CHAPTER ONE
NAEUN's PoV
Katatapos lang naming maglinis ng classroom at sakto namang
dumating si Taemin para sunduin na ako.
"Ma'am, tapos na po akong maglinis"
"naayos mo na ba yung mga lalagyan ng mga tingting natin?"
"opo Ma'am, maayos na po"
Pinayagan na kami ni teacher na umuwi at paglabas ko, hinihintay
na nga nya ako dun.
Si Taemin nga pala yung crush ko dati pero ngayon, boyfriend ko na.
Nung crush ko pa lang sya, lagi ko talaga syang pinapangarap ang dami
kong sinasabi sa sarili ko na kapag naging kami, ganito ang gagawin ko sa
kanya, ganito, ganyan. Pero ngayong kami na, nalaman kong ang hirap pa
lang gawin. E pano, nahihiya ako e. Saka dapat sya ang gumawa sakin
nun. Pero yung care saka time para sa kanya, nagagawa ko naman.
Ganito sya palagi, kahit sa tanghali, magkasabay pa rin kami at
laging naghihintay para sakin.
"Ano kaya kung tumambay muna tayo dun sa Plaza?" sabi nya
"Ano namang gagawin natin dun?"
"date, malamang"
"e, ano bang tawag mo dito sa ginagawa natin ngayon?"
"i mean, formal date"
"pagformal, dapat sa resto o ying pangsosy, hindi kung saan saan lang"
sabi ko
"yun ba ang gusto mo?" sabi nya pero tumingin lang ako sa kanya
"hayaan mo, sa valentines, dadalhin kita kung san mo gusto"
"d ba mayaman ka naman? bat hindi pa ngayon?"
"hindi naman ako ang mayaman, mga magulang ko lang" sabi nya
at tumango lang ako.
Nandito na nga kami ngayon sa plaza, nagdedate. Actually, mula
nung naging kami neto, ngayon lang sya nagyaya sakin na magdate
kami. One year and two months na nmain at lagi pa nga kaming
magkasama pero ngayon lang talaga nagyaya. Pagkaupo pa lang namin
ay may nagtitinda ng doughnuts dun sa gilid na may stand.
"ano bang gusto mong kainin?" sabi nya
"kahit ano basta paborito ko"
"ano ba yan"
BINABASA MO ANG
Nan niga piryohae
FanfictionThis is a true story of my Tita na friend ng mama ko. Nagustuhan ko yung istorya ng buhay nya kaya naman naizipan kong isulat kahit di ko pa sinasabi sa kanya. Well, bored kasi eh, pero iibahin ko naman yung mga pangalan ng mga characters kaya n...