D.O ♡ Paula: Chef love

530 19 11
                                    

Paula's POV

Pagpasok ko palang ng gate ng school, dinig na dinig mo na ang usapan ng mga tao. Lalo na ang tungkol sa lalaking iyon.

Kilala niyo ba si Do Kyungsoo? Siya lang naman ang Pinaka magaling na estudyante ng Culinary department.

Minsan nga naasar na ako, dahil lagi na lang akong pangalawa sa kanya.

Sikat na nga siya bilang kpop pati dito sikat siya. Nakakairita hindi na napapansin ang katulad kong simple at hindi sikat.

Pagpasok ko ng classroom punong-puno nanaman ng mga regalo gaking sa fans niya ang room.

"Ah, pwedeng pakidala to' sa locker ko? Kailangan ako ni prof. Eh." Sambit niya aba. May alalay pa?!

Agad akong pumunta sa station ko.
At naghalo ng dough gagawa ako ng cookies.

Hinalo ko lang hinalo.

"Oy? Ba't ganyan ka maghalo?" Nabigla ako ng nasa harapan ko na pala si Do Kyungsoo.

"Ha?!" Tanong ko na padabog.

"Halos itapon mo na lahat ng dough sa bowl oh! Marunong ka ba talaga niyan? " tanong niya.

"Oo naman! Kaya pa kitang talunin!" Sigaw ko.

Natawa naman siya, "Sabi mo eh." Sambit niya at pumunta sa station niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Okay class sa isang linggo. At ilalaban natin ay sina Kyungsoo at Paula." Sabi ni prof. Nanlaki ang mata ko.

"Pero.. Sir! Mas magaling naman ako kay Paula!"

"Ano yun sir?! Partner sila ni D.O?!"

"Hindi ako payag!"

"Huwag na kayong kumontra at isa pa hindi ako namili ng ipapartner kay D.O siya mismo namili. Okay class dimiss." Sambit ni Sir. Hindi parin ako makagalaw sa kinauupuan ko.

"Oh, paano ba yan stuck ka sakin." Sambit niya at ngumiti ng nakakaloko, pagkatapos ay pinitik pa ang noo ko tsaka na rin siya umalis.

Nyeta...

"Lagot ka samin." Bulong ng kaklase kong babae habang padaan siya.

Anong ibig sabihin nun?

Kinabukasan.

Maaga ang pumasok e sabi ni DO KYUNGSOO maaga daw. Ayaw daw niya ng tamad at late. Para naman daw mabilis ang paggawa namin ng recipe.

Pagpasok ko ng gate agad akong sinalubong ng tatlong babae.

"This bitch! Hindi ka karapat-dapat para maging partner ni D.O sa contest!"

"Oo nga pathetic ka!

"Kadiri ka!"

Hindi ko na lang sila pinansin at nilagpasan pero nagulat ako ng may magbato sakin ng itlog.

"HAHAHAHA"

"ANO? MASARAP BA?"

"BUTI NGA HAHAHA." Tawa lang ng tawa ang nasa paligid ko samantalang ako halos maiyak na.

Biglang nanlambot ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako.

"Guys, hindi masarap ang Human cookie kung walang harina!" Pagkasigaw nung babae nun harina naman ang binuhos nila sakin.

Doon nagsimulang tumulo ang luha ko.
Ang gusto ko lang naman mapansin ang kakayahan ko.

Maggraduate at matulungan ang pamilya ko, bakit kailangang humantong pa sa ganito? Kasalanan ko ba kung ako ang napili sa contest?
Wala naman akong ginagawang masama.

"Anong ginagawa niyo?" Sa boses na yun napatigil sila.

Kinuha kong chance yun para tumakbo papalayo, Siguro nga duwag ang pagtakbo.

Pumunta ako ng rooftop.

"HOY!! HUMANDA KAYO! BABANGON AKO!! MANANALO AKO SA CONTEST NA YON! PAPATUNAYAN KONG MAGALING AKO! WALA AKONG PAKI SA SASABIHIN NIYO! PARE-PAREHO LANG TAYO AT PANTAY-PANTAY SA MATA NG DIYOS! KAYA HUWAG KAYONG UMASTA NA MAS ANGAT KAYO! LAHAT KAYONG NAGMAMATAAS MAKIKITA NIYO! MARARANASAN NIYONG MAPUNTA SA BABA!" Sigaw ko.

Simula sa araw na to. Kahit anong mangyari, kahit may mas magaling pa sakin papatunayan ko kung anong meron ako!

"Hindi mo naman kailangang manalo para mapatunayan na kaya mo." Nagulat ako ng may magsalita.

Kilala ko ang boses na yun.

"Anong ginagawa mo dito? Nandito ka ba para pagtawanan ako?" Malamig na sambit ko.

"May nakakatawa ba sa itsura mo?" Tanong niya.

"Alam ko kasalanan mo to' eh! Bat ba kasi andaming nagkakagusto sayo?! Bat ba ang sikat mo?!" Sigaw ko.

"Kasi, napatunayan kong kaya ko kaya humahanga sila sakin." Nagulat ako sa sagot niya.

Hindi ako nagsalita.
Lumapit lang siya saakin at pinunasan ang mukha ko. "Mukhang masarap ah? " sambit niya at... at.. dinilaan ang pisngi ko!

"HOY! ANONG GINAGAWA MO?!" Sigaw ko.

"Tinitikman ka?" Patanong sambit niya.

"KADIRI KA!" Sigaw ko at sinapak siya.

"ARAY!"

---

Matapos ang paggawa ng recipe pagdating ng linggo contest na nasa kotse palang kami papuntang venue ng contest ay kabado na ko.

"Huwag kang kabahan, gawin mo lang ang best mo." Sambit ng katabi ko.

Nanlalamig na ang kamay ko.

"Paano ako hindi kakabahan?! Makikita tayo sa TV?!" Sigaw ko.

Tinakpan niya ang bibig ko.

"HUWAG KA NGANG MAINGAY! SAKIT SA TENGA!" Sigaw niya pabalik.

Nagbangayan lang kami ng nagbangayan hanggang sa makarating kami.

10 minutes bago magumpisa...

"Nandito ako okay? Basta mag enjoy ka nalang." Sambit niya.

Naluha naman ako.
"Mag back out na lang tayo hindi ko kayaaaa." Iyak ko.

"WALA NG BACK OUT TOH!" Sigaw niya.

Naman eh ㅠ^ㅠ

----
Matapos ang isang oras. Pagod at pawis. Inanunsyo na ang panalo.

At nanalo KAMI.

Halos mapatalon ako sa sobrang tuwa na payakap pa nga ako sa kanya.

"Chansing ka ah." Sambit niya.

"Hindi ah!" Sigaw ko. He glared.

"B-bakit?!" Nauutal kong tanong.

"Madaya ka nagchansing ka sakin dapat ako rin." Seryosong sambit niya

"Ano namang gag----" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong hilahin at halikan sa noo.

"Oy, Paula. Liligawan kita sa ayaw at gusto mo. Isang reklamo isang halik."

-
END

AN: SORRY KUNG NATAGALAN SARANGHAE!


2NEXO SCENARIOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon