PROLOGUE

4 0 0
                                    

"A—Aray!" Napahawak ako sa tiyan ko nang bigla itong kumirot. Ang sakit!"Ah!" Napasigaw nalang ako nang maramdamang mas lalo pa itong sumakit.

Hindi pwede. Hindi pa 'to ang tamang oras. Pero...

"A—Aray! Ah!"Kahit hirap na hirap na ako, pinilit ko pa rin na lumakad para kunin ang shoulder bag na nasa kwarto ko. Nang makuha ko 'to ay binilisan ko na nang kunti ang paglalakad para makalabas ako sa tinitirhan kong apartment at agad naghanap ng taxi. Salamat sa Diyos at may dumating naman agad.Pinara ko ito at tumigil agad ito sa harap ko. Mukhang nakita ng taxi driver ang kalagayan ko kaya lumabas ito sa sasakyan at inaalayan ako na makapasok sa backseat."K—Kuya, s—sa malapit po na h—hospital. P—Pakibilisan po!" Napasigaw ulit ako dahil sumakit ang tiyan ko lalo."Sige, ma'am. Maghulos-dili lang po kayo kasi baka kung ano pa ang mangyari sayo, ma'am," nag-alalang sagot ng taxi driver at pinaandar na nito ang sasakyan.Pawis na pawis na ako. Hindi ko kaya ang sakit. Para akong nahahati sa dalawa dahil doon.

God, please guide me. Sana okay lang ang anak ko...

Ilang minuto pa ang lumipas at tumigil na ang taxi sa harap ng isang maliit na hospital. Agad lumabas ang taxi driver sa sasakyan at lumiko ito sa backseat at pinagbuksan ako. Binuhat niya ako at agad na pumasok sa hospital. Salamat sa Diyos dahil inaalalayan agad kami ng mga nurse pagkapasok."K—Kuya, s—salamat po." Kahit hirap akong magsalita ay sinabi ko pa rin iyon sa taxi driver. Hindi ko alam ang gagawin ko kung ako lang mag-isa. Nakalimutan ko na ngang magbayad ng pamasahi.Agad akong dinala sa delivery room at pinahiga sa hospital bed doon. May mga umaalalay na sa aking nurse at agad naghanda ng mga kagamitan para sa panganganak ko."Okay, ma'am. Push!""Uhhh!" Humingal ako nang malalim at humugot ng lakas para mailabas ko na ang anak ko agad-agad."I can see now the head. One more push, ma'am," sabi nito at 'yon nga ang ginawa ko. Para akong mahimatay at naubos na ang lahat ng lakas ko sa huling iri ko.Maya-maya pa ay nakarinig ako ng iyak ng bata. Napaiyak na lang ako at hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nararamdaman."Congratulations, ma'am! Lalaki po ang anak niyo!" sabi ng nagpapaanak sa akin.Kahit gusto ng pumikit ng mga mata ko dahil sa pagod ay pinilit ko pa rin na buksan 'yon para makita ang anak ko. Pinahiga ito sa dibdib ko. Umiiyak pa rin ito."A—Anak." Hinaplos ko ang malambot nitong mukha.

He's so cute.

Nakita kong unti-unting bumuka ang mga mata nito...Parang huminto ang mundo ko nang makita ko ang mga mata niya.

B-Bakit...

Tricked LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon