Endless Faith

5 1 0
                                    

“Magandang araw po, Sister Astrid” bati ng mga batang nakakasalubong ko.

“Magandang araw rin sa inyo, mga bata. Mamaya na kayo magsipaglaro at mag almusal muna kayo.” ngumiti naman sila sabay tango.

Parating na kasi ako doon sa may simbahan. Isa na akong ganap na madre, hindi mapagsidlan ang nadaramang tuwa sa katotohanang mapaglilingkuran ko na ang Panginoon.

“Sister Astrid, nandito ka na pala. Pupunta tayo sa kabilang kumbento, mag aalay tayo ng mga pagkain.” paalala ni Sister Reema.

-

Narito na kami sa may kumbento — ang saya saya ko tuwing nakikitang sumisilay ang ngiti sa bawat labi ng mga batang nabibigyan ng pagkain.

Isa na lamang ang natitirang stock ng pagkain na aming ibinabahagi.

“Hey, napadaan lamang ako dito. Pwede ko bang mahingi iyong natitirang pagkain? Hinihintay pa kasi namin yung ate ko, gutom na gutom na yung anak niya.” isang mestisong lalaki ang lumapit sa akin.

“Naku oo naman po. Heto po.” binigay ko ang pagkain sa kaniya, “Pakabusog po siya kamo.” sabay ngiti ko.

Ngumiti siya pabalik, “Maraming salamat.”

-

Mahigit isang linggo na ang nakalilipas simula nung nag alay kami ng pagkain sa mga tao sa labas ng kumbento. Hindi pa rin mawala sa isip ko iyong mestisong lalaki.

“Ang lalim ng iniisip mo Sister, ah. May problema ba?” pagtatanong ni Sister Seraphine, ang tinuturing naming tagapayo sa simbahan.

“Sister, noong nag alay po tayo ng pagkain, hindi ko ho makalimutan iyong mestisong lalaki..” pag amin ko sa iniisip ko ilang linggo na.

“Baka naman hindi ka mapalagay dahil natitipuhan mo siya?”

“Naku Sister hindi po. Bawal po iyan lalo na at madre tayo.” ngumiti ako sa kanya ipinapahiwatig na ayos lang ako.

-
Isang buwan na. Isang buwan na akong nagtataksil sa simbahan.

Sekreto akong nakikipagkita kay Gideon, iyong mestisong nakasalamuha ko sa kumbento.

Pasikreto kaming lumalabas tuwing Miyerkules. Ang bigat bigat sa loob, parang hindi ko kayang magtaksil sa Panginoon.

Nandito kami ngayon sa simpleng carinderia kung saan hindi masyadong kita iyong pwesto. Mahirap na, baka mamukhaan kami..

Umorder lang si Gideon ng goto habang ang akin naman ay simpleng arroz caldo lang.

“Mahal talaga kita, Astrid. Hayaan mong ipakita ko sa iyo lalo. Kaya mo bang talikuran ang simbahan kapalit ng pag sasama natin?”

Nakapag isip isip na ko, bibitawan ko na ito.

Umiling ako, “Pasensya ka na, hindi ko kayang ipagpalit ang Panginoon para sayo. Siya yung nandyan sa akin noong panahong walang wala ako at lugmok ako.” umalis na ako.

Sa bawat agos ng ulan, patak ng luha ko ay nakikisama. Masakit, pero alam kong maaalis ko din ito sa sistema ko.

-

Isang taon na ang nakalilipas, maayos na ang lahat. Ikakasal na din si Gideon kay Sister Reema. Tinalikuran ni Sister Reema ang simbahan para makapagsama sila ni Gideon, napakatapang niya, napaglaban niya ang pagmamahal nila.

Ngayon, nandito ako. Nakatayo at kasalukuyang nanonood kung paano idaraos ang kasal nila.

Alam ninyo ba ang twist sa kwentong ito? Fake license ang nakuha namin bilang madre kaya hindi talaga kami itinuring na madre. Sa madaling salita, hindi kami dumaan sa proseso kung paano nga ba talaga ang pagmamadre kaya‘t itinuring itong void ng simbahan. Kung napaglaban ko lang talaga noon at kung mas nalaman ko lang agad, hawak pa din kita.

Ngayon isa na akong licensed doctor at pumapasok ng boluntaryo sa simbahan, ipagpapatuloy ko ang pagmamadre kasabay ng pagdodoktor.

One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon