CHAPTER 1

3 0 0
                                    

"JADE, DOON ka sa table 7," sabi ng Tita Verna niya. "Asikasuhin mo 'yong bago nating kliyente. Be nice, okay? 'Wag kang maging OA at baka mawalan pa tayo ng malaking halaga ng pera." Nagbibilang ito ng tig-lilibong piso ng pera.

"O—Opo, Tita." Napayuko siya saglit at agad pinuntahan ang table 7 na sinabi nito. Nang makita niya kung sino ang nasa table na 'yon ay parang gusto niyang bumalik ulit. Sino ba namang hindi maaasiwa kung ang naghihintay sayo at ang iti-table mo ay isang matabang matandang amerikano at kalbo pa. Mahihiya ang kuto na dumapo sa ulo nito.

Napatingin siya pabalik sa pinanggalingan niya at nakita niya ang isa niyang kaibigan na si Laine na nakatingin din sa deriksyon niya. Nakita ng kaibigan niya na mukhang nag-aalinlangan siya kaya tinanguan lang siya nito na parang sinasabi na okay lang at kaya niya ito.

Napabuntonghininga na lang siya at dumiretso na sa paglalakad papunta sa table 7. Nang makita siya ng matanda na nando'n ay ngumisi ito at para bang isang lion na natatakam sa hinandang pagkain sa harapan nito.

Wala na siyang magagawa pa kung 'di ay umupo na sa tabi nito nang nasa tapat na siya nito. May distansya pa ang upo niya kasi hindi niya kayang umupo nang malapit sa matanda. Ewan ba niya pero sa tinagal-tagal na niya na nagtatrabaho sa Clique's Club ay hindi pa rin siya nasasanay sa mga ginagawa niya rito. Naaasiwa pa rin siya sa mga lantarang pagpapakita sa kanya ng mga malalaswang bagay rito. Isa't kalahating taon na siyang nagtatrabaho rito bilang taga-entertain ng mga kliyente nila sa Club. Wala na siyang iba pang mahanap na trabaho kung 'di ito lang kasi hanggang High School lang ang kanyang natapos sa pag-aaral dahil sa hirap ng kan'yang buhay. Sa murang edad ay naranasan na niyang kumayod sa buhay. Sa edad na anim na taon, namamasukan siya bilang isang katulong sa taong nakakita sa kanya sa gilid ng kalye at kumupkop sa kan'ya.

Malaking pasasalamat niya kasi may maayos na siyang matitirhan pero 'yon ang akala niya. Sa una lang pala mabait ang mga 'to. Habang tumatagal, inaabuso na siya ng mga 'to. Sinasaktan, pinapalo, sinasakal at iba pang gawain na hindi niya lubos maisip na mangyayari sa kan'ya. Kaya noong hindi na siya makatiis ay naglayas siya. Balik sa rati na ginagawa niya. Nangangalakal at humihiga na lang sa gilid ng kalsada para may matutulugan. Nagmamalimos ng pera at pagkain. Naranasan na niyang hindi kumain sa loob ng isang araw, pero laking pasalamat na rin niya at may tubig naman siyang nakikita kahit hindi niya alam kung madumi ba ito o hindi.

Kaya isang araw, nagulat na lang siya nang nilapitan siya ng isang babae. Ito ang manager niya ngayon sa Club na si Verna. Kinupkop siya nito at binihisan ng maayos na damit. Pinakain ng mga masasarap na pagkain at pinalaki. Hanggang sa naglabing-walong taong gulang na siya, pinapasok siya nito sa Clique's Club at doon na nagtatrabaho. Malapit na siyang magda-dalawampong taon at nandito pa rin siya.

"Hi, dear. You're so beautiful." Nabigla na lang si Jade nang nasa malapit na pala 'yong matabang kliyente nila at hinihimas na ang nakalantad niyang hita.

Agad siyang napalayo dito, "I-I'm sorry, Sir but you can't lay a finger on me. No touching allowed." Totoo 'yon. Nasa kontrata nila ng Tita Verna niya na hindi siya hahawakan ng mga kliyente nito. Kahit hindi na siya minor de edad ay bata pa rin siya at hindi pa kaya ang gawaing 'yon. Ang trabaho niya lang ay ang makipag-usap dito. Ie-entertain ang mga kliyente.

"But I paid for you to have sex with me tonight. I bought you for tonight," sabi nito.

Nangilabot naman siya nang marinig niya ang salitang 'sex' sa mga sinabi nito.

Anak ng...

Tatayo na sana siya para makawala dito nang hinigit nito ang palapulsuhan niya.

"Where are you going? I told your manager to have you for a night and I paid her double for you to have sex with me," sabi ng matanda.

Umusbong ang galit niya sa sinabi ng matanda.

Tricked LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon