SIMULA

18 1 0
                                    

Kapayapaan.

Iyan ang sinisimbolo ng karagatan na nasa aking harapan ng mga oras na iyon. Ang alon ay marahang humahampas sa dalampasigan. It was so peaceful that could mirror the fantastic creations above, from the clouds that a kid dreams to touch to the chirping birds flying above it. Kasabay niyon ay ang pag-ihip ng sariwang hanging nagpapagaan ng loob ng sinumang madampian nito.

Sa laot ay naroon ang mga mangingisdang nagsusumikap na makahuli ng isda na maibebenta sa kabilang bayan. Mayroon namang mga bata na naghahagikgikan sa aking ikaliwang bahagi.

"Trina!" marahan akong lumingon sa aking likuran nang marinig ko ang sigaw ni nanay. Nakita ko siyang may hawak na isang timba na sa pagkakaalam ko ay mga labahan ang laman at may nakapatong pang batya sa ulo nito.

Hindi na ako nagdalawang isip na tumayo sa buhanginan at tumakbo patungo sa kaniya.

"Nakauwi na ba si tatay?" tanong ko kay nanay nang makuha ko sa kaniya ang timbang puno ng basang damit.

"Hindi pa nga siya nakakauwi, ewan ko ba dyan sa tatay mo. May pwede naman siyang pagkakitaan dito sa atin pero sa kabilang bayan pa siya nagtatrabaho." I am used to hear that response to her. Palagi na lang kasing ganoon ang sagot niya sakin kapag binabato ko siya ng tanong na gaya ng naisabi ko ngayon lang.

Sa halip kasi na mangisda ay napili ni tatay na maging marble carver doon sa kabilang bayan. Para kasi sa kaniya ay mas malaki amg kaniyang malilikom na pera para panustos sa pang araw-araw naming pangangailangan kapag doon siya nagtatrabaho sa planta ng mga Castierre. Bumabalik lang siya dito sa amin tuwing Sabado ng hapon ngunit aalis din siya kaagad sa madaling araw ng lunes.

Ngunit kahit ganoon man ang palaging nangyayari, hindi ko pa rin magawang magtampo sa kaniya. He's still my father afterall. Besides, ang bawat araw ng kaniyang pag-uwi ang pinakamasayang araw sa akin kasi doon siya bumabawi sa amin ni nanay.

Malayo pa lang iyan ay isisigaw na niyan ang pangalan ko at sa sandaling makalabas ako ng bahay ay makikita ko siyang may dalang isang supot ng tinapay o di kaya'y karne ng baboy.

Pagsapit naman ng gabi ay mamamangka kami kapag hindi masama ang panahon. Tangay ni tatay ang gitara na hiniram sa aming kapitbahay at kakantahan kami ng kundiman sa gitna ng karagatan.

NAGISING ako bandang alas sais ng gabi dahil sa malakas na kulog at kidlat na nagpapaliwanag sa madilim na kalangitan. Napabalikwas ako ng bangon at nakita ko si nanay na nagsisindi ng kandila. May mga nakalatag na ring batya at timba sa aming sahig na nagsisilbing pangsalo sa mga tubig ulan na nakakalusot sa bubungan naming yari sa pawid.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong kabahayan ngunit nagresulta lamang iyon sa pagkurba paibaba ng aking mga labi.

"Mukhang hindi makakauwi ang tatay mo, Trina. May bagyo raw kasing paparating mamayang gabi at sigurado akong malakas ang ulan doon sa kabilang bayan," sambit ni nanay nang mapansing sinusuyod ko nang tingin ang buong kabahayan, ang kalungkutan ay mababakas sa kaniyang tinig. If my father can't make it here tonight, ito ang unang gabi ng Sabado na hindi namin siya makakasama.

Biglang umihip ang malakas na hangin at napahalukipkip ako sa lamig. Mga ilang sandali pa ay kumidlat at kaagad kong tinakpan ang aking mga tainga dahil alam kong malakas na kulog ang hahangga sa aking pandinig.

"Mayroon po ba siyang matutuluyan doon?" I'm worried to my father's situation if ever na wala siyang matutuluyan doon pansamantala. I can imagine that he's hugging himself right now habang nanginginig sa ilalim ng ulan patungo sa bahay namin. Thinking that my father suffering those broke my chest. Hindi ko kaya!

"Mayroon naman daw, malaki naman ang hacienda ng mga Castierre. Paniguradong may mga kubo doon na matitibay ang pagkakayari na pwede niyang masisilungan," my mother responded.

I slowly nodded. But my mother's answer doesn't lessen the uneasiness in me.

Maya-maya pa ay nagulantang kami ni nanay ng may sunod-sunod na katok kaming narinig sa aming pintuan. Pagbukas ni nanay ng pinto ay iniluwa nito si tatay na basang basa sa ulan.

"Tay!" sigaw ko at agarang nilapitan siya upang yakapin ngunit nag-iba siya ng direksiyon.

Panay ang kaniyang pagkamot sa ulo at ang bayolenteng paghilamos niya sa mukha. Balisang-balisa si tatay sa hindi naming alam na dahilan.

"May problema ba, Karlito? Bakit parang balisang balisa ka?" my mother brought out while helping my father sa pagpupunas ng basang katawan.

"Luluwas tayo ng Romblon."

My father said hoarsely. Bakit? Bakit aalis kami ng Romblon? May problema ba? Naguguluhan akong nakatayo sa may bandang pintuan habang pinagmamasdan silang dalawa. Muling napahilamos sa kaniyang mukha si tatay.

"Sandali lang Karlito! Hindi ko maintindihan kong bakit ganiyan ang mga sinasabi mo. Ano bang nangyari?"

" May nakawang naganap sa mansiyon ng mga Castierre at isa ako sa mga napagbintangan!"
The reality slap us hard that time, enough to wake us up that in this world kapag mahirap ka napakadaling ibintang sa iyo ang mga paratang na hindi mo naman talaga magagawa. I know my dad, he's not capable of doing such thing. In fact he always tell me not to get someone's belonging, mas maigi pang maghirap kaysa kumuha ng mga bagay na hindi mo naman pagmamay-ari. "Ang pagnanakaw ay kasalanan, ang pagiging mahirap ay hindi" minsan ay naisambit sa akin ni tatay.

"P-paano tayo makakaalis? Wala tayong pera Karlito!" mom yelled to him.

" May bangka tayo, pagtitiisan ko ang magsagwan makaalis lang tayo rito!" marahan niyang inilipat sa akin ang kaniyang tingin. " Ayokong makuha nila ang anak ko."

The coldness of the air creped on me. Lumapit sa akin si tatay habang lumuluha. Niyakap niya ako nang napakahigpit at pagkatapos ng ilang segundo ay bumitaw na rin siya. " Mag-impake na tayo."

Hindi na kami nag-atubili pang sumunod. Kaagad na kinuha ni nanay ang may kalakihang sako upang paglagyan ng mga damit namin. Ang ulan ay patuloy pa ring bumubuhos, bagay na bumabagabag kay tatay, even on us. Paano kami makakaalis kung ngayon ang landfall ng bagyo?

Opposing the SurgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon