CHAPTER SIXTEEN

31 1 0
                                    

     "Ayos ka na ba ngayon, Mae?"

Nasa canteen kami ngayon dahil lunch break na. Totoo talagang may sakit si Mae noong nagdaang mga araw dahil ilang araw rin itong absent dahil nagkarooon ito ng lagnat at trangkaso.

     "Oo naman, Eli. Pasensya na sa cold treatment ko noong nakaraang araw," mahinhing sabi nito.

Nakakaintinding nginitian ko siya. "Ayos lang naman 'yon, at least okay ka na."

     "Akala ko nga nang una, lovenat lang eh! 'yon pala, totoong lagnat na," Si Ana na sinikuhan lang ni Mae dahil sa pagkahiya.

Nginitian ko na lamang sila at hindi na nagkomento pa. Na-gets ko naman ang sinasabi ni Ana dahil nalaman ko na rin 'yon kay Estefan.

     "Ate Ciara!" tawag ni Ana kaya napatingin din kami sa tinatawag niya.

Nasorpresa ako nag malamang iisa lang ang kilala naming 'Ciara'.

Lumapit si Ciara sa pwesto namin. "Hi, girls!"

     "Hi, ate! wala ka bang kasama? Wala si Kuya Gio?" Si Mae.

     "Wala akong kasama. May klase pa si Gio kaya solo flight ako ngayon."

     "Dito ka na lang sa seat namin, ate."

May isang pwesto pa naman kaya doon na rin umupo si Ciara.

     "Eli!" nagulat pang sabi ni Ciara nang nakita ako.

     "H-hi, Ciara!" May kasalanan pa pala ako rito dahil sa inakala ko.

     "Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ni Mae.

Binalingan ito ni Ciara na ngayon ay maganda ang ngiti. "Yeah. Dahil kay Estefan, friend siya ni Estefan eh."

      "Magkakilala rin pala kayo," ako na ang nagsimula ng conversation dahil natigilan silang lahat ng narinig nila ang pangalan ni Estefan.

Oh! Estefan!

      "Oo. Magpinsan kami ni Mae."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ciara at naglipat-lipat pa ang mga mata ko sa kanilang dalawa. "Talaga?" Kaya pala parehong mahinhin eh!

Pareho namang natawa ang mga ito. "Sa mother side kaya hindi kami parehas ng apelyido," ani Ciara.

     "Uhm, Ciara, I mean, Ate Ciara."

Natawa si Ciara sa akin dahil halatang hindi ako sanay na tawagin siyang ate.

     "It's all right, Eli. Kung saan ka komportableng tawagin ako, ayos lang sa akin."
Tapos na kaming kumain at nauna lang sa akin sina Ana kaya sabay kaming naglalakad ni Ciara.

     "Sorry," ani ko.

Ngumiti siya sa akin. "Ayos lang. Hindi naman big deal sa akin kung tawagin mo akong ate or not. Mas matanda lang naman ako sa inyo ng isang taon, just like Estefan," mabait na sabi nito sa kanya.

Ciara, sorry sa maling akala ko sa 'yo.


***


     "Excited na ako sa gagawing camping slash hiking natin!" natutuwang sabi ni Lea.

     "Ako rin, buti nga pinayagan na ako nina mama at papa, eh!" sambit ko na hindi rin talaga mapigilang ma-excite.

Si Estefan kasi ang nag-suggest na sa weekend ay mag-hiking naman kami. Iyon na lang daw ang gagawin naming exercise. Ewan ko ba kung bakit pinili ni Estefan na hiking ang gawing exercise. Although, isang klaseng exercise din 'yon.

The Passion of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon