Chapter 2

0 0 0
                                    

Si Aqui…

Bumalik na lang ako sa huwisyo ng maramdamang may panyo na sa bibig ko. Shems! Nakakahiya taena tulo laway na pala ako.

I covered my face out of embarrassment. Gamit ang dalawa kong kamay hawak yung panyo ninuman, malay ko kung kanino. Nagtagumpay ako na takban ang mukha ko.

Hindi ko magawang i-angat ang ulo ko.

Kung mas minamalas ka nga naman oh. Pagsilip ko sa gitna ng mga daliri nakita ko ang siraulong Ria.

“What happened? Bakit nagkaganyan yan?” Tanong ni Shasha na kabababa lang ng puno.

T*ngina ayoko kasama tong mga to eh. 

Ria whispered something to Shasha that made her laugh so loud. My face is probably red as a tomato. 

"Are you good?" Bulong ni Aqui. 

"What?!" tanong ko patungkol sa sinabi niya. Buhat ng takot, hindi ko na maintindihan ang nangyayari kaya nagmadali na lang ako umuwi.

Narinig ko pang tinanong ako ni Kuya Vans bakit daw ako nagmamadali umakyat. Hindi ko na pinansin at sinara na lang yung pinto ng kwarto ko. 

Hingal na hingal akong umupo sa dulo ng kama ko. Nagsalin ako ng tubig sa baso ng makitang may pitsel sa mini table ko na nakapwesto sa harapan ng kama ko.

Bigla kong nabuga yung tubig na iniinom ko ng maalala ang pangyayari.

Malamang sa malamang ikukwento yun nila Shasha kila Yana. Taena bakit ko ba tinropa yung mga yon. Napahawak na lang ako sa noo ko ng maalala ang kahihiyan. 

Naalala ko noon saming lima ako lang yung iyakin. Tuwing hindi ako sinasali sa laro, hindi pinapansin o kaya nagtatantrums lang ako. Kung mababaw luha ko mas mababaw kaligayahan ko.

Di bale magaling din ako mangasar babawian ko rin tong si Shasha at Ria.

Yung totoo kaibigan ko ba talaga kayo? 

Dinaan ko na lang sa tulog ang kahihiyan.

Nagising ako sa mga manok ng kapitbahay na nag titilaok na. Pumunta muna ako sa banyo para maligo at makapagayos na. Alas-otso pa naman ang pasok ko kaya may kalahating oras pa ako para magready sa first day of school.

After taking a bath. A wide smile welcomed my precious uniform. Isang kulay brown at black checkered na palada na umabot sa tuhod na may kaparehang puting polo at brown na necktie. Nilagyan ko rin ng ipit ang makili kong buhok tyaka bumaba. Nakita kong nasa kitchen si Cole busy magluto.

Ang bango ng sinangag na niluluto ni Cole. Paborito naming magpipinsan ang sinangag kahit anong klaseng luto pa yan. Samahan pa ng hotdog at nuggets. Buong-buo ang buhay ko.

Laking pasasalamat ko ng makitang wala don yung magkapatid na ipinanganak ata sa sama ng loob. Kaya payapa naman kami nakakain nila Loufer.

Pagkatapos kumain kinuha ko na yung backpack ko. Bumeso muna ako sa mga tao sa bahay bago lumabas. 

Nakita ko sa labas yung kotse ni Daddy Val na Ford Ranger FX4 Max, in shade of brown. Pinagbuksan naman ako ni Tatay Fred, family driver.

“Good morning! Ace,” bati niya sa akin.

“Good morning po tay!” masayang bati ko naman sa kanya. 

May Claustrophobia ako pero minimal lang. Yung tipong sa elevator, bus, car, o kaya ferris wheel ay nahihilo at nagsusuka ako minsan yung simpleng amoy lang nila ay nagsusuka na ako. Kaya tuwing nagkokotse ako mahina lang ang aircon at may air freshener silang gamit para hindi ko raw maamoy yung nagpapasuka sa akin.  Hindi rin ako nakakapagphone at lumilikot. 

Deplore PropitiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon