng araw na iyon. Minzy realise everything.

Sa sobrang pagkamiss sa kanyang bestfriend nalaman niyang hindi niya kayang mag-isa .

Nalaman niyang mahal niya si Sehun.

Pero pakiramdam niya huli na.

Kaya nakapagdesisyon siyang magbago.

Isang linggong hindi pumasok si Minzy, halos mabaliw na si Sehun kung bakit hindi siya pinapansin nito.

Sa bahay, nagwawala ito sa kanyang kwarto nambabasag ng kung ano-ano.

Sobrang miss na niya ang bestfriend niya. Yung taong MAHAL niya.

Nakadukmo lamang si Sehun sa kanyang arm chair nung araw na iyon.

Nang may isang dalaga ang pumasok sa room nila nakapalda ito at kulay pink ang buhok.

"Minzy ikaw ba yan?" Sambit ng isang kaklase, agad na napatingin si Sehun.

Hindi nga siya nagkakamali si Minzy nga iyon. Yung taong mahal niya at yung taong sobra niyang namiss.

Pero may nagbago sa kanya.

Tahimik na umupo si Minzy sa dati niyang pwesto.

Se: Minzy..

Min: Huh? Bakit sehun?

Nagulat si Sehun, hindi na siya tinatawag na tol ni Minzy, at mahinhin na rin ang boses nito.

Se: Ba't ganyan suot mo?

Kunot noong tanong ko.

Min: New style.

-sehun-

Maikling sambit niya marami pa sana akong itatanong. Pero dumating yung teacher namin, andaming nagbago sa kanya.

Pati sakin nagbago siya.

Since that day, Sinubukan ko siyang tanungin pero madami siyang excuses at pilit na tinatago ang lahat.

Lalo akong mababaliw, nandiyan nga siya pero parang hindi niya gustong makita ako.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok.

-3rd Person.

Mag gagabi na nung araw na iyon.
Sinusundan ni Sehun si Minzy.

Yup. Sinusundan.

E pagabi na baka mapano pa si Minzy.

Habang naglalakad napadaan si Minzy sa eskinita, may mag nagiinoman roon.

At pinipilit siyang uminom

Min: Hindi nga ako umiinom!

Guy: Aba palaban ah!

Min: Bitiwan mo kamay ko!

Agad na naalarma si Sehun at agad na sinuntok ang lalaking nakahawak sa kamay niya. Hanggang sumugod ang apat na kasamahan nito.

Buti nalamang at malakas si Sehun at napatumba lahat sila.

Doon na tuluyang tumulo ang luhang matagal na pinipigilan ng dalaga.

Se: Hey, stop crying.

Sambit ni sehun at niyakap ng mahigpit si minzy.

Humiwalay sa yakap si Minzy,

Min: Aalis na ko may gagawin p-pa ako.

Hindi binitawan ni Sehun ang kamay niya.

Se: Huwag kang gumawa ng paraan para tumakas, sabihin mo ang totoo. Ano bang nangyayari sayo?

Min: W-wala

Se: WALA? MINZY! HALOS MABALIW AKO NG HINDI KITA MAKITA NG ISANG LINGGO! MISS NA MISS KITA! PERO KAHIT NA BUMALIK KA NAMIMISS PA RIN KITA! ALAM MO BA KUNG BAKIT? KASI NILALAYUAN MO KO! ANO BANG NANGYARI? BAT NAGKAGANTO TAYO?! MAG BESTFRIEND TAYO DI BA.

Lalong naiyak ang dalaga,

Min: YUN  NA NGA EH! MAGBESTFRIEND LANG TAYO! SEHUN MAHAL KITA HIGIT SA BESTFRIEND! KAYA AKO NAGBAGO PARA SAYO! KASI GUSTO KONG MAGUSTUHAN MO KO! SE---

Hindi na natuloy ni Minzy ang sasabihin niya ng halikan siya ni Sehun.

It was sweet and passionate.

Then they broke the kiss.

Se: Shut up. I love you, just the way you are.

Min: Sehun, T.T

Yumakap na lang uli si Min sa kanyang more than bestfriend.

After that, Sehun courted minzy,  pero hindi lang si Minzy pati magulang nito. Agad naman siyang pinayagan ng magulang ni Minzy since kilala na nila si Sehun.

Pero ang pinaghihirapan niyang makuha ang OO ni minzy.

Se: Hindi mo pa ko sasagutin?

Min: No

Se: Bakit?

Min: Kase no.

Se: Okay lang, dahil hindi kita titigilan hangga't hindi ka nagiging akin. Pero pag akin ka na wala ng pwedeng mang agaw sayo.

Sehun smirked.

Habang si Minzy natatawa na lang.

-
END
-

A/N: Dedicated to:

@mayhencute

Nagustuhan niyo? T.T FEEDBACK PLEASEEU.

2NEXO SCENARIOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon