Third Person
Binabaybay ng isang lalaki ang tahimik na daan sa kalagitnaan ng madaling araw. Nais niyang magkaroon ng kaunting kapayapaan matapos ang hidwaan sa pagitan ng kaniyang kapatid.
Napatigil siya ng may makitang plaza at umupo sa isa sa mga bangko. Matapos noo'y tumingala siya't tumitig sa mga bituin. "Haay, buhay nga naman" wika niya sa kaniyang sarili
Nais kasing ibenta ng kapatid nito na ibenta ang natitirang lupain ngunit pilit siyang tumututol sapagkat ito na lamang ang pamanang natitira na galing sa kaniyang namayapang magulang. Malapit na nga silang magsagupaan mabuti't napigilan nito ni Mang Gudo, kapitbahay namin ngunit respetado sapagkat kayrami naming utang na loob dito.
"Leonardo." malambot na tinig ang kaniyang narinig mula sa kaniyang likod.
Nagtaka siya. "Paano niya nalaman ang aking pangalan gayong ngayon ko lamang siya nakita?"
Hindi siya nag-atubiling magtanong sa magandang dilag na nasa kaniyang harapan "Sino ka? Paano mo nalaman ang aking pangalan?"
Ngumiti ang dalaga na sanhi upang bumilis ang tibok ng kaniyang puso "Ako si Starlight. Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman ang iyong pangalan."
-
LeonardoLumipas ang mga araw, lagi akong pumupunta sa parke tuwing madaling araw upang hintayin ang pagbabalik ni Starlight.
Parang iba ang dating niya sa'kin, Noo'y halos masuka ako tuwing naririnig ko ang "love at first sight" ngayo'y nararamdaman ko na ito.
"Pasensya ka na kung ngayon lamang ako nakabalik. Sa mga nakalipas na araw na hindi ako nagpakita'y may inasikaso lamang ako. Pasensya na." napakalambot na tinig na nais ko ng marinig.
Hindi na ako nagsayang ng oras at hinagkan ko siya ng mahigpit. Mukha siyang nagulat noong una ngunit nakabawi rin at hinagkan ako pabalik.
"Ayos lang. Ang importante bumalik ka." saad ko habang ngiting-ngiti
Nagulat na lamang ako noong bigla nya akong hinalikan sa pisngi.
Biglang bumaba ang tingin ko dahil sa pamumula ng aking pisngi. Hindi ko inaasahang gagawin niya iyon!
Napaubo siya bigla, "Pasensya ka na? nagulat ba kita? namumula ang pisngi mo, oh."
Gay thing! Hindi dapat namumula ang pisngi ko!
-
Halos araw araw ko ng nakasanayan ang pagpunta rito sa plaza upang makita ang aking minamahal. Halos tatlong buwan na kaming magkakilala at halos isang buwan ko na rin siyang nililigawan. Nais ko sanang pormal na magpakilala sa kaniyang mga magulang ngunit lagi niya itong tinatanggihan dahil daw sa isang malalim na dahilan.
Alas dos na ng madaling araw ngunit hindi pa ito sumisipot. Ngayon lamang ito nangyari ah, minsa'y alas dose pa lang nandito na siya.
Inabot na ako ng alas kwatro rito ngunit wala pa siya. Nagsisimula na akong magtaka at mag-alala. Iniwan na ba niya 'ko? Hindi ko mapigilang mag isip ng masasamang bagay.
-
Ang mga araw ay naging buwan. Tatlong buwan na akong nagpapabalik balik ngunit ni anino niya'y hindi ko maaninang.
Huling pagkakataon ko nang pupunta rito at kung hindi siya sumipot. Suko na ako.
Pinaglalaruan niya lamang ba ako? Inuuto? May atraso ba ako kaya't ginagantihan ako nito? Hindi ko mapigilang mainis. Pero nakapagtataka na tuwing makakaidlil ako rito sa kakahintay parang mayroong labing dumadampi sa aking labi at nagkakaroon ng kakaibang kuryente tuwing maglalapat ito. Ngunit ipinagsasawalang bahala ko na lamang ito baka guni guni o panaginip lamang.
-
Alas tres na ng mapagpasyahan kong tumayo upang umuwi. Paalam...
Papalayo pa lamang ako sa aking inuupuan ng may humila sa aking mga braso. Napatingala ako, "Starlight?" tanong ko habang nakakunot ang noo
"Ako nga, mahal ko. Bago ka umalis, nais kong magpaliwanag." ngumiti ito ngunit hindi ito umabot hanggang langit
Tumikhim ito, "Hindi ako tunay na tao. Ako'y isang diyosa. Sa aking pangalan pa lamang alam mo na sigurong ako ang diyosa ng mga bituin. Nagkaroon ako ng isang misyon at nasangkot ka doon. Kasama ka sa listahan ng mga mamamatay. Sabi ni ina, iparamdam ko muna sayo kung paano sumaya bago ka tuluyang bawian ng buhay. Ngunit sa nakikita ko, hindi mo deserve ang mamatay kaya't ginawan ko ng paraan upang mabuhay ka dahil ikaw ang pinakaimportanteng tao ang minahal ko. Ngunit kapalit nito'y pagkawala ng memorya mo na hindi mo ako maalala, ipapakasal din ako sa iba upang pagbayaran ang iyong buhay. Hindi mo na ako muling makikita. Pero sana tandaan mo, mahal ko na mawawala man ako sa utak mo, pero nakaukit ako diyan sa puso mo."
Hindi ako makaimik. Ginawa niya iyon para sa akin?
"Salamat.. Ngunit wala atang saysay ang buhay ko kung wala ka sa akin."
Ngumiti siya, "Huwag kang magsalita ng tapos, mahal. Pagkatiwalaan mo ako. May makikilala kang bubuo ng iyong pagkatao't magmamahal sayo."
"Ang sakit. Ang sakit sakit." tuluyan ng lumabas ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko inakalang dahil dito'y muli akong luluha. Huh..
Bigla na lamang lumiwanag ang paligid at paggising ko'y nandito na ako sa kwarto.
"Leo, gising ka na pala. Naaalala mo ba 'ko? Ako ang Kuya mo. Pasensya ka na, nagbago na ako ngayon para sa ikabubuti ng lahat. Alalang alala ako nung halos pitong buwan kang walang malay."
Huh? Pitong buwan akong walang malay?
-
Makalipas ang limang taon..
Kasal na ako ngayon kay Catalina, nakilala ko siya sa bistrong pinagtatrabahuan ko. Napakaganda niya at napakalambot ng puso niya. Parang nakilala ko na siya dati..
END.
Author : This story was written wayback 2018. I wrote this while on our way to Nueva Ecija and I finished this story for less than 30 minutes.