I

844 40 10
                                    

Ngayong araw magaganap ang pinakahihintay na sandali ng nagmamahalang sina Richard at Sebastian.

Sa nakitang papalapit na anyo ni Richard, pigil ni Sebastian na kasalukuyang nakatayo malapit sa pastor ang hindi maluha sa labis na kaligayahan. Sa wakas ilang sandali mula ngayon, ikakasal na sila ng kanyang mahal.

Gaya ni Sebastian, gustong-gusto na ni Richard na takbuhin ang kinaroroonan ng mahal niyang Komandante, pero pinigil nito ang sarili, at habang naglalakad papunta sa minamahal, kita niya sa gilid ng kanyang mga mata, ang presensya rin ng mga mahal nila sa buhay ni Sebastian.

Pagkalapit ni Richard sa kinaroroonan ni Sebastian, sabay na silang humarap sa pastor, para masimulan na ang seremonyas sa kanilang pag-iisang dibdib.

"Nandirito tayo ngayon, para masaksihan and pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. Kaya naman hayaan ninyo akong simulan na ang seremonyas, sa kasalan ng mga mahal nating sina Richard Manalo at Sebastian Manlangit." simula ni Pastor Reyes sa kasalan ng dalawang nag-iibigang sundalo.

"Hindi ko alam na ang kauna-unahang pagsabak ko sa giyera noon, ang magiging dahilan pala, para magkrus ang landas namin ng unang lalaking mamahalin ko. Ngayon, hayaan mong muling magpasalamat ako Baste, sa pagligtas mo sa akin noon sa Maguindanao, tama ang narinig ninyo, imbes na ako ang masabugan ng bomba noon, akala yata ni Major Manlangit ay siya si superman at ginawa ba namang shield ang katawan niya para iligtas ako." simula ni Richard sa vow's nito.

Napangiti na lamang si Sebastian sa narinig nito sa mahal, at rinig rin nila ni Richard ang natatawang reaksyon ng mga kasama nila sa kanilang kasal.

"Iyon nga dahil sa napuruhan si Sebastian, ako ang nakasama niya hanggang sa gumaling siya, at sa panahong iyon, unti-unting nahulog ako sa kanya. At ng malaman ko na pareho kami ng nararamdaman, isa iyon sa pinakamasayang sandali ng buhay ko at kahit pa may malaking pagsubok kaming pinagdaanan, masaya ako na heto ngayon at nandito na kami at ikakasal na. Kaya naman mahal ko, isuot mo ang singsing na ito na simbolo ng pag-ibig ko at nangangako rin ako na ikaw lang hanggang sa dulo ng buhay ko." pagtatapos ni Richard at isinuot ang singsing sa palasing-singan ni Sebastian.

Matapos maisuot sa kanya ni Richard ang singsing, sinumulan na rin ni Sebastian ang kanyang vow's.

"Gaya ng sabi kanina ni Richard, ipinagpasalamat ko na nailigtas ko siya noon sa giyera sa Maguindanao, masasabi man ng iba na kabaliwan ang ginawa ko, para sa akin ay paulit-ulit kong gagawin ang kabaliwang iyon, basta ba kung kapalit noon ay magiging asawa ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Salamat mahal ko, sa pag-ibig mo, at sa paghihintay kahit pa ang tagal kong nawalay sa'yo, at bilang pangako ko sa'yo na ikaw na ang huli kong mamahalin, isuot mo ang singsing na ito, na simbolo ng ibayong pag-ibig ko na tanging sa'yo ko lang iaalay." mahabang lahad ni Sebastian sa sumpa ng pag-ibig nito kay Richard, at kasunod noon ang pagpapasuot sa singsing na hawak nito sa kaliwang palasing-singan ng mahal.

Hinayaan na maglandas ni Richard ang mga luha ng kaligayahan, na dulot ng pagmamahalan nila ni Sebastian.

Gamit ang kanyang mga kamay, maagap namang pinahiran ni Sebastian ang mga luhang iyon ni Richard.

"Sa kapangyarihang iginawad sa akin, masaya akong sabihin na kayo'y ganap ng mag-asawa. Ngayon, maaari na ninyong halikan ang isa't-isa." ngiting saad ng pastor.

Mabilis namang naglapit ang mukha nila Sebastian at Richard, at ipinadama sa unang halik nila bilang mag-asawa, ang pananabik at pagmamahal nila sa isa't-isa.

...

Matapos ang halikan ng bagong kasal, sumunod ang pagpapakuha nila ng mga litrato kasama ng mga mahal nila sa buhay.

Pag-ibig ng Sundalo Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon