II

474 28 10
                                    

Matapos ang kasal nila sa Amerika, sinulit ng mag-asawang Manlangit ang kanilang bakasyon sa pamamagitan ng pamamasyal sa iba't-ibang bansa. At ngayon nga ay nasa bansang Japan sila na huling destinasyon bago ang pagbalik nila sa Pilipinas.

"Baby tingin ka dito?" kuha ni Sebastian sa atensyon ng asawa, na abala sa paghanga sa Arashima Bamboo Grove.

Kaagad namang tumalima si Richard pagkarinig nito sa asawa, at gaya ng kanyang inaasahan, panay ang pagkuha sa kanya ng larawan ng Komandante

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaagad namang tumalima si Richard pagkarinig nito sa asawa, at gaya ng kanyang inaasahan, panay ang pagkuha sa kanya ng larawan ng Komandante.

"Hindi ka ba nagsasawang kuhanan ako?" nakangiting lumapit na si Richard sa kinatatayuan ng asawa.

"Hinding-hindi baby." maagap na sagot ni Sebastian, na kaagad hinalikan sa labi ang asawa kasabay rin ng pagkuha nito ng larawan.

Napailing na lamang si Richard na sunod na nasaksihan ang masayang mukha ng asawang Komandante, na muli'y naging abala sa pagtingin ng mga nakuhanan nitong larawan.

...

"Hans maghanda ka ng mga gamit mo, uuwi tayo ng Tagaytay bukas, darating na sila Richard." paalala ni Erick sa nobyo.

"Talaga sir?!" masayang reaskyon ni Hansel sa nalaman.

"Oo, kausap ko kanina si Baste at tutal Sabado naman kinabukasan, sa bahay nila papa na muna tayo hanggang sa Linggo."

"Hi-hindi ba nakakahiya sa mga magulang mo sir at kasama ninyo ako?" kinabahan bigla si Hansel pagkarinig nito sa plano ng nobyong sundalo.

"Hans wala kang dapat ipag-alala, alam nila papa ang relasyon natin, si mama nga palagi akong kinukulit dati pa na isama ka sa bahay." pagtitiyak ni Erick na maagap na nahuli at marahang pinisil ang isang kamay ng nobyo.

Napanatag naman kaagad si Hansel sa ginawang iyon ng nobyong sundalo at alam nitong hindi siya pababayaan ng Komandante.

...

"Babe matagal ka pa ba?" muling tanong ni Vince sa nobyong sundalo na nasa loob muli ng banyo.

"Sandali lang babe." tugon ni Lorenzo na minadali pa lalo ang pagligo, habang pigil rin ang mayamot sa makulit na Kapitan.

Gaya ng narinig nitong sagot sa kanya ng nobyo, ilang sandali na lang nga ang lumipas at tumambad na kay Vince ang anyo ng yamot na si Lorenzo.

Sa nakita ngang itsura ng nobyo, pigil ni Vince ang hindi matawa, sapagkat siya ang may kasalanan kung bakit naiinis ito ngayon.

"Subukan mong tumawa, tutuhurin talaga kita." inis na banta ni Lorenzo na batid ang pagpipigil na iyon ng Kapitan.

"Sorry na kasi babe, heto nga't tinulungan na kitang pumili ng isusuot mo." suyo kaagad ni Vince, sabay pakita ng piniling mga damit.

"Mabuti naman at alam mo ang kasalanan mo, bakit kasi hindi mapigil ang kalibugan mo, alam mo ng bihis na bihis na ako kanina ipinasubo mo pa sa akin." yamot na litanya ni Lorenzo, habang isinusuot ang mga damit na iniabot ng Kapitan.

Pag-ibig ng Sundalo Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon