CHAPTER THIRTY (PART TWO)

26 0 0
                                    

PALABAS pa lang ako ng book shop nang may nakasalubong akong pamilyar na babae. Na-istatwa ako nang nakilala ang babae. Napansin kong nakilala niya na rin ako. Kaagad itong ngumiti sa akin at ngumiti rin ako sa kanya.

     "Cristy!" bati ko sa dalaga.

Napansin ko ring may kasama itong batang lalaki na sa tingin ko ay nasa apat o limang taong gulang.

     "Eli? Ikaw nga!" anito na halatang excited.

Sinuri ko ang dalaga at napansin kong mas naging mature ang pangangatawan nito kahit sa simpleng shirt at pants na damit nito. Naka-ponytail ang buhok nito sa brown hair colored.

     "Kumusta?" Nadako ang tingin ko sa batang lalaking nakakakapit ng mahigpit sa kanya. Nagbaba ako para pumantay sa batang lalaki. Napangiti ako ng malawak. "Hello, sweetie," malambing na sabi ko.

Mas lalong kumapit ang bata kay Cristy. Natawa si Cristy kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.

     "Pagpasensyahan mo na ang anak ko. Ganyan lang talaga siya kapag hindi niya kakilala."

Tumango ako at nginitian ang bata bago muling tumayo.

     "M-may pamilya ka na?"

May nagdaang emosyon sa mga mata ni Cristy na kaagad ring nawala.

     "Ah, oo," sagot nito sabay tingin sa anak. Marahan akong tumango at makaramdam ng kaba sa dibdib at inignora ang isang posibilidad. "Anak, Austin, meet Auntie Eli," sambit nito at may binulong sa anak.

Nagtataka ako nang lumawak ang ngiti ng bata at may pagkinang sa kanyang mga mata. Bumaling ito sa akin at ngumiti. Awtomatiko akong napangiti.

     "Hi Austin, you're cute boy," hindi ko mapigilang sabihin.

Humagikgik ang bata. Kinalaunan ay nagpaalam na sa akin ang mag-ina. Sinundan ko ang pagpasok nila sa bookshop. Napabuntong hininga ako sa hindi mapigilang naiisip. Pero kaagad ko ring iwinaksi sa isip. Mas gusto kong manggaling ang lahat kay Estefan.


***


NASA isang grocery store ako nang mapansin ko ang isang matandang ginang na mukhang nahihirapan sa sarili. Nang nakalapit na ako ay sakto namang bumuway sa pagkatayo ang ginang. Kaagad ko itong nasalo. Naagaw rin namin ang atensyon ng ilang namimili. Ang ilan ay lumapit sa amin, ang iba naman ay napatingin lang. Lumapit ang dalawang security guard para alalayan ang ginang.

     "Salamat, iha," sambit nito nang tinulungan ko siyang tumayo.

Mabait na ngumiti ito sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti rito.

      "Kumusta na po ang pakiramdam ninyo? May masakit po ba sa inyo?" magalang na tanong ko.

Umiling ito.

     "Wala naman. Sadyang napagod lang ako, iha. Salamat."

Tinanong rin ng ilang guwardiya ang kalagayan ng ginang pero katulad lang ng sinagot niya sa akin ang sinabi nito sa guwardiya. Tiningnan ko ang pambisig na relo at nakitang alas-kwatro na ng hapon. Nakaramdam na rin ako ng pagkagutom marahil ganoon rin ang nararamdaman ng ginang.

     "Ma'am, may kasama po ba kayo o hinihintay?"

Umiling ito. "Ako lang ang mag-isa ngayon, nasa trabaho pa ang mga anak ko. Masyado lang akong naburyo sa bahay kaya lumabas lang ako."

Natawa pa ito. Tumango ako.

      "Ganoon po ba? Gusto n'yo po bang ako na lang ang maghatid sa inyo pauwi?" Tiningnan ako ng ginang. "'Wag po kayong mag-alala, Ma'am. Hindi naman po ako mambubudol, promise po," ani ko sabay taas ng kaliwang kamay na parang nangangako.

The Passion of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon