III

388 21 5
                                    

Pagdating ng mag-asawang sina Richard at Sebastian sa Tagaytay, kaagad na sinalubong sila ng mahigpit na yakap ng kanya-kanya nilang mga magulang.

"Ang bunso ko." tanging salitang nabigkas ni Aurora, na kaagad naging emosyonal habang yakap parin nito ang anak.

"Ma, nasa tapat lang naman ang bahay namin ni Baste." alo kaagad ni Richard sa ina.

"Oo nga naman mahal, mabuti pa'y pumasok na tayo sa loob, alam kong gusto ng matikman ng bunso natin ang mga luto mo." sali ng Heneral na kaagad nakaisip ng paraan, para tumahan na ang kabiyak.

"Mabuti pa nga, Baste anak alagaan mo itong bunso ko at 'wag mong gugutomin, kundi kukuhanin ko ulit siya sa iyo." sang-ayon ni Aurora sa asawa at sunod itong bumaling sa manugang.

Pigil ni Richard ang sarili na hindi matawa matapos makita ang takot sa mukha ng asawa, dulot nga nang mga narinig nito sa ina.

"Pangako ma, aalagaan at bubusugin ko hindi lang ng pagmamahal ang baby ko." tugon ni Baste nang makabawi ito sa kaba.

"Hanep nang sagot mo, ah bayaw." asar ni Erick sa kapwa Komandante.

At matapos ang kantyaw na iyon ng panganay ng Heneral, pumasok na ang lahat para pagsaluhan ang masarap na tanghalian sa araw na iyon.

...

"Salamat Renz, Hans, Ariel, tito, tita, mga kuya, mom, ma, dad at pa, sobrang suwerte namin ni Baste at nagkaroon kami ng mga mahal sa buhay na alam namin laging nandyan na nagmamahal at sumusuporta sa amin." emosyonal at isa-isang pasasalamat ni Richard sa mga kasama nila ngayon ng asawa, matapos na ibless ng pari ang kanilang bagong two storey house na ipinangalan pa sa kanya ng Komandante.

" emosyonal at isa-isang pasasalamat ni Richard sa mga kasama nila ngayon ng asawa, matapos na ibless ng pari ang kanilang bagong two storey house na ipinangalan pa sa kanya ng Komandante

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tama na muna ang iyak baby, wala pang regalo sa atin ang mga bisita." agad na biro ni Sebastian, para tumahan ang asawa na hawak nito sa isang kamay.

Napangiti nga si Richard sa ginawang birong iyon ng asawang Komandante, pati na ang mga kasama nila. At sumunod nga ang isa-isang pag-abot ng kanya-kanyang regalo ng lahat, para sa mag-asawang maninirahan na sa kanilang bagong bahay.

Matapos na mabuksan ng mag-asawang Richard at Sebastian ang mga regalong kanilang natanggap, isa-isa na ring nagpaalam ang mga bisita nila.

"Baste mamaya na muna." saway ni Richard sa asawang Komandante na sinimulan ng halik-halikan ang kanyang batok.

Imbes na tumigil, mas mariing mga halik ang naging tugon ni Sebastian sa asawang abala parin sa pagliligpit sa mga naiwang kalat mula sa mga nabuksan na mga regalo.

"Ahhhh." ungol ni Richard, matapos na maramdaman ang mga daliri ng asawang napuntirya na ang kanyang mga utong.

"Baby, gusto na muling pumasok ni junior." bulong ni Sebastian sa tenga ni Richard na marahan rin nitong kinagat-kagat pagkatapos.

Ang aksyon na iyon ng Komandante ang lalong nagpainit sa katawan ni Richard, kaya naman sa isang iglap lang ay humarap na ito sa unang pagkakataon sa pilyong asawa at mabilis nitong pinagtagpo ang kanilang mga labi.

Sa hindi inaasahang magiging tugon ng asawa, may kalakasang napasandal si Sebastian sa pader, ganunman mabilis itong nakabawi at sinuklian na mas marubdob na mga halik ang sinimulan ni Richard.

Matapos ang mainit na halikang nangyari sa kanila ng asawa, biglang tumalikod si Richard at iniwan ang Komandante.

Nabitin naman at naguguluhang naiwan si Sebastian, habang nakasandal parin ito sa pader.

Pigil naman ni Richard ang matawa habang patungo ito sa hagdanan at ng nasa kalahati na ito sa nasabing hagdanan na siyang nagdurugtong sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, tumigil ito sa paghakbang at tumingin ito sa gawi ng asawa na nasa sofa na sa sandaling iyon.

"Baste, ayaw mo bang ituloy natin sa taas?"

Pagkarinig nito sa tanong na iyon ni Richard, doon pa lang muling bumaling ang paningin ni Sebastian sa asawa na buong akala nito'y wala sa mood kaya tumigil sa ginagawa nila kanina.

Kita ni Richard ang mabilis na pagbangon ng asawa, kaya naman patakbo na itong nagtungo sa ikalawang palapag.

Mabilis namang nadakip ni Sebastian ang katawan ni Richard at sa isang iglap lang ay nabuhat niya ito ng walang kahirap-hirap.

"Baby naisahan mo ako dun, kaya naman humanda ka, uumagahin tayo mamaya." ngising banta ng Komandante na mabilis na ring tinungo ang kuwarto nila ng asawa.

...

"Hans anong problema?" nag-aalalang napatingin si Erick sa nobyong umiiyak matapos nitong may makausap sa kabilang linya.

"Nagising na si ate." naluluha sa labis na kaligayahang sagot ni Hansel sa nobyo.

"Masaya ako sa para sa inyo ng ate mo, Hans, halika na at puntahan na natin siya." tuwang tugon ni Erick sa magandang balita.

"Okay lang ba sa iyo sir, kahit pa matapos ang mga nangyari sa inyo ni ate?"

"Nakaraan na iyon Hans at kakausapin ko rin tungkol diyan ang ate mo kapag malakas na siya, bukod pa sa ipapaalam rin natin sa kanya ang relasyon natin."

"Salamat sir." mahigpit na yakap ang isinukli ni Hansel, sa nobyong naging sandalan nito mula pa nung unang araw na macoma ang nakatatandang kapatid, bukod pa sa pagmamahal na walang palyang ipinaparamdam sa kanya ng Komandante.

...

"Captain Manalo, Private Velasco maupo kayo." pahintulot ni General Manalo pagkapasok ng dalawa sa kanyang opisina.

"Alam kong batid ninyo ang gulong nangyayari ngayon sa bansang Oman at nagbigay na ng signal ang Pangulo para tumulong ang kasundaluhan sa nasabing giyera, pero bukod dun, kailangan rin ninyong bigyan ng proteksyon ang panganay na anak ng ikalawang Pangulo na si Carmen Montes, heto siya." Mahabang simula ng Heneral at abot nito sa larawan at mga intel sa dalawa, na sa puntong ring iyon ay matamang tumingin sa magiging reaksyon ng anak.

Bahagyang nagulat si Vince pagkakita nito sa pamilyar na larawan ng dating nobya, ngayon pa lang kasi ito nagkaroon ng balita mula nang makipaghiwalay sa kanya ang babae.

Hindi naman napansin ni Lorenzo ang reaksyon ng nobyong Kapitan, sapagkat abala ito sa pagtingin sa larawan ng magandang babae pati na sa mga intel na naroon.

"Bukod sa inyong dalawa makakasama ninyo ang magkapatid na sina Major Alejandro Guzman at Captain Mikael Guzman sa rescue mission na ito, bukas na bukas rin malalaman ang nakatakdang paglipad ninyo papunta sa bansang Oman." huling hayag ng Heneral sa dalawang kaharap.

...

Sa bansang Oman.

Hindi alam ni Carmen kung sino ang uunahin nitong gamutin sa mga pasyenteng walang tigil sa pagdating, sa kanyang maliit na clinic na itinayo nito wala pang isang taon ang nakararaan.

"Doctor please help my son." hirap na pag-ingles ng isang inang Omanis, nang dumaan ang babaeng doktor sa kinaroroonan nila ng anak.

"I'll help him, don't worry." mahinahong tugon ni Carmen sa ina ng batang pasyente at pagkatapos ay bumaling ito sa kasamahaan na siyang nagsisilbing translator para magkaunawaan sila.

"Shukran, Doctor, shukran jazeelah." tugon ng inang Omanis, na ang ibig sabihin ay maraming salamat.

"Afwan." ngiting balik ni Carmen, na ang ibig sabihin naman ay walang anuman, matapos nga nun ay muling bumalik sa pag-aasikaso ang babaeng duktor sa mga pasyenteng nadamay sa gulong ilang linggo nang nangyayari sa nasabing bansa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig ng Sundalo Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon