Love... is a very strange thing. It can make you happy. It can hurt you.
Some people search for it.
Some people are afraid of it.
Some hunger for it.
Some...avoid it.
I don't care about love.
Because-I provide it. In exchange, I got money, ladies and time. It's fun.
Love is for the needy... and I don't need it.
Because-I provide it. I am here to give my time to those who need someone to be in their side.
Isa akong hosto.
Ako si Tatsuhiro Roman. Kilala sa affectionate name na binigay sa akin ng clients ko as Tatsu-kun. Japanese-Filipino. Bleached hair. Asian pero hindi ako singkit. Almond eyes. Medyo moreno, 5'10. mapula ang labi. Ang itsura ko ang kinahuhumalingan ng mga babae. Oo, I am describing myself to you dahil nasa harap ako ng side mirror ng minamaneho kong red ferrari. Hindi nagsisinungaling ang salamin. Sa madaling salita, gwapo ako-At alam ko 'yon. Dahil na rin sa pisikal kong anyo, binansagan na akong, The Love King.
Ironic, isn't it? Though, I believe this is partly true. After all, I manipulate everything through love.
Nakuha ko ang bansag na "The Love King" dahil ako ang top 1 sa rango ng mga hosto sa Cube Club. Oo, isa akong Hosto na naninirahan sa Tokyo. Pero kaklaruhin ko lang na hindi "Sex-for-money" ang trabaho ko. Hindi ako prostitute. Hindi naman nangungumpara pero may class kaming mga hosto. Iba kami dahil trabaho namin ang makipagrelasyon. At isa sa mga pinagbabawal ay ang dalhin ang love and lust sa labas ng trabaho. Trabaho namin ang magpahiram ng oras namin sa mga babaeng nangangailangan ng "Love and company" sa loob ng club. Pinagkakakitaan namin ito. Ito ang nagbibigay sa amin ng pera, magagarang sapatos, bagong suits, singsing, kwintas, at kahit brand new car ay nakukuha namin dahil mahal kami ng mga babaeng- nangangailangan ng sinasabi nilang... Love.
Trabaho lang ang love para sa akin. Hindi ito pinapairal sa puso. Huwag na tayong maglokohan. Ang mga taong nakakaranas lang ng love ay natatalo sa bandang huli. Top 1 Host ako, hindi pwedeng love lang ang magpapatumba sa akin... Hindi ako hater. Actually, I love "love". I just love in a practical sense.
I parked my car and walked towards the Cube Club kung saan ako nagtatrabaho. Tinignan ko ang relo ko. 8:30PM. I remember, this classic gold watch ay regalo sa akin ng isang Japanese celebrity na madalas na pumupunta sa club para bayaran ang oras ko. Ayos na ako mula buhok hanggang kintab ng sapatos. Pumasok akong suot ang pride sa sarili, binati ng mga kapwa ko hosto at ng manager, at nginitian ang mga babaeng naghihintay sa akin...
Nadama ko na agad ang pagkakaiba ng club mula sa labas. Tumutunog ang alluring saxophone as background music. Makulimlim ang lugar na may spotlights. Amoy lavender ang aroma ng paligid. Kasabay nito ang amoy ng wine, whiskey at iba't ibang alak. Naglalakad ako sa zebra print na carpet at mga kumikinang sa glass walls. Ito ang buhay ko. Ito ang buhay na ginusto ko. Isinuot ko ang trademark kong "naughty-smile" na kailangang makita ng mga babaeng nandito sa club ngayon. Maguumpisa na ang oras ng trabaho...
The Love King is here.
Let's begin...
Author's Note:
Hello! I'll just post the opening/prologue here! This is a new story at ngayon ko lang po susubukan ang genre na ito. Nagsimula sa biruan at bintang na nagho-hosto daw ako sa Japan kaya nabuo ang kwentong ito. Pero maniwala ka, isa po akong manga artist! Lahat ng impormasyong aking nakalap ay galing sa isang tunay na hosto na nakilala at naging kabarkada ko sa Tokyo nang gumawa ako ng logo design para sa club nila. Sinulat ko lang ang prologue na ito kasi baka umpisahan ko ito kapag naka 8-10 chapters na ako sa 23:57. Magiging mature (with comedic parts) ang theme ng story na ito kaya pasintabi po sa mga 16 years old and below. Also, hambog ang main character na karaniwang main asset ng mga hosto sa Japan. At ire-remind ko lang po kayo na hindi po ako hosto a. Haha! ★彡
Ray oniisan
BINABASA MO ANG
LOVE KING
HumorShinjuku. Ang red-light district ng Tokyo. Itong lugar na ito ang naging kaharian ng isang Filipino-Japanese na hosto na si Tatsuhiro Roman. Top 1 siya sa ranking ng mga hosto sa Cube Club at wala pang nakakatalo sa kanya. Trabaho niya ang makipagre...