<3 Chapter 49

6.4K 115 12
                                    

 [Taki’s POV]

 Nabali ko sa gitna ang lapis na hawak ko nung makita ko na naman silang magkasama. Napahinga ako ng malalim. Kalma lang Taki Kalma lang, bestfriend mo si Inoue, bestfriend mo.

“O  ito pa oh” nagulat ako ng may isang box ng pencil ang bumulagta sa harapan ko. Nakita ko si Yori nakangisi sa’kin habang hawak hawak ang isang box na lapis. Napataas ang isa kong kilay.

“A-anhin ko naman iyan ha?” na iirita kong sabi.

“Ahm bago mong babaliin?” patanong na sabi niya pero may halong pabiro ito. Nang aasar ba talaga si Yori. Araw araw na lang, Argh! Kahit ilang beses man niyang itaboy ito hindi talaga lumalayo sa kanya.

“Gusto mo ikaw  ang balian ko ng buto diyan ha!” bulyaw ko sa kanya.

“Sabi ko nga itatago ko na’to para sa’yo Takin hehe”  ibinalik niya nga ito sa bag. Pinakalma ko na naman ang sarili ko, wala na nga ako sa mood dadagdagan pa ng baliw na’to.  Nasa stage kaming dalawa ngayon, gusto ko sana mapag isa pero ayaw naman umalis ng lalaking ‘to sat bi ko, kainis lang di ba? Mas lalo pa ako nainis ng makita ko na naman silang magkasama. Araw araw na lang, araw na lang lagi sila magkasama at lagi ako naiinis. Oo aaminin ko na, nagseSELOS ako, sobra!

“Takin”tawag niya sa’kin. Hindi ko siya tinignan. Bahala siya.

“Takin” nagulat ako ng hawakan niya ang pisngi ko at bakit parang lumakas ang kabog ng puso ko. Tapos iniharap niya ang mukha ko sa kanya, ako naman si ewan, bakit parang hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Napabuntong hininga siya.

“Another tears na nanaman” he wiped my tears sa mukha ko. Nakita ko sa mukha niya ang lungkot, na parang nasaktan siya ng makita ang mg luha ko.  

“Ganun mo ba talaga siya ka mahal?”- Yori. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon ng marinig ang tono ng pananalita niya at ang expression ng mukha niya, first time kong makita ito sa isang Yori Nagano. Ang masayahin na Yori, na walang ginawa kundi asarin at patawanin ako. First time kong makita siyang nalulungkot at iyon ay dahil sa’kin? Ako ba ang may kasalanan? Nakonsensiya ako.

“W-wala kang pakialam!” agad ko inalayo ang mukha ko sa kanya. Ayaw kong makita ang ganyang expression sa kanya. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kirot ng makita ko ang expression ng mukha niyang iyan. Mas sanay ako sa lagging nakangiting Yori.

Napabuntong hininga si Yori at parang may sasabihin sana pero hindi niya nasabi ng makita namin si Inuoe na tumakatakbo papalapit sa kinaroroonan namin.

“Taki!” tawag niya at hinihingal pa ng makalapit sa’min.

“Oh I-inoue” Medyo na iilang kong sabi sa kanya.

“Taki s-sorry, hindi ako makakasbay ngayon sa’yo sa pag uwi” paghingi niya ng tawad. Napapikit ako na parang nagpipigil. Siguro kasama niya si Black Heart kaya hindi siya sasabay sa’kin. Ganun na ba talaga kalalim ang relasyon nila? Parang unti unti ako pinapatay ng selos at inggit sa mga nangyayari. Halos di ko maibuka ang bibig ko, dahil hindi ko alam kung ano isasagot ko sa kanya. Na sabihin kong okay lang? Kahit hindi okay talaga sa’kin? Ayaw kong magsinungaling.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon