I am one of the students who aspires to graduate someday. Nakakapasa ako taon taon ngunit kahit anong gawin kong pagsisikap at tiyaga — hindi ko magawang makakuha ng sertipiko at medalya.Lumaki ako sa bukid na malayo sa kabihasnan, namulat lamang ako noong nakaraang taon, kung saan magkokolehiyo na ako at napagpasyahan ng magulang ko na pag aralin ako sa isang pribadong paaralan bilang iskolar.
Unbelievable, right? My parents thought I was smart enough that I could pass the entrance exam for private and luxurious school.
Nakapasok ako hindi dahil sa taglay kong talino kung hindi dahil dinaya ko ang exam. Paano? simple lang, sabihin na nating may nagbigay sa akin ng kodigo at binayaran ko lamang ito sa halagang tatlong daang piso.
Guilt and pity is running through my veins. I guess, I couldn't do anything to stop it.
-
"Ma'am Lucy, may quiz kami bukas sa archaeology, may kodigo ka ba?"
Si Ma'am Lucy ay kasa kasama namin sa bukid noon, siya rin ang tumutulong sa akin upang makapasok dito at siya ang nagbibigay sa akin ng kodigo, sapagkat alam niyang hindi ako ganoon katalino upang maipasa ang bawat pagsusulit.
Kapwa kami kapit sa patalim. We also can benefit each other.
Nasa faculty office madalas ang mga answer keys sa bawat exams, mahigpit ang seguridad sa labas kaya paniguradong walang estudyante ang makakapasok ng walang pahintulot.
-
The person who got the highest score is Vivian Roxas with a score of 97/100. You really burned the midnight oil, honey. Congratulations.
Napangiti na lamang ako ng pilit, kailan ko kaya makukuha ang markang ito ng walang daya?
"Uy, Vivian, hindi mo ako pinakopya, ang daya mo!"
"Libre naman dyan!"
"Solid Viv!"
Napangiti na lamang ako sa mga compliments nila, kung alam niyo lang..
-
The situations after that day are the same. Papasok sa eskuwelahan, magkukunwaring nakikinig sa guro, kakain, manghihingi ng kodigo sa tuwing may pagsusulit, matutulog.
Dalawang buwan na lang ay magtatapos na ako sa kolehiyo, running for dean's lister.
"Ang galing mo, hindi na ako makikipagpaligsahan sayo." napatingin ako sa isang mahinhing boses na nagsalita sa gilid ko.
She's Angel Borromeo, also running for dean's lister. She looks kind-hearted.
Ngumiti ako, "Hindi naman kailangan ng paligsahan, basta ang mahalaga makapagtapos tayo ng kolehiyo, ituring nalang nating bonus kung makapasok tayo sa honors." ako pa talaga ang nagsabi niyan ha, ako na cheater..
Ngumiti siya pabalik, "Tama ka. Anyways, mauuna na ko, magrereview pa ako, may pagsusulit kami sa lit. See you around."
-
"Ma'am malapit na ang exam for second sem, kailangan ko na ng kodigo, kakabisaduhin ko pa yung mga nakasaad doon."
"Ganun ba? ihahatid ko na lang sa dorm mo o kaya magkita tayo sa may cafe dyan. Isang libo ang ibabayad mo sakin ha?" tumango ako, mabuti na lamang may apat na libong allowance ang mga estudyante dito buwan buwan.
Napatigil kami pareho noong may kumalampag, "May tao ba dyan?" sabay kaming napahinga ng maluwag ng mapansing pusa lang pala iyon.
-
Pagtapak ko pa lamang sa unibersidad ay kabi kabila na ang bulungan.
"Is that the cheater? Eww."
"Baka naman peke lang iyon, hindi magagawa yan ni Vivian."
"Sabagay, si Angel the oh-so-called nerdy ang nagsumbong, baka naiinggit na talaga kay Vivian."
Napatigil ako sa pakikinig sa pagbubulungan ng tumawag si Ma'am Lucy, "Pinapatawag tayo sa dean's office." nanginginig na bulong niya.
-
"Is that true, Ms. Roxas and Mrs. Valerio?" tanong ni Dean Marquez na nakakunot pa din ang noo.
Matigas akong umiling, "No, Dean." tumikhim ako "She doesn't have enough proof and baka sinasabi niya lang po yan para malamangan ako." ngumisi ako, "Right, Angel?"
Umiling siya ng paulit ulit "N-no D-dean, I'm contented sa kung ano ang natatamo ko, I just heard them yesterday n-nanghihingi po ng kodigo si Vivian k-kay Ma'am Lucy."
Humalakhak naman si Ma'am Lucy, "Really, ha? Do you think sa tagal kong naninilbihan sa paaralan na ito ganyan ang iaasta ko sa mga estudyante? Gusto kong maging modelo sa kanila tapos gaganyan ako? Open your mind, Kid."
"Don't fight. We will investigate about this. You may leave."
-
Today is the very special day. I am graduating as a deans lister. I'm happy but guiltiness is forever in my heart. Napagtakpan ang issue na iyon dahil walang sapat na pruweba na nandadaya ako. Pagkatapos din no'n, naging mas maingat na kami ni Ma'am Lucy tuwing magkikita kami.
"Now. May we call on the PUPA's 2020th dean's lister, Ms. Vivian Roxas."
The people loudly applauded as I step on the stage wearing my genuinest smile. This is it!
Before I could say my speech, a video pop up on the projector. It's the convo between me and Ma'am Lucy.
I got shocked and dumbfounded. How could that happen?
I looked at my parents whose teary eyed looking at me, sorry..
I don't know what to do. I just stepped out of the stage and go to my favorite place.
The quotes are really true, "Walang sikreto ang hindi mabubunyag."
-
After that incident, ipinatawag ako kasama ang mga magulang ko.
I explained all to them. After how many months of hiding, here I am revealing the truth.
Sobrang nagalit si dean. Hindi daw niya inaakalang ganoon karahas ang ugali ko.
Imbes na gumraduate ako, sinuspend ako. Diploma na 'yon eh! Naging bato pa..