Requested: Suho x Bom

233 11 11
                                    

           Si Suho ay matagal ng hanga o may gusto kay Chaerin, ngunit ang dalaga ay girlfriend ng kanyang kaibigan na si Kris.

Pero kahit alam niya ito, sinubukan niyang magtapat rito, ngunit isang napakalaking kutsilyo ang sumaksak sa puso niya nang mareject siya rito.

At ngayon stress ang lolo niyo.

Kasalukuyang nakaupo sa swing si Suho ng tabihan siya ni Bom, ang bestfriend naman ni Chaerin.

"Lalim ng baba mo ah." Sambit ng dalaga kaya napatingin si Suho sa kanya.

"Ikaw pala." Sambit ni Suho.

"Baka maging kamukha mo na si Kris niyan." Pangaasar ng dalaga.

Kung pwede lang .. Sa isip ni Suho, kung ba magkamukha sila ni Kris siya na ang pipiliin ni Chaerin?

"Huwag mo ng masyadong dibdibin, wala ka nun." Kumunot ang noo ni Suho sa sinabi ni Bom.

"Alam ko na, sasamahan kita ngayon araw. Kalimutan mo muna ang lahat. Magpapakasaya tayo." Nakangiting sambit ng dalaga.

"Huwag ka nga, balita ko naospital ka. Kailan ka ba lumabas?" Ngumuso ang dalaga.

"Ayos na ako oy. Malakas to'. Tara na kasi! Kesa ang emo mo dito!!" Sambit ng dalaga at hinila ang binata.

Pumunta ang dalawa sa EK.

Doon sumakay sila ng mga rides, una nilang sinakyan ang roller coaster, nung una ay ayaw pang sumakay ni Bom dahil nakakatakot.

Ngunit nang magumpisa na ang ride sigaw ni Suho ang una mong maririnig.

"A.YO.KO.NAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"

"WOOOOOOOOOH! WALA KA PALA SUHO EH! HAHAHAHAHAHAH YEAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH." Pagkatapos ng ride ay halos mahimatay na ang binata para siyang nalantang dahon.

"Oh, anong sunod Suho?" Umiling ang binata, sa isip niya ay nakalimutan nga niya ang lungkot pero halos mamatay naman siya sa takot.

"Sige ha, ako mamimili." Ngumiti ang dalaga, sa tingin ng binata ay kakaiba ang ngiting iyon.

Sumakay sila ng ibat ibang rides na kung saan naging dahilan ng pagkaalis ng boses ni Suho.

Hanggang sa sumakay sila ng bangka, at ngayo'y sa carosel.

"Ang liit ng kabayo mo oh! Hahahaha." Tawa ng dalaga.

"Mukhang bading yang iyo." Sabay pigil ng tawa ni Suho.

Napanguso na lang ang dalaga, masayang namasyal ang dalawa at nagasaran.

Papadilim na ng maisipan nilang salubungin ang gabi sa taas ng ferris wheel.

"Ang ganda ng sunsettt." Masayang sambit ni Bom.

"Oo nga." Nakangiting turan ng binata.

"'Yan dapat lagi kang ganyan, nakangiti. Alam mo marami pang babae diyan. Iwan ka man o ireject ka ngayon may mahahanap ka pang ibang magpapangiti sayo." Hindi inalis ng dalaga ang ngiti sa kanyang labi.

"Salamat Bom."

"Suho, huwag mong pababayaan mga kaibigan natin ah?" Tila ibang pahiwatig ni Bom, tila ba namamaalam ito.

"Anong---" Hindi natuloy ni Suho ang sasabihin niya.

"Suho, pikit ka. Please?" Sambit ng dalaga, wala ng nagawa si Suho kung hindi pumikit.

Naramdaman ni Suho na hinalikan siya ng dalaga sa pisngi. Pagmulat niya ay wala na ang dalaga sa harapan niya sakto namang nasa baba na ang sinasakyan nila.

Pagbaba niya ay may narinig siyang bata at isang babae.

"Ate, di ba siya yung baliw na manong? Yung kinakausap ang hangin?" Turan ng bata.

"Ay naku, baka marinig ka tara na nga." Isang malaking 'Ano' ang nasa isip ng binata nang biglang magring ang kanyang cellphone.

"Hello?"

"Suho, bakit hindi ka dumalaw?! Bakit hindi ka pumunta dito?!" Iyak ni Chaerin sa kabilang linya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala na si Bom! Iniwan na niya tayo!!" Tila ba nabuhusan ng malamig na tubig ang binata...

Anong... ibig sabihin.....

Walang nagawa ang binata kung hindi maiyak sa narinig.

--------

♥Requested♥

Special Scene

Thanks for reading!

2NEXO SCENARIOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon