From class, nagpaalam na agad ako na uuwi na ko at sila naman ay tatambay pa sa school at manonood ng training ng varsity since nandun ung ibang crushes namin.
Nagsinungaling ako sa kanila. Totoo namang uuwi na ako pero may dadaanan muna ko. At ang dadaanan ko ay si Jeric, my unexpected friend.
Pagbaba ko ay may nabasa ako sa gate ng bahay niya. May nakasulat na "For Sale". Nagtanong-tanong ako sa mga medyo kalapit na bahay. Nalaman ko na sumunod na siya sa family niya sa abroad at baka hindi na bumalik. Pumunta siyang abroad para makasama ang lolo't lola niya dahil matatanda na raw ito. Umalis ako, nagpasalamat at nagpaalam dun sa pinagtanungan ko.
Habang papauwi ako ay hindi maalis sa isipan ko si Jeric. Hindi kasi siya nagpaalam pero sino nga ba ako sa kanya. Masakit kasi umasa ako kasi naman nahawakan ko na body niya kaya akala ko tuloy-tuloy na. Siguro it is true na pagmabilis dumating, mabilis ding mawawala.
BINABASA MO ANG
Sabik Sa Kapwa Lalaki
RomanceSamahan niyo ako sa pagtuklas sa mga sagot sa mga katanungan na hindi maalis sa isip ko. Sino ba talaga ako? Ano ba talaga ako? Ano ba 'tong nararamdaman ko? Ito po ay fiction story lamang.