Ikatlo
Hindi kaya... kay Aqui to? Pero imposible ngayon lang kami nagkausap.
Geez! Pero what if sa kanya nga? Hindi ako mapakali simula nang sabihin ni Shasha sa akin yun.
Tamang-tama nasa labas siya kasama sila Joshua, nakaupo sa garden ng club house. Magiisip ba sila ng masama kung harap-harapan ko itong babalik? Wag na lang kaya sa ibang araw na lang siguro kaso nakakahiya kung hindi ko ibabalik at tyaka tuwing nakikita ko yung panyo naalala ko yung...
"Pisteng panyo!" urat kong sigaw.
"Ay palaka" napabalikwas naman ako sa gulat ng pitikin ako sa noo ni kuya Vans.
"Kawawang panyo... problema mo?" takhang tanong niya sa'kin.
"Ah, w-wala kuya."
"Anong wala eh parang gustong-gusto mong mapunit yung panyo sa sobrang higpit ng hawak mo." Mahinahon niyang sinabi sa akin.
Hindi ko na napansin na halos mawala na yung pagpaplantsang ginawa ni nanay. Matapos kong i-straight ang yuping panyo ay naglakas loob na akong lumabas para puntahan si Aqui.
Habang papalapit ako halos sumakit na ang ulo ng anghel at demonyo na nasa balikat ko. Pabalik-balik hindi malaman kung anong gagawin.
Ngat-ngat ko pa ang mga kuko habang papalapit.
Pagkalapit ko sa kanila bigla na lang ako tumalikod na para bang hinahatak ako tapos humarap ako ulit. Pansin sa mukha nila Joshua ang pagtataka sa inaasta ko. Sinampal naman niya yung kamay ko nang mapansin niya na ngingatngat ko nanaman.
"Ah, A-aqui yung panyo mo, maraming salamat!" Halos hangin na lang yung lumabas sa bibig ko. Inabot ko yung panyo malapit sa braso niya pero nanatili lang 'yon sa bulsa ng kanyang grey jagger shorts.
Pabebe ka boi?
Lumaki naman yung mata ni Joshua. Knowing them aasarin ako ng mga to.
"Bakit may panyo? Kapag ako manghihiram ng panyo ang kunat mo, pero pag sa babae G lang?" -Joshua
"Bakit nasa sayo yan? Kayo ha! Respeto sa single." -Qian
"Sheyt, naol! Pokpok ka Aqui!" -Vint
"Yieeeee!!!" sigaw nilang tatlo
May kasama pang ngisay-ngisay sa kilig jusko! Napahampas na lang ako sa noo ko.
Nagmalakamatis na sa sobrang pagkapula ang pisngi ko pero patuloy pa rin sila sa pangungutya. Hindi ko pinansin at binaling kay Aqui ang atensyon.
Kailangan ko pang tingalain kasi hanggang balikat lang niya ako. Mukhang natutuwa pa sa nakikita niya!
I gave him a dead glare.
Ang tagal kunin ng panyo ngalay na yung kamay ko. Tinaasan niya ako ng kilay tila nagtataka kung anong ginagawa ko ngayon.
Nagpanggap siyang walang alam at lumingalinga sa paligid habang sumisipol. Pangasar ang g*go!
Napansin niyang napupuno na ako sa galit kaya sumeryoso ang mukha niya pero ngumiti ng bumaling ang kanyang mata sa kamay kong nakababa habang hawak ang kanyang munting panyo.
Tuwang-tuwa siguro siya kasi naalala niya yung tumulo kong laway. Please naman bilisan mo na! Hiyang-hiya na ako oh.
"Kung ayaw mong kunin edi wag! Daming arte sayang oras ko sayo!" Galit na galit kong sigaw sa kanya. Sabay hampas sa matigas ng dibdib. Pansin ko naman tumigil sa pangungutya sila Vint nung sumigaw ako.
"Adorable puppy," mahinang bulong ni Aqui.
"Anong sabi mo?!" tanong ko sa kanya ng may ibulong ito.
"Nothing," I heard him chuckling, he raised both of his hands like a criminal who's surrendering.
BINABASA MO ANG
Deplore Propitious
RomanceHave you been faithful to the man that you really love because you are afraid that you might get cheated on? Or Have you ever experienced being treated like a treasure despite all the years of not hearing any news from him? The guy you've been long...