CHAPTER FIVE

32 3 0
                                    

ESTEFAN MIGUEL's POV

     "Elizabeth," pagtawag ko sa kanya nang nakita ko siya sa kubo.

     "Hi, Estefan!" nakangiting bati niya sa akin.

Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita ni Elizabeth. Alam kong hindi naman kailangan pero sadyang nasanay lang ako sa presensya niya. Katatapos lang ng klase namin at dito ako dumiretso kaagad dahil ito lamang ang lugar na mas mahangin at mapresko. Malapit sa lagoon at sa garden ng school. May mga ilang estudyante rin ang nandirito. Nakita ko naman kaagad si Elizabeth sa paborito niyang pwesto sa dulo. Umupo na ako sa tapat niyang pwesto.

     "Bakit ikaw lang mag-isa?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

     "Bakit kailangan bang may kasama?" patanong niyang pabalik habang nakakrus ang kanyang braso.

Sumandal naman ako sa upuan ko. "Hindi naman. Napapansin ko kapag nakikita kita ay mag-isa ka."

Dahil totoo naman. O baka kapag nakikita ko lang siya? Kung sabagay hindi ko naman siya araw-araw nakikita kaya imposibleng wala.

Napangiti siya sa akin bago sagutin ang tanong ko. "Hindi lamang ako sanay na may ibang kasama. Siguro nasanay na ako mag-isa," kibit-balikat niyang sagot sa akin.

     "Ang mga kaklase mo?"

Tiningnan niya lamang ako.

     "Kinakausap ko. Nakikipagtawanan. Pero hanggang doon lamang 'yon. May mga kaibigan naman ako," natatawa niyang sambit.

     "Hindi ko nga lang sila kaklase at coursemate. Ang mga kaklase ko, kaibigan din siguro, acquaintance to be exact," sagot niya sa akin.

     "Ang anghang no'n ah! Sabagay, minsan kapag hindi mo naman ka-vibes ang isang tao, pakikisamahan mo na lamang kasi nasa iisang lugar lamang kayo. Ganoon siguro umiikot ang buhay."

     "Exactly! Swerte mo, kasama mo ang mga kaibigan mo," sambit niya sa akin.

Wala naman akong na-ikuwento sa kanya tungkol sa mga kaibigan ko. Paano niya nalaman?

     "Don't get me wrong, masaya ako sa mga kaklase ko, huh!" dagdag niya. Napansin niyang hindi pa ako kumikibo. "Nakita ko kayo ng mga kaibigan mo nang isang hapon."

Umiwas naman siya ng tingin sa akin. "Tatawagin sana kita kaso 'wag na lamang dahil may mga kasama ka," natatawa niyang sambit sa akin na nakaiwas pa rin ang tingin.

Napangiti naman ako. Naiintindihan ko naman siya, siguro nahihiya lamang siya. Sayang hindi ko siya nakita agad.

     "May naisip ako!" sambit niya na may kislap sa kanyang mga mata.

     "Ano?"

     "Free ba kayo sa weekend?"

Napaisip naman ako kung free ba kami. Wala naman siguro silang gagawin sa weekend sa pagkakilala ko sa kanila.

     "Oo, bakit?" pagtataka kong sagot sa kanya. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin niya sinasabi ang dahilan.

     "Great!" sambit niya na may kislap sa kanyang mga mata. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya maiintindihan.

     "Yayain mo sila. Yayayain ko rin ang mga kaibigan ko."

     "Bakit naman?"

Wala namang kaso sa akin 'yon pero nagulat lamang ako sa pag-aya niya. Nagkibit-balikat lamang siya sa akin.

     "Wala naman. Gusto ko lamang sila makilala. Gusto ka rin makilala ng mga kaibigan ko," nahihiya niyang sambit sa akin.

Kaya pala!

The Passion of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon